Kabanata 3

445 19 62
                                    

Out of Nothing

Aliviana

Class 2008

Halos mabaliw ako sa kaiisip ng mga nangyari. Ang mga sinabi ni Gael ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Alam ko naman na ginawa niya lang iyon para hindi ako i-bully ni Fiona pero paano kung may iba pa iyong kahulugan?

"Oy, nabalitaan ko ang nangyari kahapon," bulong ni Cha sa akin.

"Oo na, lagot ako kay Fiona," I hissed.

"Not on Gael's watch. Simula yata nang kumalat ang balita sa campus na 'the SSG President and achiever Gael Dominick Veda is in love with ganda lang ang ambag Aliviana Dianne Fallon' ay hindi ka na nilubayan ng tingin ni Mr. President." She made a funny reporter-wannabe voice.

Napalingon ako kay Gael na dito na sa classroom namin ginagawa ang mga reports na kailangan niyang ipasa sa school management na dati niyang ginagawa sa faculty room. He looked at me then raised an eyebrow, nairapan ko siya nang hindi sinasadya. Tumayo siya at mabilis ang paglakad papunta sa direksyon namin. Napaupo ako nang maayos at nanliit ang pakiramdam nang tumayo siya sa harapan ko at tinukod ang dalawang kamay sa dalawang mesa ng armchair na nasa magkabilang gilid ko.

"Ano'ng iniirap-irap mo d'yan?" pabulong na tanong niya.

Tumayo si Cha at walang imik na iniwanan kaming dalawa ni Gael sa loob ng classroom. Kaming dalawa na lang ang nandito dahil recess at nasa labas ang lahat.

Napalunok ako bago nagsalita. "W-wala, hindi ko sinasadya." Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil para akong nagagayuma ng kulay abo niyang mga mata.

"Gael Veda, type mo 'yang si Viana Landi?"

Pumasok ang mga lalakeng madalas ay kalaban ng team nila Gael sa basketball dito sa school. Nakangisi si Larry habang papalapit sa amin kasama ang mga kaibigan niya. Sa pagkakaalam ko ay second cousin ito ni Fiona. Kaya malakas ang loob ng maldita na mang-away dahil alam niyang may magtatanggol sa kanya. Dati kong kaklase si Larry, isa sa mga tinanggihan kong manligaw sa akin dahil madalas ay amoy-pawis.

"Ano naman iyon sa iyo?" balik tanong ni Gael.

Nagtawanan sila at dinuro ako ni Larry. "Sigurado ka? Eh, halos lahat ng lalake sa lower section noon ay natikman na si Viana. Galgal na 'yan."

Nag-init ang ulo ko at halos manlambot sa kahihiyan. "Hindi iyan totoo! Hindi nga kita pinatulan kasi ang asim mo!" Hindi ko napigilang sumigaw.

Sinamaan ako ng tingin ni Gael kaya napabalik ako sa maayos na pagkakaupo. Napayuko ako at inalala na baka paniwalaan ni Gael ang mga sinasabi ng mga lalakeng ito. Paano ko magagawang lumandi ng ibang lalake kung puro si Gael ang nasa isip sa buong taon ko sa high school? Maraming nagtangkang manligaw, pero iilan lang pinayagan ko, tapos hindi ko pa sinagot dahil hindi ko type at iba ang laman ng isip ko, ayokong maging unfair sa kanila. Isa sa mga tinanggihan ko noon ay si Larry kaya ganyan na lang ang galit niya sa akin.

"Hindi ko alam na ganyan pala kabulok ang taste mo sa babae. Ano kaya ang nakita sa iyo ng pinsan ko at baliw na baliw sa iyo?!" Tinalikuran nila kami at umupo na sa kani-kanilang upuan dahil tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng recess.

Aligning The Stars (After School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon