//07//

9 2 0
                                    

***

PANIBAGONG araw para sa panibagong pagsubok na haharapin ni Blaire dahil lalong naging maugong ang rumor ngayong bumalik na si Noah sa Orison University. Lalo silang pinag-usapan dahil na rin sa naging sagutan nila noong isang araw. Hindi man nakikita ng sarili niyang mga mata, kalat na sa socmed ang mga picture niya. Buti na lang walang kwenta sa kanya ang social media. May mga account lang siya for school purposes. Hindi naman niya iyon magagamit dahil wala nga siyang nakikita.

'Sayang hindi ko napost agad yung full video nung usapan ni Noah at Blaire. Pinadelete kasi ni Aldus nung nalaman niya.'

Blaire click the pause button of her braille device audio after she heard her name. Although naka earphone siya ay dinig parin niya ang ingay sa paligid niya dahil hindi naman ito naka full volume.

'Dapat pinasa mo agad sa akin. Mabagal ka eh.'

So they took video of them the other day without her consent. Iba rin talaga ang chismosa. Bakit ba napaka eager ng mga tao na pag-usapan ang buhay ng ibang tao, as if naman na may mapapala sila.

'Pero ano kaya yung pinagtalunan nila. Malayo kasi ako eh kaya diko narinig, puro picture lang ang meron ako.'

'Na post mo na sa socmed?'

'Ofcourse. Ang dami na ngang likes eh.'

Hanggang sa library naririnig parin niya ang chismis. Pero itong place parin ang alam niyang safe para sa kanya.

"Quiet! This a library, not for your chitchat place. Lumabas kayo kung hindi niyo kayang manahimik." Umibabaw na ang malakas na boses ng babaeng librarian.

That's what she's talking about. Library became her safe sanctuary for one and half days after her meet and greet to her rumored fiancee. Dahil rin sa pagtatago niya rito ay walang Cynthia na nangguggulo sa kanya.

Nasa pinakasulok siya ng mga bookshelf kung saan hindi gaanong nadadaanan o pinupuntahan dahil nga nasa pinakasulok. Maganda parin naman yung kinauupuan niya at napaka relaxing. Ito ang Tinuro sa kanya ng babaeng librarian na magandang place although wala siyang nakikita ay pinaliwanag parin sa kanya ito ng librarian.

Nasa pinakasulok ng bookshelf at sa likod siya ng malaking bookshelf na iyon naka-upo, nakasalampak lang siya. Sliding door ang kaharap niya ayon sa paliwanag ng librarian at natatanaw ang dulong parte ng garden na may ibat ibang uri ng bulaklak.

Pinabuksan lang niya ang sliding door para ramdam niya kahit papaano ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang balat. Malaki ang library kaya wala ring nakapansin na naririto siya. Kaya lang ay hindi nakakaligtas sa pandinig niya ang mga chismosang estudyante at siya pa ang main topic.

"So this is your hiding place huh. Not bad. Hindi na ako mahihirapang maghanap." Saad ng baritonong boses na nagmula sa kaliwa niya and she knows the owner of that voice.

"What do you want again?" Walang kagana gana niyang tanong kay Noah nang hindi ito nililingon. She's just typing her report assignment on her braille device that will pass on later. "Kung tatanongin mo ko tungkol sa panibagong issue tungkol sa atin... na ikaw naman ang nagsimula, sorry pero wala akong maisasagot sayo. Yung mga nagkalat ng picture mo sa social media ang sugurin mo, wag ako dahil wala akong maitutulong sa problema mo."

"Tsk. You're spouting nonsense. I'm not here for that." Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya kaya umusog siya ng bahagya palayo rito.

"Then why are you here?" Muli niyang tanong. If she's not the reason then what else.

Lost In The Abyss Of Darkness (Ongoing..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon