Si Fatima Claire Abesamis ay anak nina Arturo Abesamis at Mila Ortega Abesamis, sila ay isang simpleng pamilya, ngunit ang ama ni Fatima Claire ay namatay dahil sa isang aksidente, noong siya ay sampong taong gulang pa lamang, at dahil doon ay, naging mahirap na ang buhay nilang mag-ina, dahil nawala na ang naghahanap-buhay para sa kanilang mag-ina. dahil sa hindi matanggap ng nanay niya ang pagkawala ng tatay niya, naging bugnutin ang nanay niya napapabayaan na siya ng kanyang ina, at dahil sa hindi na naghahanap buhay ang nanay niya dahil lagi na lang itong nagmumukmok, si Fatima ang napipilitang maghanap-buhay para sa kanilang mag-ina, kahit na sa mura palang ang idad ni Fatima ay nasasabak na siya sa mga trabaho, trabaho na abot kaya niya lang na ipinapatrabaho ng mga may kaya nilang kapitbahay..at mabuti na lang ay mayroon ding tao na kapitbahay nila na handang tumulong kay fatima, at ito ay pares din nila na wala sa buhay, bagamat wala din naman sa buhay ay tinutulungan siya nito sa abot ng makakaya, ito ay si Marita Fernandez at ito ay isang matandang dalaga, at namamahay ito na ang kasama lang ay ang kanyang pamangkin na ulila sa ina, at si Marita ang tumayong ina ng anak ng kanyang namatay na kapatid.at ito ay si Roldan Castro. Kaya nagpakatandang dalaga na lang dahil inukol na niya dito ang kanyang oras sa pag-aalaga kay Roldan....,Marita : Fatima...(kumakatok sa pinto)fatima nandiyan ka ba?..naku hindi pa. Yata dumadating yong bata na yun ah..(sabi sa sarili)....Binuksan ni Marita ang pinto, at tuloy tuloy na siyang pumasok sa loob...at nakita niyang nakahiga roon si Mila na ina ni Fatima....Marita : mila nandiyan ka pala, kanina pa ako kumakatok ah.,eto oh may ulam akong dala, wala pa ba si Fatima?..Ngunit di sumasagot si Mila..nakatulala lang ito....Naawa naman si Marita dahil laging nawawala sa sarili si Mila, buhat ng mamatay ang asawa at mas lalo siyang nakakaramdam ng awa kay fatima, dahil ito ang naghahanap buhay, at isinasabay ang pag-aaral..kasabay pa ng pag-aalaga niya sa nanay niyang may sakit..dahil napabayaan ng nanay niya ang sarili, hanggang sa nahulog ang ganda ng katawan nito, at hanggang sa nawawala na nga ang katinuan sa pag-iisip nito.na dahilan na si Fatima na ang nagtataguyod sa kanilang mag-ina. ..at hindi nga nag-tagal ay dumating na si Fatima....Fatima : nay marita nandiyan po pla kayo..Marita : oo, nagdala ako ng ulam, bakit ba ginabi ka..Fatima : pagka-galing ko po kasi sa eskwelahan dumiretso po agad ako kila Mrs. Bañez naglinis po ako ng bahay nila..sayang din naman po kasi yun kung hindi ako pupunta don..Marita : naku pinapatay mo naman yong katawan mo sa trabaho, bukas may labada ka nanaman.Fatima : kailangan po kasi, may project po kami na kailangan kong bilhin, kulang pa nga po ang pera ko, baka po sakaling pabalehin ako ni Mrs. Domingo bukas....May kinuha si Marita sa bulsa at iniabot niya iyon kay Fatima....Marita : oh eto tanggapin mo, para may pandagdag ka sa project mo..Fatima : naku nay marita hindi na po napakadami ko na pong utang sa inyo nakakahiya naman po..Marita : ano ka bang bata ka, bakit mahihiya ka..sige na tanggapin mo na, alam kong kailangan mo ito ngayon....Gusto sanang tumanggi ni Fatima pero talagang kailangang kailangan niya kaya napilitan na din niyang kinuha ang pera na inaabot ni Marita,,Fatima : salamat po nay marita hayaan nio po at kapag meron na ako, ibabalik ko din po sa inyo ito..Marita : naku hayaan mo na..Fatima : hindi po nay marita. Basta po babayaran ko po ito sa inyo..Marita : hay, siya sige..oh kumain na kayo may ulam na kayo at uuwi na ako, siya nga pala may sinaing ka na bang kanin?Fatima : opo meron na po..nay Marita salamat po talaga ah.Marita : walang anuman..sige uuwi na ako.Fatima : opo salamat po sa ulam na binigay nio..Marita : oo..walang anuman..At ng maka-alis na si Marita ay isinara na ni Fatima ang pinto..dahil gusto na niyang mahiga, dahil sobrang sakit ng katawan niya, dahil pinaglinis siya ni Mrs Bañez ng maluwang na swimming pool..pero nagpunta muna siya ng kusina upang ipagsandok ang nanay niya ng pagkain..may kanin na siyang naluto nong umuwi siya ng tanghalian..at sa di inaasahan ng pagbuklat niya ng kaldero nila ay may tubig na ito..napailing na lang siya..nilagyan ng nanay niya ng tubig ang kaldero na may kanin na pagkain sana nila ng hapunan....Fatima : nanay bakit nio naman po nilagyan ng tubig yong kanin natin..ano na po ang kakainin natin ngayon, wala na po tayong bigas pang hanggang bukas na lang po yun..Mila : eh kasi para may sabaw yong kanin....Hindi na lang kumibo si Fatima, kaya ang ginawa ni fatima ay pinagtiyagaan niyang inalis ang tubig sa kanin at ng naialis na niya ay nilamas na lang niya ito at isasangag niya, ayaw niyang itapon dahil naghihinayang siya, kaya pinagtiyagaan niyang isangag ito, hirap pa siyang maghagilap ng kahoy na pangluto, dahil hindi siya nakapagsibak ng kahoy dahil sa masyado siyang naging busy sa trabaho at sa pag-aaral..at ng makapag-sangag ay binigyan na niya ng pagkain ang nanay niya..at pumasok muna siya sa kwarto upang magpalit ng damit..at pagpasok na siya sa kwarto nila ng nanay niya ay nakita niyang sabog sabog ang mga damit nila, nakabukas lahat ng kabinet ng damit nila at nakatanggal lahat ng nga damit..at lahat ng mga gamit....Fatima : nay bakit nio naman po isinabog yong mga damit natin..Mila : eh kasi anak, sabi kasi ni tatay mo magtatago daw siya sa kabinet kaya hinanap ko siya diyan....Naiiyak na si Fatima dahil sa mga damit na isinabog ng nanay niya, gusto na niya sanang mahiga, ngunit paano siya makakahiga agad kung mga nakakalat ang damit nilang malilinis..,.Fatima : nanay naman..sa uulitin po huwag nio ng ikakalat ang mga damit natin ha. Wala po si tatay dito, hindi po siya nagtatago dito....Pagod na pagod si Yna ng maayos at mailigpit ang mga damit at mga gamit na nakalagay sa mga kabinet, sobrang sakit ng katawan niya,..at ng lumabs na siya ng kwarto ay nakita niyang nakatulog na pala ang nanay niya sa upuan nila sa sala..tinitigan niya ang nanay niya at may sakit siyang naramdaman sa dibdib niya..awang awa siya sa nanay niya, dahil hindi natanggap ng nanay niya ang pagkamatay ng kanyang tatay..namimis na niya ang nanay niya, namimis na niya yong masayahing nanay niya..naalala niya ang mga masasayang araw nila ng buhay pa ang tatay niya....Arturo : Anak, gumayak na kayo ni nanay at papasyal tayo..Mila : halika na anak, magbihis ka na ng panlibot, kakain daw tayo sa labas sabi ni Tatay..Fatima : talaga po tatay..Arturo : oo anak..Fatima : yehey....