***
Third Person POV:
Makalipas ang tatlong taon na pananatili ni Noah sa America upang mag undergoe ng treatment ay muli ng bumalik ang dati niya lakas at nakakalakad na siya ng normal. Hindi tulad dati na kahit pagtayo ay hindi niya magawa pero ngayon ay tuluyan na nga siyang gumaling, dahil na rin sa determination niya na muling makalakad at bumalik ang dati niyang buhay.
At sa wakas ay hindi na siya mabubulok sa wheelchair na yun at hindi na rin niya kailangang uminom ng sandamakmak na gamot na prescribed ng kanyang doctor upang mapabilis ang kanyang paggaling at muling makalakad.
"Hey dude, what's up. Long time no see." Mabilis na lumapit si Julian kay Noah na kakarating lang at nakipag apir sa kanya.
Umupo ito sa sofa, katabi ng kambal nitong si Julius na nagbabasa ng libro. As always, the genius of their group and a silent type, none other than Julius Caesar. The twin brother of Julian Caesar na kabaligtaran nito sa lahat ng aspeto. Julian is a type of man na napakadaldal at hindi nauubusan ng topic at ang higit sa lahat ay napaka womanizer at kada araw at ibat ibang babae ang dini-date nito na halos maubos na niya ang babae sa University nila kayat sa ibang University naman ito lumalandi.
At ang pambansa niyang motto ay 'Girls are everything, without them, World is nothing.'
Then there is Julius Caesar, Julian's twin brother na sobrang kabaligtaran nito. Kung si Julian ay womanizer at mahilig sa babae, si Juluis naman ay ang binansagang 'one woman' dahil after siyang hiwalayan ng girlfriend niya ay hindi na siya nagka-interes pa sa ibang babae at itinoon na lang ang sarili sa pagbabasa ng libro. Napakatahimik din nito di gaya ng kakambal.
"So ano. Kamusta ang buhay sa America? Nakarami ba ng chicks?" Mapang-asar na tanong ni Julian kay Noah at tinaas baba pa nito ang kilay at ngising ngisi.
Mabilis naman na umismid ang katabi nito.
"Gago! Paano siya makakarami eh hindi naman babae yung pinuntahan niya dun. Palibhasa puro babae ang laman ng utak mo." Sabat naman ni Aldus kay Julian at binatukan pa ang kaibigan na ikinasama ng tingin nito sa kanya.
"Mas gago ka! Hindi naman yung kargada niya yung may depirensya eh. Yung mga binti niya. Makakarami parin yan kahit nasa wheelchair lang. Utak lugaw ka eh." Banat ulit ni Julian
"Ewan ko sayo. Babaero ka lang talaga." Hindi na nakipag bangayan pa si Aldus sa kaibigan dahil tiyak siyang matatalo siya nito lalo na kung babae ang topic. A typical womanizer.
Si Aldus Glenn ay ang masasabi mong matinong lalaki sa kanilang magkakaibigan at siya ang binansagang 'Loyal Boyfriend of all' nang buong campus dahil siya lang ang may pinakamatagal na nakarelasyon.
"Anyway, babalik ka na ba sa Orison University? It's been what... 3 years." Pag-iiba na lang ng topic ni Ivan na kanina pa nakikinig sa bardagulan ng mga kaibigan niya.
Ivan is just an ordinary young man, no more explination, no more description not like their other friends. Hindi siya yung tipo na mahilig sa babae hindi tulad ni Julian na parang may competition sa paramihan ng mabibingwit na babae pero hindi rin naman galit si Ivan sa babae. Simple lang talaga ang buhay niya like a normal college student.
"Yeah. Kakastart palang naman ng semester so why not." Sagot ni Noah sa kaibigan. Tumango sina Aldus, Ivan at Julius samantalang si Julian na pumalakpak sa sobrang tuwa.
BINABASA MO ANG
Lost In The Abyss Of Darkness (Ongoing..)
Dla nastolatkówBlaire Santiago lost her vision after a painful car accident, which also cost her parents lives and tormented her for the past three years. If she has a choice, she would gladly choose to remain blind forever rather be able to see the world once mor...