"Chapter 3"

1 0 0
                                    

Naka-uwi na sila Fatima at Marita, umiiyak pa din si Fatima habang tinititigan niya ang Medalyang nakamit niya..nakaharap siya sa litrato ng tatay niya na kasama ang nanay niya..Fatima : tay, nay para po sa inyo ang Medalyang ito, sayang po tatay wala ka na, ikaw po sana ang nagsabit sakin nito..miss na miss ko na po kayo tay..miss na miss ko na po kayo ni nanay, tatay sana po gumaling na si nanay tatay para makasama ko na po uli siya..miss na miss na,din kita nay.....Hindi namalayan ni Fatima na naroon pala si Marita....Marita : Fatima, congrats ulit sayo, sigurado ako na proud na proud si tatay mo niyan, at si nanay mo, pag-uwi ng nanay mo dito, sobrang matutuwa yun, kapag nalaman na valedictorian ka....At muli na naman siyang nagpasalamat kay Marita, sabi niya sa isip niya na hindi siya magsasawang pasalamatan si Marita sa kabutihan nito sa kanya....Fatima : nay marita, salamat po ulit ah, paano na lang po talaga ako kung wala po kayo..sobrang napakaswerte ko po dahil nandiyan po kayo na walang sawang tumutulong sakin, kaya kahit na wala na ang tatay, at si nanay naman po ay wala sa tamang pag-iisip, eh nandiyan po kayo na laging naka-suporta sakin..Marita : sabi ko nga sayo na sino pa ba naman ang magtutulungan kundi tayo, at saka masaya ako na nakakatulong sayo, dahil para na din kitang anak, nagpapasalamat nga ako dahil parang naranasan ko,na din na magkaroon ng anak na babae..masaya ako dahil kahit wala akong asawat anak nanadiyan naman si Roldan at nandiyan ka naman na para ko na din anak..,.Napayakap si Fatima kay Marita, lavis ang pasalamat niya kay marita dahil mula pa noong maliit siya ito na ang takbuhan niya, si Marita ang tumayong ina niya sa tuwing kailangan niya ng isang ina..at dahil nga ang nanay niyang si Mila ay nawala sa matinong pag-iisip epekto ng masyadong lungkot at hindi matanggap na pagkawala ng tatay niya,...Marita : naku itong batang ito...halika na nga sa bahay, kumain na tayo, pagsalusaluhan na natin yong niluto ko, nagluto ako ng paborito mo..Fatima : sige po nay marita magpapalit lang po ako ng damit..Marita : sige, at doon ka na din uli matulog sa bahay, isara mo na lang na mabuti yang bahay ninyo..Fatima : eh paano po si kuya Roldan..Marita : eh sa sala matutulog yun, kasi nanunuod ng tv yun eh.,sa harapan ng tv natutulog yun..Fatima : sige po..Marita : o sige, at ako ay maghahain na ng pagkain, sumunod ka na agad..Fatima : opo....Nagpalit na nga si Fatima ng damit at ng makapagpalit ay lumabas na siya ng bahay at isinara na niya ito, dahil doon siya matutulog muli sa bahay ni nay Marita niya..at hanggang sa nagpunta na nga siya sa bahay ng nay Marita niya....Marita : Fatima, halika na maupo kana dito at kakain na tayo..Fatima ; opo nay marita..Marita : Roldan, nasan ka na ba, pumasok ka na dito at kumain na tayo..Roldan : opo Auntie....At dumulog na nga silang tatlo sa hapag-kainan....Roldan : wow, andaming pagkain, dami nating ulam ah..Marita : dapat lang kasi magsi-cebrate tayo dahil valedictorian si Fatima..Roldan : ang galing naman..congrats Fatima.Fatima : salamat kuya Roldan..Marita : salamat kay Fatima, dahil nasubukan kong magsabit ng Medalya, kasi ikaw hindi mo pinaranas sakin yun, puro ka nalang hindi nakakapasa..Roldan : (napakamot sa ulo)..auntie naman, nakakahiya kay Fatima oh..Marita : totoo naman ah..kung bakit kasi gumagaya ka sa mga barkada mong mga adik, baka ikaw adik na din..Roldan : naku, hindi po aunti ah..hindi po nila ako kapareha..Marita : sana nga, dahil kung kaoarehas ka nila, makakatikim ka sakin....Natatawa na lang si Fatima sa reaksiyon ni Roldan,..dahil sa para itong maamong tupa ng pagsabihan ni Marita....Marita : hala sige kumain na tayo..bukas na tayo maghahanda para sa blow-out para sa mga kapitbahay..Fatima : naku, nay Marita napagastos na po kayo ng madami niyan..Marita : wala yun Fatima..Merienda nga lang yun, spoghetti, at pansit lang naman, at saka magluluto ako ng mga puto..dapat nga sana malaking selebrasyon ang ibigay sayo dahil sa ikaw ay isang Valedictorian..Roldan : oo nga naman fatima. Hayaan na natin si Auntie, para naman makatikim ako ng paborito kong spaghetti...Marita : ay naku, hindi na pala ako magluluto ng spaghetti, palabok nalang..Roldan : ay Auntie naman, meron na po kayong nabiling pang spaghetti eh, nakita ko sa cabinet kanina..Marita : ay ganun ba..(natatawa niyang sabi)...Kahit na may pagkamatigas ang ulo ng pamangkin ni Marita na si Roldan ay mahal na mahal niya ito, sinusunod niya rin kung ano ang gusto ng pamangkin, palibhasa, ito na lang ang nag-iisa niyang kaanak, at nangako din siya sa yumao niyang kapatid na ina ni Roldan, na,hinding hindi niya pababayaan ito....Marita : oo na mag-i-spaghetti ako, alam ko naman na paborito mo yun, kaya maglukuto ako..Roldan : yeheeyy...Marita : asus, para kang bata Roldan di ka na nahiya kay Fatima....Napatingin si Roldan kay Fatima, nangiti nalang si Fatima kay Roldan, na bagay naman na nakapagpa-akit kay Roldan....Marita ; kumain ka ng kumain Fatima, uubusin natin to lahat..Fatima : baka naman po maimpatso tayo niyan nay kapag inubos natin to..Roldan : huwag kang mag-alala Fatima, nandito ako na uubos sa mga pagkain na ito...Ngiti lang din ang tugon ni Fatima sa sinabi ni Roldan, at hanggang sa tahimik na silang kumakain, pasulyap sulyap si Roldan kay Fatima, at nahuhuli naman din ni Fatima na sumusulyap aa kanya si Roldan, at ayaw ni Fatima ng mga tingin ni Roldan, na pakiwari niya ay parang may pakahulugan ang mga tingin nito..at hanggang sa natapos na nga silang kumain at sinabi ni Fatima kay Marita na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan....Fatima : nay marita ako na po ang maghuhugas ng plato..Marita ; hayaan mo na at ako na..Fatima : ako na po nvay marita, pahinga na po kayo, napagod na nga po kayo sa maghapong ito, lalo na po sa pagluluto ng masarap na pagkain, kaya ako na po ang bahalang magligpit ng pinagkainan natin..Marita : o siya sige, Roldan tulungan mo si Fatima ha, mag-igib ka sa poso ng tubig na pang-urong ni Fatima..Roldan : sige Auntie ako ang bahala, tutulungan ko si Fatima na maghugas ng plato..(sabay kindat kay Fatima)Marita : o sige bahala na kayo jan....Hindi nagustuhan ni Fatima ang pagkindat sa kanya ni Roldan, parang naasiwa siya sa tinuran nito..at hanggang sa pinagpatong patong na ni Fatima ang mga plato, at inilagay na niya sa may lababo, tinulungan nga siya ni Roldan na nagligpit ng plato..at ng mailagay na lahat ng hugasing plato sa lababo ay nagsimula na si Fatima na maghugas ng mga plato..si Roldan naman ay nag-igib ng tubig sa poso at ng maka-igib ay ipinasok niya sa may loob kung saan naroon naman si Fatima na nag huhugas ng plato..at nabigla pa si Fatima dahil sa halos dumikit naman na sa kanya si Roldan dahil sa may kaliitan naman ang espasyo sa may lababo kaya ng magsalin ng tuig si Roldan sa imbakan ng tubig ay nadikit siya kay Fatima, agad namang lumayo si Fatima, inisip na lang ni Fatima na hindi sinasadya ni Roldan na sagiin siya....Roldan : Fatima tulungan na kitang mag-hugas ng plato, ako ang magbabanlaw..Fatima : huwag na kuya Roldan, kaya ko na ito..Roldan : di okay lang, tumungan na kita para mabilis..ako ang magbabanlaw, ikaw na lang ang taga sabon....Hindi na hinintat ni Roldan na makasagot si Fatima, kinuha na niya ang mga nasabon na plato ni Fatima, wala ng nagawa si Fatima dahil hawak na ni Roldan ang mga plato, at sinasadya talaga ni Roldan na madikit kay Fatima..si Faima naman ay pinipilit naman niya na huwag siyang madikit kay Roldan, ngunit si Roldan at lalo pa siyang gumawi sa pwesto ni Fatima, binilisan naman ni Fatima ang pagsasabon ng mga palato at mga kutsara at baso, ng masabon na niya lahat ay nagkaroon siya ng ng Alibi na umalis na roon....Fatima : ah, kuya roldan, bahala ka na diyan, lilinisin ko na yong lamesa....Agad ng umalis si Fatima roon at nagpunta na siya sa lamesa at pinunasan ito ng basahan, nagpatay malisya na lang siya, at sakto naman na palabas ng kwarto si Nay Marita niya, at nagtungo ito sa kusina....Marita : aba, kasipag naman ng anak ko ah, naghuhugas ng pinagkainan, himala yata..Roldan : Auntie masipag naman po talaga ako ah....Narinig ni Fatima na nagbibiruan pa ang mag-auntie..Matagal ng napapansin ni Fatima ang pagtingin tingin sa kanya ni Roldan, hindi niya gusto kung paano siya tingnan ni Roldan, yong tipon, hinahagod siya ng tingin mula ulo at hanggang sa napapako ang tingin nito sa kanyang dibdib,..pero hindi niya ito binibigyan ng masamang kahulugan noon, pero ngayon na talagang halata na talaga ang ganda ng hubog ng katawan niya at lalo na halata na din ang dibdib niya, at dahil nga sa dalaga na talaga siya at alam din naman niya na may itsura naman siya, dahil maraming nagpapalipad hangin sa kanya sa school nila, ngunit di nanam niya pinapatulan ang mga palipad ng mga ito, dahil sinasabi niya agad na wala sa isip niya ang mga ganoong bagay, hindi niya daw bibigyan ng oras o pagkakataon man lang ang buhay ng pag-ibig, dahil isa lang ang kanyang layunin sa buhay yun ay ang makatapos siya ng pag-aaral, at ang maisakatuparan ang pangarap ng tatay niya na maging Valedictorian siya, hindi niya nakamit yun nong siya ay Elementary palang, dahil di siya masyadong nagseryoso, at ng unti unti siyang nagkakaisip at dahil na din sa hirap ng buhay nilang mag-ina dun siya nagpursige, at pinaghawakan niya ang pangarap ng tatay niya kaya nagpursigi siyang mag-aral, tiniis niya ang pagod ng isip at katawan, matupad lang ang pinapangarap nila ng tatay niya, at ngayon nga natupad na ito, konting panahon na lang ang bubunuin niya maaabot na din niya ang pinapangarap na propesyon.....Marita ; Fatima, dito ka na sa kwarto matulog, at si Roldan ay diyan sa sopa natutulog yan, kasi nanunuod naman ng TV yan hanggang madaling araw..Fatima ; opo nay Marita..Marita : kung gusto mong manuod muna ng tv manuod ka muna..Fatima : hindi na po matutulog napo ako inaantok na din po kasi ako eh..Marita : sige matulog ka na...At pumasok na nga si Fatima sa kwarto, para makaiwas siya kay Roldan, sinabi na lang niya kay marita na inaantok na siya kahit hindi pa naman siya totoong inaantok..dahil naaasiwa siya sa mga titig ni Roldan sa kanya.. nagpasya na lang na mahiga si Fatima at nagbabakasakali na makatulog siya, ngunit May takot sa isip niya na baka daw, gawan siya ng masama ni Roldan, pasukin siya sa kwartong tinutulugan niya, ngunit sa kabilang banda ng isip niya na huwag siyang matakot dahil nasa kabilang kwarto lang naman si nay Marita niya..kaya nagdasal na lang siya ng taimtim sa Poong May kapal..Please Paki Like & Follow ang Page natin mga Bebe Ko Thanks

Gagawin Ko Ang Lahat Para SayoWhere stories live. Discover now