(at nagmadali na pumasok sa kwarto upang magbihis)Mila : tatay salamat ha..tuwang tuwa yong anak natin..Arturo : ano ka ba nay, wala yun, obligasyon ko naman bilang asawa at ama ang pasayahin ko ang mag-ina ko..Mila : napaka-swerte talaga namin ng anak mo..dahil may mabait at mapagmahal na haligi ng tahanan....At namasyal na nga sila, sa isang mall, nanuod pa sila ng sine na pangbata ang palabas, at kumain sila sa isang sikat na fastfood na pang bata..masayang masaya si fatima sa tuwing mamamasyal silang mag-anak..Driver ang tatay ni Fatima ng isang kumpanya, kapag weekend lang nila nakakasama ang ama, kaya kapag umuuwi naman ito ay sinusulit ng tatay niya ang mga araw na,wala ito..ito ang nagtatrabaho sa bahay at ang nanay niya ay halos ayaw pakilusin ng tatay niya....Mila : ano kaba tatay, imbes na ako ang mag-silbi sayo ako naman ang pinagsisilbihan mo..Arturo : nanay alam ko naman na masyado ka ng napapagod sa mga gawaing bahay, wala ako para tulubgan ka..kaya dapat kapag nandito ako sa bahay ako ang tatrabaho..Mila : tatay naman, dapat nga ikaw ang nagpapahinga dahil halos isang linggo kang nasa trabaho. Dapat kapag nasa bahay ka nagpapahinga ka naman,.Arturo : ayos lang ako nay, hayaan mo na ako, dahil masaya ako kapag pinagsisilbihan ko kayo ng anak ko, kasi nga mahal ma mahal ko kayo..Mila : napakaswrte ko,talaga sayo tatay..Arturo : talaga. Kahit hindi ako mayaman, maligaya ka naman..Mila ; daig ko pa nga pakiramdam ng isang babae na nakapangasawa ng mayaman, dahil ako masayang masaya dahil meron akong mabait at guwapong asawa..Arturo : ayun oh.,pahingi naman ng pampatanggal pagod diyan nay..Mila : ano ka ba. Ayun yong anak mo..Fatima ;,sige na nay, ikiss mo na si Tatay para mawala na ang pagod niya..Arturo : sige na daw..Mila : kayo talagang mag-ama..nagkampihan pa..(at hinalikan ang asawA)Arturo : ayun oh, pero mas mawawala ang pagod ko kapag kinis ako ng baby ko..Fatima : sige po tatay,basta po yong sinabi nio po sakin, nong nakaraang linggo..Arturo : oo naman anak, hindi ko nakalimutan yun..bukas kapag tapos nating magsimba tuloy tayo sa mall at bibilhin na natin..Fatima : yehey...(at sinugod ng yakap ang ama..at pinaghahalikan ito)..salamat po tatay..ilove you tay..Arturo : i love you anak...Mila : aba may lihim pa kayong mag-ama kayo ha, ano ba yong bibilhin nio..Fatima : yong manika po nay..Mila : ah manika..oh sige, maiwan ko kayong mag-ama dito sa labas ha, at ako ay magluluto na ng tanghalian natin...,.At gaya nga ng ipinangako ni arturo sa anak, nagpunta sila sa mall, at binili nila ang manika na gusto ni Fatima..at hindi pa sila umuwi agad dahil nag-grocery pa silang mag-anak..sagana sila sa pag-kain, hindi din sila kinakapos sa pera dahil wala namang bisyo si Arturo, ang bisyo labg ni Arturo ay ang i-date niya ang mag-ina niya tuwing umuuwi siya..at hanggang sa babalik na siya ng trabaho....Arturo ; nay, aalis na ako, kapag wala na ako. Yong mga pinto sisiguraduhin niong nakalock na mabuti ha..Mila : oo naman tay..Arturo : ikaw naman anak, mag-aaral kang mabuti, yong nanay mo huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo..Fatima : opo tatay..Arturo : at lagi kayong mag-iingat..Mila : oo. Ikaw ang mag-iingat lagi dahil nagmamaneho ka..o sige at baka matrapic ka pa..mag-iingat ka....Hinalikan niya ang asawa at anak.....Arturo : ba-bye...aalis na ako, mahal na mahal ko kayo..Fatima : ba-bye po tatay..Mahal na mahal ka din po namin ni nanay..Mila : mag-iingat ka tatay...,At umalis na nga si Arturo, at ang hindi nila alam ay yoon na pala ang huli nilang makikita ito, dahil may nangyaring hindi maganda kay arturo, naaksidente ang minamaneho nito, at dead on arrival sa ospital....Fatima : nanay, bakit po kaya, wala pa si tatay, dapat nandito na siya ah..Mila : oo nga anak, ewan ko ba kung bakit, nag-aalala nga ako..Halos maghapon nilang hinihintay si Arturo ngunit hindi dumating..hanggang sa sumapit ang araw ng linggo,,may dumating silang panauhin....Panauhin : magandang umaga po..dito po ba ang bahay ni Arturo Abesamis?Mila : ha. Opo, dito nga po, at ako po ang kanyang may bahay..Panauhin : ah Mrs. Abesamis, ikinalulungkot ko po na sabihin na, wala na po ang asawa nio....Bumundol ang malakas na kaba sa dibdib ni Mila....Mila : A- anong ibig mong sabihin??(nanginginig niyang tanong)Panauhin : namatay po si Arturo sa isang aksidente, dead on arrival po siya sa ospital, hindi na po naisalba ng mga doktor ang buhay ni Arturo....Laglag ang mga luha ni Mila.....Mila : h-hindi totoo yan..hindi...hindi,, buhay ang asawa ko, buhay siya....At hanggang sa pinuntahan ni Mila at fatima ang kanilang haligi ng tahanan na wala ng buhay, halos hindi makapagsalita si Mila, na parang namanhid ang katawan ng makita ang asawa na walang buhay....Fatima : tatay, tatay ko, tatay, bakit nio naman po kami iniwan ni Nanay, paano na po kami tatay, paano na po kami ngayon ni nanay, tatay mahal na mahal po namin kayo ni nanay, tatay, tatay ko, gumising po kayo diyan tay, sabihin nio pong hindi totoo ang nangyayari na ito, buhay ka tatay diba, buhay ka, tatay, tatay ko...please po gumising na lang po kayo tatay...(umiiyak niyang sabi)Marita : fatima, wala na yong tatay mo..Fatima : nay Marita, iniwan na kami ni tatay..Marita : fatima, lakasan mo yong loob mo..Fatima : hindi po ba kami mahal ni tatay, bakit iniwan na po niya kami..Marita : mahal kayo ng tatay mo, siguro may dahilan lang kung bakit nangyari ito sa inyo..kaya anak kailangan na tatagan mo ang loob mo, dahil kahit wala na ang tatay mo, nandiyan pa din siya na gagabayan kayo ng nanay mo..Fatima : tatay, mahal na mahal po kita tatay ko, mamimis ka po namin ni nanay......At sa mga alaalang iyon ay muli na naman na tumulo ang luha ni fatima..halos gabi gabi na niyang kaulayaw ang mga luha na laging nakakapag-pabigat ng kanyang kalooban, dahil kahit siya ay hindi pa din niya matanggap ang pagkamatay ng tatay niya, nilalakasan na lang niya ang loob niya, dahil paano na lang sila ng nanay niya kung pati na din siya ay panghihinaan ng loob..hindi na niya ginising ang ina upang palipatin sa kanilang silid.. kumuha na lang siya ng kumot at kinumutan na lang niya ito..at bumalik na siya ng silid upang matulog dahil kailangan niya ng lakas ng katawan dahil sasabak na nanaman siya sa trabaho sa kinabukasan..at lumipas ang mga oras ay gising na din si Fatima, maaga siyang gumigising upang magluto ng kanilang almusal, at ng lumabas na siya ng kwarto ay wala ang nanay niya sa sala na kung saan ay doon natulog....Fatima : nanay.,..Hinanap muna ni Fatima ang ina sa buong bahay nila, ngunit wala ito, kaya lumabas siya ng bahay, at nagbabakasakali na naroon lang sa likod ng bahay nila, ngunit inikot na niya abg buong bahay ay wala roon ang ina....Fatima : nanay nasaan ka na ba?..Nag-aalala na si Fatima, baka daw kung saan na nagpunta yong nanay niya..kaya lumabas na si Fatima at baka makita niya ang nanay niya sa may kalsada..at nakita naman ni Marita si Fatima na aligaga sa paglalakad sa may kalsada, kaya pinuntahan niya ito....Marita : Fatima, saan ka ba pupunta? Parang nagmamadali ka..Fatima : nay Marita hinahanap ko po si nanay, nawawala po kasi si nanay eh..pagkagising ko po wala po siya sa bahay, at inikot ko na po ang bahay hindi ko po siya nakita..Marita : naku, eh saan kaya nagpunta yun..Fatima : hindi ko nga po alam....At hanggang sa may kapit bahay sila na nakakita kay Mila....Kapitbahay : fatima, nakita ko si aleng Mila, naroon sa may kanto, parang wala na naman sa sarili, inaaya ko na ditong umuwe ayaw, hinihintay daw niya si Mang Arturo..bilisan mo fatima, walang damit si Aleng Mila.nakahubo't hubad..Fatima&Marita : Ano??Marita : Fatima. puntahan mo na yong nanay mo.. madali ka....at nagmadali ngang pumunta si Fatima papunta sa may kanto upang puntahan ang ina.. pagdating niya sa may kanto ay kinilabutan siya sa nakita dhil ang nanay niya ay nakahiga sa may gitna ng highway at nakita niya na may isang malaking sasakyan na paparating.....Fatima : nanayyyyyy.....(sigaw niya. habang tumatakbo palapit sa nanay niya)..at ang driver ng malaking truck ay hindi niya pansin na may tao sa kalsada..ginawa ni Fatima ang abot na makakaya upang ialis ang ina sa gitna ng kalsada dahil sa takot ni Fatima na pati ang nanay niya ay mawala pa sa kanya, mas nanaisin na niyang mawala na din kasama ng nanay niya kesa sa buhay nga siya pero ang mahal naman niya sa buhay ay wala na. at hindi niya din kaya kung mangyayari pa na hindi na niya makakasama ang ina.. Kya lakas loob niyang pinuntahan ang nanay niya, at hanggang sa nakalapit na siya sa nanay niya at pilit niyang hinihila ang nanay niya paalis sa gitna ng kalsada ngunit ayaw pa ng nanay niya na umalis sa gitna ng kalasada.. aabangan daw niya ang kanyang yumaong asawa na si Arturo..at hanggang sa ang malaking sasakyan ay malapit na sa kanila, pumikit na lang si Fatima at nagdasal siya ng taimtim sa Poong May Kapal. Napapikit na lang si Fatima at dinig niya ang malakas na sagitsing ng gulong ng malaking truck, sa isip ni Fatima ay katapusan na nilang mag-ina, wala na siyang takot dahil daw magkakasama na sila ng tatay niya..at hanggang sa ang malaking Truck ay nakahinto na sa malapit sa kanila, sa awa ng Diyos ay nakontrol na ng driver ang sasakyan nai-preno na niya bago pa man, umabot sa mag-inang Fatima at Mila....Marita : Fatimaaaa....!!!!..halos himatayin sa takot si Marita sa nakita.. si Fatima naman ay parang natulala sa sobrang takot din.. nahimasmasan na lang siya ng tapikin siya ng driver sa balikat....driver : Ayos ka lang ba?..halos hindi makapagsalita si Fatima sa pagkabigla.. agad niyang niyakap ang ina.. sa sobrang saya dhil sa buhay pa sila hindi sila pinabayaan ng Panginoon..at nilapitan naman na sila ni Marita, at itinibabal ni Marita ang kanyang scarf kay Mila na walang damit....Marita : Fatima..ayos ka lang ba anak?Fatima : nay marita akala ko mamamatay na kami..Marita : hindi mangyayari yun mabait ang Diyos, hindi niya kayo pababayaan..Fatima : manong driver, pasensiya na po kayo..driver : tinakot nio ako.. akala ko madidisgrasya ko na kayo..Marita : pasensiya na po kayo.. wala po kasi sa pag-iisip ang nanay niya.. kaya hindi niya po alam na madidisgrasya na pala silang mag-ina..driver : ganun po ba.. mabuti na lang po at malakas ang preno ko..Marita : opo nga salamat sa Diyos dahil hindi niya idinulot na madisgrasya ang mag-ina.. o siya sige Fatima, Mila umuwe na tayo..Mila : ayoko pang umuwi Hihintayin ko pa si Arturo..Fatima : nasa bahay na po si tatay nanay..Mila : si Arturo nasa bahay na?Fatima : opo nanay..Marita : oo Mila kaya tayo na umuwe sa bahay.. para makaalis na din itong mga tao.. mahaba pa ang bibiyahehin nila..Fatima : manong driver, pasensiya na po sa abala..driver : pasensiya na din kayo kung natakot kayo..Fatima : wala po kayong kasalanan..sige po....at lumakad na si Mila at sinundan naman na nila Fatima at Marita..labis labis ang pasasalamat ni Fatima at binigyan pa sila ng Panginoon na magkasama pa sila ng kanyang ina..sadyang napakabuti at napakadakila ng Diyos na may lalang..dahil dininig ang panalangin niya na sana ay magkaroon pa sila ng pagkakataong mabuhay at magkasama pa sa mundong ibabaw dahil marami siyang pangarap na gusto niyang matupad.. lalo na ang pangarap niya at ng kanyang tatay na maging isang dentista..habang pauwi sila sa bahay nila, muli na naman niyang binalikan ang mga panahon na buhay pa ang tatay niya....Arturo : aray kooo---- ang sakit ng ipin ko.Mila : uminom ka na ba ng gamot?Arturo : oo parang ayaw tumalab eh..masakit pa din...Mila ; Mamaya mawawala na din yan, Fatima anak, halika at samahan mo yong tatay mo masakit na naman daw yong ngipin niya, at ipagpapatuloy ko lang yong pagluluto ko..Fatima : sige po nanay....pinuntahan nga niya ang tatay niya....Fatima : tatay masakit po ba yong ipin nio..Arturo : oo anak, sobrang sakit, kaya ikaw lagi mong aalagaan yong ngipin mo ah..Fatima : opo tatay, kasi po ayaw ko pong umiyak kasi po nakakapangit..Arturo : bakit mo naman nasabing nakakapangit ang umiyak? Fatima : kasi po kapag po masakit ang ngipin nio umiiyak kayo, kaya pumapangit po kayo tatay..Arturo : ikaw talaga anak, nakuha mo pa akong biruin..Fatima : tatay hindi ko po kayo binibiro totoo po..Arturo : hindi na nga ako iiyak mapangit pala ako kapag umiiyak, kasi anak parang nakakabawas ng sakit kapag ii-iyak ang sakit..Fatima : ganun po ba yun..Arturo : oo anak....Sa pakikipag-usap ni Arturo sa anak ay nakalimutan niya ang sakit ng ngipin, at dahil na din sa tumatalab na ang gamot na ininom niya....Fatima : hayaan mo po tay kapag laki ko magiging dentista po ako, ako na po ang mag-aalaga sa ngipin nio ni Nanay lahat po ng sira niong ngipin bubunutin ko po..Arturo : naku nakakatuwa naman anak..gusto mo pa lang maging dentista..Fatima: opo, ayaw ko po kasi na nahihirapan po kayo dahil sa ipin nio po, kaya po kapg dentista na ako, alam ko na po kung paano alagaan ang ipin ninyo ni nanay.Arturo : wow naman anak, magkakaroon pala ako ng anak na dentista....Sa alaalang iyon ay tumulo na naman ang luha ni Fatima, sa isip niya kaya niya bang abutin ang pangarap niyang maging dentista.pero sabi naman ng isip niya na kakayanin niya para sa yumao niyang tatay at para na din sa kanyang nanay na kapag gumaling na ang nanay niya ay maipagmamalaki siya nito..at hanggang sa nakarating na nga sila sa bahay nila, nakahinga na ng maayos si Fatima ng makarating sila sa bahay nila, buong akala niya ay mamamatay na sila ng nanay niya pero hindi dahil binigyan sila ng pagkakataon pa na mabuhay..Please Paki Like & Follow ang Page natin mga Bebe Ko Thanks