Chapter 31

4.8K 86 4
                                    

Napalunok ako. Ni minsan ay hindi pa ako nasindak ng ganito sa kanya. Ang dilim ng kanyang tingin sakin. Parang bumalik siya sa dating Phoebian na una kong nakita. Yung lalaking palaging may maskara at may itim na awra na nakapalibot sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi ko mahanap ang sasabihin ko. Parang nabingi ako sa tanong niya sakin kanina.

Para siyang tore sa harap ko. Tinitingalaan ko siya at para siyang hari na tinititigan ako.

"Did she do something on you? Why didn't tell me about her? Is she pestering you?"

Binuka ko ang aking bibig. Pero wala akong nailabas na kahit anong salita. Para akong tanga sa harap niya.

"Maiarie."

Nagbaba ako ng tingin sa dibdib niya. Nakabukas ang dalawang butones sa kanyang polo at nakasilip ang malapad niyang dibdib. Wala na siyang suot na necktie at coat.

"Kapag sinabi ko ba sayo maniniwala ka sakin?" Sagot ko.

Napaawang ang kanyang labi at nalilito niya akong tinignan.

"Of course I would believe you. Bakit naman hindi ako maniniwala sayo? I believe you- wait, wala ka bang tiwala sakin? Are you doubting me?"

Nanlaki ang mata ko. Mabilis akong umiling. "Hindi sa ganun Phoebian. Naniniwala naman ako sayo kaya lang-"

"Kaya lang ano? Maiarie I've been loyal to you. I trust you enough but you don't trust me that much huh. Why? Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol kay Valentine? Kung hindi ko pa nakita ang video na sinend sa akin ng secretary ko hindi ko pa malalaman na may ginawa siya sayo."

May disappoinment sa kanyang mukha. Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili.

"Phoebian, kaya ko lang naman hindi sinabi sayo ang tungkol sa ginawa ni Valentine dahil ayokong madamay ka. Alam ko na kilala ka sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Gusto ko lang naman na protektahan ang image mo, kahit awayin ako ni Valentine ay okay lang."

Nabura ang pagkakunot ng kanyang noo. Naging malambot ang kanyang tingin sakin. Huminga siya ng malalim. Dinapuan niya ng kanyang kamay ang kanyang mukha.

"I'm sorry. I just carried away." Sagot niya agad.

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Hindi siya nagsalita kaya hindi rin ako nagsalita. Kung may tanong siya ay sasagutin ko. Pero pagod siya. Pero ayoko ding palipasin ang gabi na'to na hindi namin ito inaayos.

"Anong ginawa niya sayo?"

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita siya ulit. Pinili kong sabihin sa kanya lahat na gustong mangyari ni Valentine. Simula doon sa email ko na inalam ni Valentine. Habang nakikinig siya sakin ay nag-iigting ang kanyang bagang.

"Then that's it? Gusto niyang makipagkita sayo just because she wanted me for herself?"

Tumango ako. Kinagat ko ang ilalim ng aking pisngi. Nagbuga siya ng hangin at sinamyo ulit ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. May binulong siya na hindi ko maintindihan dahil tumalikod siya sakin.

"Pero Phoebian, kung magagalit ka sakin okay lang. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo kaagad. Ayoko lang na kaawaan mo ako o ano. Hindi rin ako nagseselos kung yan ang iniisip mo na hindi ko sinabi agad sayo."

Humarap ulit siya sakin. Nagtagpo ang tingin naming dalawa. Muli siyang humugot ng hininga at marahas itong nilabas. Ininat niya ang kanang braso at pinalapit ako.

"Come here."

Agad akong lumapit sa kanya. Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Naging komportable ako sa mainit niyang katawan. Paulit-ulit kong inamoy ang kanyang pabango. Namiss ko siya kahit ilang beses na niya akong iniiwan sa apartment na mag-isa. Iba parin ang nandito siya kasama ko.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon