Kabanata 22

245 5 11
                                    

Sick and Pain

Still 1999...

Ayaw mang sirain ni Viana ang pagkakataong iyon, ang pag-atake nang matinding sa sakit ng tiyan niya ay hinahadlangan ang pagsasaya niya. Ilang minuto pa lang sila sa seesaw ng kapatid niya ay gusto na kaagad niyang umalis at umuwi na lang.

"Are you okay?" tanong ng kapatid niya. "Masakit ba ulit ang tiyan mo? Let's tell mommy."

Umiling siya. "No, hindi masakit, napagod lang ako nang konti."

Sa tingin niya ay hindi naniwala ang kakambal pero hindi naman na ito nagsalita. Sunod nilang pinuntahan ang swing. Isa na lang ang bakante kaya pinauna na siya ng kakambal niya.

"Amelia, 'wag masyadong malakas ang swing! Nalulula ako! Baka malaglag ako!" sigaw niya sa kakambal nang magsimulang lumakas ang pag-ugoy nito sa kanya.

"Viana, ang hina pa lang kaya! Tingnan mo, o! Hindi ko pa ginagamit ang super powers ko," sabi ni Amelia at tumawa. Hindi man lang nakinig sa sinabi niya.

"Baka magalit na naman si mommy n'yan. Tama na kasi. Nahihilo na ako," sabi ni Viana at ginamit ang mga paa para itigil ang swing. Napuno tuloy ng alikabok ang sapatos niya.

"Hay, naku! Kung ako lang 'yan baka umabot na ako sa langit." Dismayado ang boses ni Amelia pero hindi na niya iyon napansin nang bigla na lang siyang nasuka sa damuhan.

"Nahilo ka talaga?" Nilapitan siya ni Amelia. "Akala ko joke mo lang. Tatawagin ko si mommy! Bakit green ang suka mo? Ano ang kinain mo?"

Baka dahil sa kinain niyang ice cream kanina na mint chocolate chip ang flavor pagpunta nila rito. Hindi naman siya nahihilo pero ang pagsusuka niya ay grabe pa sa taong nahilo.

Hindi niya alam ang gagawin dahil pitong taong gulang palang siya at sila lang dalawa ng kakambal niya ang nasa park, ang mommy niya ay malayo sa kanila. Hinawakan niya ang tagiliran na kumikirot. Sa una ay kaya niya pang indahin, pasakit iyon nang pasakit hanggang sa napahiga na siya sa damuhan.

"Viana!" narinig niya pa ang sigaw ng mommy niya bago dumilim ang paligid.

Nang muli niyang imulat ang mga mata niya ay nasa puting silid na siya. Wala siyang nakitang tao, ang unang hinanap mga mata niya ay ang kakambal niya pero wala rin ito nang tawagin niya. Natatakot siyang mag-isa lang sa iisang kwarto, lalo na at hindi pa siya pamilyar dito.

"Mommy," tawag niya sa ina nang pumasok ito sa kwarto at diretsong naglakad papunta sa kanya.

"Ano ang nararamdaman mo, anak? Wala bang masakit sa iyo?" tanong nito at may luha pa sa mga mata.

"Mommy, may sakit ba ako? Palagi masakit tummy ko, eh." Naiiyak siyang yumakap sa mommy. Takot na takot siya dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Bakit hindi ka nagsasabi? Kung may masakit sa iyo, dapat sinasabi mo kay mommy o kaya kay daddy." Niyakap siya nito at hinaplos ang buhok niya.

"Natatakot po ako, eh. Baka magalit ka kasi matigas ang ulo. Ayokong magalit ka sa akin, mommy," sagot niya habang umiiyak.

"Oh, baby, hindi ako magagalit lalo na at ganito na ang nangyari. Kinailangan mo na pa lang magpatingin sa doktor at wala man lang akong alam. Yes, you are sick and mommy is very scared." Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa anak ang kalagayan nito. Napakabata pa ni Viana para danasin ito.

Her left kidney is failing and she needs surgery immediately. She needs a donor and the only person who has a great potential to be her donor is her twin sister. Napakabata pa ng kambal niya para sa ganitong bagay. Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung paano sasabihin kay Ami na kailangan siya ng kakambal niya ngayon.

Aligning The Stars (After School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon