CHAPTER 27

921 26 0
                                    

"DAD, may ipapakilala po ako sa inyo..." bungad na sabi ni Ykhezia habang kausap ang ama at ina sa cellphone. Pinaglalaruan naman niya ang sariling daliri. "Wow, boyfriend mo?" masayang tanong ng ama niya sa kaniya.

Alanganin naman siyang ngumiti rito.

"Yes, dad. And I wannt to invite him tonight in our dinner." Halatang hindi makapaniwala ang kaniyang ama at hanggang ngayon naman ay nakaawang pa rin ang labi ng kaniyang ina.

"T-that's good, then!" masayang saad ng ama. Ang ina naman niya ay halatang may malamim na iniisip. "Saang angkan naman galing 'yan?" masungit nitong tanong. Nakita niya kung paano ito pakalmahin ng kaniyang ama.

Sarkastikong napangiti si Ykhezia nang dahil doon. Alam niyang itatanong ito ng ina niya at posibleng takutin ito kung hindi galing sa mataas na pamilya.

"Well... he came from not a very rich family. But he always worked hard for something." Makahulugan niyang sagot dito.

"No, Ykhezia. Anak... kilalanin mo naman kung sinoa ng gusto mong makasama habang buhay. Kaya ka ba niyan bigyan ng magandang buhay? O baka naman umasa 'yan sa 'yo at sa pera mo?" Mapait siyang napangiti dahil doon. Hindi siya nagkamali na magiging ganito ang reaction ng ina niya. Expected naman na niya ito. She was clearly aware that she doesn't like Magnus in the first place. Paano pa kaya itong lalaking pinagsasabi niya ngayon?

Well... may plano naman ang lahat ng bagay.

"Mom, matino siyang tao. Masipag, nakukuha niya ang lahat ng gusto niya sa sarili niyang pagsisikap. At bukod doon, hindi siya kayang abusuhin ng kahit na sino." Nakangisi na siya ngayon. Umakto namang nahihilo ang kaniyang ina. Gusto niyang matawa sa ikinikilos nito. After all she discovered? Mas lalo lamang nawalan siya ng ganang igalang ito.

"Anak... sindikato ba 'yang nakuha mo? Umayos ka naman. Nakakahiya sa mga kamag-anak natin. Ano na lang ang sasabihin nila? Magmahal ka naman ng kapantay mo. Goshhh!" Humarap ito sa asawa. "Pagsabihan mo naman ang anak mo."

Napabuntong-hininga siya nang maputol ang video call nila after humingi ng despensa sa kaniya ang ama niya. Hindi naman na siya umasa na may aaprubahan itong lalaki para sa kaniya maliban kay Xavi.

Si Xavi lang ang ginusto ng ina niya para sa kaniya ngunit wala naman sa isipan niyang patulan ito. Oo nga at pinansin niya ang lalaki pero hindi ibig sabihin no'n ay may malaki na itong pag-asa sa kaniya dahil kung siya ang tatanungin, mas lalong hindi sila bagay ng lalaki dahil wala pa ito sa mga napatunayan ni Magnus para sa kaniya.

"Play well, my dearest mother."

After attending three straight meetings, dumaan si Ykhezia sa isa sa mga orphanage na ini-sponsor-an din niya. Masaya siyang ginagawa ang mga bagay na ito dahil kahit papaano ay pakiramdam niya napupunan niya ang kulang sa buhay niyang hindi naman niya masabi kung ano.

"Hija, buti nakadalaw ka. Halos tatlong buwan na rin po noong huli tayong nagkita." Nagmano siya sa madre. "Mother Josephine, pasensiya na ho kayo dahil masyado akong naging abala sa maraming bagay. Pero dumadalaw naman ho rito si Warren? Isa sa mga tauhan ko?" pagtatanong niya na kaagad ikinangiti nito. Inalalayan siya ni Mother Josephine patungo ng hardin.

"Oo, sobrang bait ng mga 'yon. Noong nakaraan nga ay nasira ang gripo sa loob, mabuti na lamang at dumating yung mga binatang iyon at sila ang nag-ayos. May dala rin silang mga bagong kagamitan para sa mga bata, pinadala mo raw." Kaagad siyang tumango. "Oho, namili kasi ako ng mga gamit ng anak ko noong nakaraan, kaya sinabay ko na rin." Nanlaki ang mata ng madre dahil sa kaniyang sinabi. Hindi pa niya nasasabi sa mga ito na may anak na siya—anak ng nobyo niya ngayon.

"May anak ka na?"

Natawa siya dahil doon. Inayos ni Ykhezia ang buhok niyang nagkalat sa kaniyang mukha. "Opo, sa susunod po ay dadalhin ko siya rito para makilala ninyo."

Nagnininging ang mata nito dahil sa kaniyang sinabi. Mabubuting tao ang mga ito kaya nga hindi rin siya nagdalawang-isip na magpundar ng malaking halaga sa orphanage na ito. Isa sila sa mga nakatulong sa mabilis niyang recovery mula nang magising sa pagka-comatose.

"Ay tama iyan, magkakaroon kami ng simpleng event sa susunod na linggo. Baka gusto mong isama ang anak mo para may makakilala siyang mga bagong kaibigan?"

Kaagad siyang tumango. Nagmeryenda lang siya saglit kasama ang mga ito at inalam ang iba pang pangangailangan nila bago umuwi.

Bakas naman sa mata ni Magnus ang gulat.

"Bakit?" Natatawa niya itong sinalubong sabay dampi ng halik. Binaba naman niya ang bag sa kama. "Aalis ka?" kunot-noo niyang tanong nang mapansing nakabihis ito.

"Oo, e. Sama ka?"

"Saan ka pupunta?"

"Makikipagkita kay Nicklaus, sasaglit lang naman ako tapos susunduin ko na si Seah sa nursery." Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng lalaki upang maglambing. "Ako na lang kaya ang susundo sa anak natin?"

"Huwag na, magpahinga ka na lang."

"please?" pangungulit pa niya. Hinawakan ni Magnus ang mukha niya bago umiling. "Magpahinga ka na lang, okay? Una na ako. Bye, I love you." Literal siyang natigilan sa sinabi nito. AFter so many years, narinig niya ulit iyon.

"I l-love... you too." Pigil ang paghinga niyang sagot.

Natawa lamang si Magnus sabay pisil ng ilong niya. Pinanood niya ang lalaki hanggang sa makaalis. Saktong pagbalik niya sa kwarto ay napaupo siya sa sobrang hilo. Mabilis siyang tumayo at pumasok ng banyo nang maduwal siya. Wala sa sariling napahawak siya sa tyan niya.

Ano bang nangyayari sa akin...

Nagmumog siya at nagpalipas ng ilang minuto. Napapadalas na ang pagduwal at pagkahilo niya. Dahil nag-aalala sa sariling kalagayan tinawagan niya ang kakilalang doctor upang magpa-check up kung  ano ba ang nangyayari sa kaniya while secretly hoping na hindi ito ganoon kalala.

"Doc, wala naman itong kinalaman sa nangyari sa akin ilang taon na ang nakakaraan, 'di ba? Naka-recover naman na ako at hindi naman ganoon kalalim na ang sugat ko nang magising." Nag-uumpisa na siyang mag-alala. Hindi pa siya handang magkasakit ulit. Alam niyang maayos na siya nang magising kaya imposibleng dahil pa rin ito roon.

"Bakit ho kayo nakangiti?" Inis niyang tanong sa Doctor.

"Miss Imperial, kumalma ho muna kayo. Hindi po ito epekto nang mga nangyari sa inyo. You're two months pregnant, Miss Imperial." Anito na nagpahinto sa kaniyang buong sistema.

𝒀𝒐𝒖𝒓𝒔 𝑭𝒐𝒓 1 𝑩𝒊𝒍𝒍𝒊𝒐𝒏 | 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #2✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon