CHAPTER 40

1.6K 29 1
                                    

TAHIMIK si Ykhezia at Magnus sa loob ng sasakyan. Sinabihan kasi sila ni Magnus na ihahatid na raw. Kahit gustuhing umayaw ni Ykhezia, bawal naman siyang umakto na para bang wala silang anak at walang namamagitan sa kanila. Kahit papaano may connection sila sa isa't isa. Masakit mang isipin, hindi naman niya puwedeng baguhan. 

She's happy with her kids. 

Ilang taon na rin naman iyon at hindi na rin ganoon kasakit ang lahat sa kaniya. 

"Gusto mo ba munang kumain tayo?" pagbasag ni Magnus sa katahimikan. Sinulyapan naman niya ang mga anak nila sa likod niya. Hindi pa man niyang pormal na napapakilala si Hazael kay Magnus alam niyang may clue na si Magnus sa nangyayari. 

Alam niyang may ideya na ito kung sino ang batang kasama nila ni Seah. Hindi tanga si Magnus.

"Mga anak, gusto niyo ba munang kumain?" Pansin niya ang panunubig ng mata ni Magnus sa salamin. Sumikdo rin naman ang puso niya nang dahil doon. Ano pa nga ba? Kahit gaano pa kalalim ang nangyari sa kanila, walang makakapagbago sa puso niya na ito pa rin ang first love niya. Kahit anong mangyari, hindi na niya maiaalis ang katotohanang buong buhay niya, wala siyang minahal kung 'di si Magnus lang. 

Si Magnus na tinanggap ang buo niyang pagkatao. Pinakita sa kaniya kung ano ba ang tunay na saya at kung gaano katibay ang tunay na pag-ibig anumang problema ang kaharapin nilang dalawa. 

Hindi naman sinasarado ni Ykhezia ang isipan niya sa posibilidad na magkabalikan sila. Sa tingin naman niya ay kaunting pag-uusap na lang ang kailangan nilang dalawa. "Yes, mommy!" sabay pang sagot ng dalawa saka humagikhik. 

Hindi napigilan ni Ykhezia at Magnus ang matawa. Mahal na mahal ni Kazie ang mga anak niya at hindi niya alam kung kaya pa ba niyang pairalin ang galit. 

"Sige..." sagot niya kay Magnus. Tumango naman ito at saka iniliko ang sasakyan nila. 

Pagkarating sa pinakamalapit na restaurant, natigilan silang pareho nang makasalubong ang daddy niya. Pansin niya ang malaking pagbabago ng katawan nito. "D-daddy..." Kasabay ng paninikip ng kaniyang dibdib ang pag-uunahan ng mga luha niya. 

"Anak..." usal nito. Malalaking hakbang ang ginawa ni Ykhezia hanggang sa maabot ang daddy niya. Sobrang higpit ang naging yakap niya rito. "I am so... sorry, d-daddy ko." Patuloy siya sa paghagulhol. 

Nakuha rin nila ang atensiyon ng ilang costumer doon. 

"A-anak..." binigyan ng daddy niya ng pagitan ang katawan nila. Pinagmasdan siya mula ulo hanggang sa paa. Punong-puno ng emosiyon ang mga ito at ramdam na ramdam ni Ykhezia ang pangungulila at pagmamahal sa kaniya ng daddy niya. "w-wala kang kasalanan, o-okay?" Sapo nito ang mukha niya. 

Naramdaman ni Ykhezia ang paghawak ni Magnus sa braso niya. Pareho naman silang napalingon ng daddy niya sa lalaki. "Nakakuha na po ako ng private room para sa atin. Baka gusto niyo na doon na lang po tayo mag-usap? Para rin..." Inilibot ni Magnus ang tingin sa buong paligid na siya rin namang ginawa ni Ykhezia. Nakatingin na nga sa kanila ang lahat ng costumer. 

Natawa na lamang siya bago tumango. Ganoon din ang daddy niya sa kaniya. Binuhat ni Magnus ang mga anak nila kaya naman tuloy-tuloy ang naging paglakad ni Ykhezia. Pinigil niya ang ngiti nang makita na may mga nakahaing pagkain na roon. Mukhang pinaghandaan ang lahat. 

"Anak, sorry sa nagawa namin ng mommy mo. Sorry for not being a good parents to you." Nasasaktan siyang marinig ang mga bagay na iyon. Alam ni Ykhezia kung gaano naging mabuting ama ang daddy niya. Pilit nitong ibinigay ang lahat ng pangangailangan niya. Pilit din siya nitong tinaguyod noon at palaging binibigyan ng oras sa kabila ng pagiging abala nito sa trabaho. "

Hinawakan ni Ykhezia ang kamay ng daddy niya. Saglit din niyang nilingon ang paglayo ni Magnus kasama ang mga anak niya. Okay na rin iyon atlis magkakaroon ng time ang mag-ama niya na makilala ang isa't isa. 

"Dad naman! Wala naman po kayong kasalanan at hindi rin naman po kayo nagkulang sa akin. You're still the best for me. At kung hindi po dahil sa inyo..." Nilingon niya ang dalawang anak na ngayon ay nakikipaglaro kay Magnus. Sinundan din naman ng ama ang tinitiningnan niya. "kung hindi po dahil sa inyo. Hindi po ako magiging isang mabuting ina sa kanila. Hindi ko po sila mapapalaki nang maayos at hindi ko rin po magagawa ang mga bagay na ginagawa ng isang ina sa kaniyang mga anak. 

"Masaya ako para sa iyo, Kazie..." Napailing siya. "Dad, hindi naman po kayo mukhang masaya, e," aniya. "malungkot po ang mga mata ninyo." Nagpunas ito ng luha. 

"Nalulungkot lang ako na hindi ko nakitang dinala mo sila. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na alagaan ka habang nagbubuntis ka." Matamis niyang nginitian ang ama sabay pisil nang mahina sa mga kamay nito. 

"Dad! Ano ka ba? Ayos lang 'yon!" seryoso niyang saad dito. Ayaw niyang pag-isipin ng kung anu-ano ang daddy niya. "Naging lesson na rin sa akin ang lahat ng iyon. At isa pa daddy, hindi mawawala ang kaartehan ko kung hindi ako naghirap at hindi ko po naranasang itaguyod silang dalawa nang mag-isa." 

That's why she's proud of who is she now.

"Daddy," 

"Yes, baby?" 

"Paano mo po malalaman kung mahal mo pa ba ang isang tao at handa ka na ulit sumugal sa kaniya kahit wala kang narinig na sorry sa kaniya?" bigla na lamang niyang naitanong. Hindi niya alam kung ano ang pumapasok sa isipan niya ngayon. "Anak... hindi ako ang kailangan mong tanungin tungkol diyan. Sarili mo lang ang makakasagot niyan. Basta palagi mong tatandaan na kapatid ng pagmamahal ang pagpapatawad. Kahit wala kang narinig na sorry sa taong 'yon? Paulit-ulit mo siyang mapapatawad. Hindi mo lang alam 'yon sa sarili mo ngayon dahil naka-focus ka pa rin sa nangyari at hindi sa nararamdaman niyo at kung ano ang tamang gawin sa relasiyon niyo." Sobrang tumagos sa kaniya ang sinabi ng ama niya. 

"Subukan mong libangin ang sarili mo nang hindi siya iniisip. Alamin mo kung kaya mo na ba nang wala na talaga siya sa buhay mo. At kung nasagot mo na... saka ka magdesisyon para sa relasiyon niyo." Mahigpit siya nitong niyakap muli. "Puntahan natin ang mommy mo, kung handa na rin 'yang puso mong makita siya." Pahabol pa nito. Tanging pagtango na lamang ang naging tugon niya. 


A/N: MAY CHAPTER 40 PA PALA BAGO EPILOGUE HAHAHAH SORRY LUTANG. PERO HETO NAAA, EPILOGUE NA TALAGA. 

𝒀𝒐𝒖𝒓𝒔 𝑭𝒐𝒓 1 𝑩𝒊𝒍𝒍𝒊𝒐𝒏 | 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #2✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon