"Chapter 2"

1 0 0
                                    

Nang pagdating ni Mila sa Bahay ay hinahanap agad ang asawa..Mila : Arturo, Arturo.. nandiyan ka lang pala. pasensiya ka na hindi pa ako nakakaluto, sandali lang ha, ipagtitimpla muna kita ng kape,......Hindi mapigilan ni Fatima ang mga luha dhil sa awa sa ina..wala naman n siyang magawa..Marita : Fatima, mas delikado na ang kalagayan ng nanay mo, baka kailangan na niya ng doktor, kailangan mo na siyang ipagamot Fatima..dahil baka mangyari na nanaman yong nangyari kanina..hindi ko naman siya mababantayan lagi dahil kailangan ko din umalis dahil May trabaho din ako..Fatima : wala naman po akong kakayahan na ipagamot siya..Marita : lumapit tayo sa mga pulitiko..meron naman sigurong May puso na tutulong sa atin..Fatima : opo nay Marita natatakot na nga din po ako,baka pati si nanay mawala pa sakin..siguro po hihinto na lang ako sa pag-aaral..Marita : naku, Fatima yan ang huwag na huwag mong gagawin, ilang buwan na lang graduate ka na ng high school..hayaan mo ako ang bahala na hahanap ng tulong para sa nanay mo....At sa tulong nga ni Marita ay nakahanap sila ng paraan para mai-admit ang nanay ni Fatima sa isang Mental hospital sa Manila....Fatima : nanay, dito po muna kayo ah..hayaan nio po nanay dadating din po ang araw na magkakasama tayong muli, at mamumuhay ng normal, ipagdarasal ko po ang inyong madaliang pag-galing..sige po nanay iiwan ko po muna kayo ngayon ha..babalikan ko po kayo..dadalawin ko po kayo ng madalas nanay pangako ko po yan..Mila : Fatima, bumalik ka kaagad ha..kasi baka dumating na yong tatay mo, magsisimba pa tayo at ska mamamasyal tayo sa mall, diba sabi mo May ipagbibili ka sa tatay mo..Fatima : opo nanay, babalik po agad ako..Marita : Halika na Fatima..Fatima : opo nay Marita..nanay uuwe na po kami..pangako po madalas kitang pupuntahan dito....at niyakap ni Fatima ng mahigpit ang ina, ngayon pa lang sila magkakawalay ng kanyang ina, kailangan niyang tiisin dahil para sa ikabubuti naman ng kanyang nanay ang pananatili sa Hospital....Marita : halika na Fatima....hindi mapigilan ni Fatima ang luha, dahil sa lungkot na nadarama, dahil sabi ng isip niya na bakit kailangan mangyari sa kanila iyon..bakit kasi kailangan pang magkahiwalay sila ng nanay niya..wala na nga ang tatay niya pati ang nanay niya mapapalayo pa sa kanya....Marita : Maayos din ang lahat Fatima, darating din ang araw na magkakasama mo ulit ang nanay mo....at muling nag paalam si Fatima sa ina....Fatima : nay aalis na po ako..mahal na mahal kita nanay ko..Nurse : huwag kang mag-alala nasa mabuting kalagayan ang nanay mo..Fatima : salamat po. kayo na po ang bahala sa nanay ko..Nurse : huwag kang mag-alala aalagaan naming mabuti si nanay mo..Fatima : maraming maraming salamat po....at tuluyan na ngang umalis sila Fatima at Marita, at nagpatuloy ang buhay ni Fatima ng malayo sa ina..madalang lang niya mapuntahan ang ina dahil na din sa kakulangan sa pera, kung kani-kanino siya lumalapit ng tulong para sa pagpapagamot sa ina..hanggang sa sumapit na ang kanyang graduation..sa wakas magtatapos na siya sa Highschool, masaya sana siya dahil nakamit niya ang pinakamataas na karangalan..malungkot siya dahil hindi man lang niya kasama ang ina o ama..dahil ang ama niya ay pumanaw na at ang ina naman niya ay nasa mental hospital....Marita :congrats Fatima, napaka-swerte ng mga magulang mo sa iyo, kung nabubuhay lang si Arturo tiyak na tuwang tuwa yuon..at si Mila kung malalaman niya na ang anak niya ang pinakamatalino sa ating nayon, tiyak, nag-uumapaw sa galak ang puso nun....ngunit walang kaimik-imik si Fatima, hindi niya napapansin na kinakausap pala siya ni nay Marita niya..malungkot na malungkot ang itsura niya at napansin iyon ni Marita....Marita : oh Fatima bakit malungkot ka iha?? dapat maging masaya ka dahil araw mo ito..nagbunga na ang pinaghirapan mo sa pag-aaral mo, nakamit mo ang Valedictorian..kaya ngumiti ka naman..Fatima : mas masaya po sana kung nandito si nanay, at mas masaya po siguro kung nabubuhay pa ngayon si Tatay dahil ito po ang pangarap niya para sakin, nakamit ko na po ang pinapangarap niya na maging valedictorian ako..Marita : panigurado ko nman n masayang masaya na siya dahil natupad na nga ang pangarap niya..dahil talagang naman pinagsumikapan mo makamit ang karangalan..kaya isipin mo na lang na kasama mo siya na aakyat sa intablado at isipin mo na lang na siya ang magsasabit ng medalya mo, at isipin mo din na nanunuod yong nanay mo atalakas na pumapalakpak sa iyo sa karangalan mong nakamit....napa-isip si Fatima tama nga naman si nay Marita niya, dapat maging masaya siya dahil inaalay niya iyon sa mga magulang niya....Fatima : nay Marita salamat po sa lahat ah, kung wala po kayo paano na lang po ako..Marita : wala yun..sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapitbahay at saka hindi ka na iba sakin itinuring na din kitang anak ko....napayakap si Fatima kay Marita at labis siyang nagpapasalamat sa mga kabutihan nito sa kanya, si Marita ang tatayong mga magulang niya sa graduation ceremony.....Marita : naku talaga itong batang ito eh..(gumanti ng yakap kay Fatima)Fatima : balang araw po nay Marita susuklian ko po ang kabutihan na ginawa mo po sa akin..Marita : naku ano ka ba wala yun Fatima, masaya ako kapag nakakatulong ako sa'yo..huwag ka ng umiyak at baka masira pa yong make-up mo..lalo kang gumanda ng naayusan ka..at tatawag lang ako ng tricycle na sasakyan natin..Roldan : aba Auntie Rita mukhang ayos na ayos ka ah..san po pa kayo pupunta at naka-pormal po kayo ng suot..Marita : Naku, ikaw bata ka bakit ba ngayon ka lang umuwe apat na araw kang hindi umuwe ah, ano ba yang inaatupag mo, bka naman hindi trabaho ang hinahanap mo, baka naman kung ano ano na ang inaatupag mo kasama yang mga barkada mo ha..mabuti pa yang si Fatima maaasahan..sana gayahin mo si Fatima..Roldan : Auntie nman, ang gusto nio pong mangyari magpapakababae ako na tulad ni Fatima..Marita : hay ewan ko sayong bata ka, kelan ka ba magtitino....at iniwanan na ni Marita ang pamangkin, ang anak ng kapatid niyang namatay..siya na ang nagpalaki sa bata, siya na ang tumayong nanay nito..at tumawag na ng tricycle na masasakyan nila ni Fatima....Roldan : talaga si Auntie nagpapatawa....at pumasok na sa loob ng bahay si Roldan at nakita niya sa loob si Fatima..na nakaharap saay salamin at inaayos niya ang medyo nagulo niyang buhok..hindi pansin ni Fatima na may dalawang mga mata na hinahagod ng tingin ang kanyang magandang hubog ng katawan..at hanggang sa natapos na nga ni Fatima na ayusin ang buhok, at ang inayos naman ni Fatima ay ang kanyang damit..at hanggang sa nagulat na lang si Fatima ng may humawak sa bewang niya....Fatima : ayyy...kabayo!!!! K-kuya Roldan ikaw pala..Roldan : pasensiya ka na ha..nagulat ba kita..anong meron? at naka-ayos ka pa, at lalo kang gumanda, dalagang dalaga ka ng tingnan..Fatima : ah, graduation ko kasi ngayon..Roldan : ganun ba, naku tamang tama pala ang dating ko, magse-celebrate tayo....ngiti lang ang itinugon ni Fatima kay Roldan na makapagpabaliw naman sa pagkatao ni Roldan dahil May pagnanasa siya sa kapitbahay niyang si Fatima..at hanggang sa dumating naman na si Marita na humanap ng pag sasakyan nila..Marita : Fatima halika na, May tricycle na..Fatima : opo andiya. na po....at kinuha na ni Fatima ang bag niya at ang toga niya....Fatima : ah sige kuya Roldan punta na kami....sakop ni Roldan ang daan na halos magkadikit sila ni Fatima at nalanghap ni Roldan ang mabangong si Fatima..dahil May kaliitan ang sala ni Marita....Fatima : ah kuya makikiraan na ako..Roldan : ah oo sige..ingat ka..Marita : Roldan..bahala ka ng tumingin ng pagkain mo diyan May niluto na akong ulam nahalungkat ka na lang Jan..Roldan : opo Auntie....hindi inaalis ni Roldan ang tingin kay Fatima hanggang sa makasakay ito ng tricycle..at habang nasa byahe sila Fatima at Marita ay inirereklamo ni Marita ang pamangkin kay Fatima....Marita : talagang yang pangkin ko na yan hindi ko maasahan, aba paano na lang kung mawala na ako sa mundo aba'y walang nalalamang gawin kundi magpabandying-bandying..manong maghanap na ng trabaho at ng sa ganon ay hindi nakaasa sakin.. pero alam mo Fatima kahit ganoon yang pamangkin ko na yan ay mahal na .mahal ko yan..dahil siya na lang din ang natitira kong pamilya.. na kagaya mo si nanay mo na lang ang meron ka..ako din si Roldan na lang ang meron ako.. kaya mahal na mahal ko yang bata na yan, na kahit anong kasalanan ang ginagawa niya nandito pa din akong nakasuporta sa kanya..Fatima : napaka-swerte nga po ni Kuya Roldan dahil May kamag-anak po siya na katulad nio na mabuti ang puso....at hindi nagtagal ay narating na nila ang Eskwelahan..marami ng mga estudyante ang dumating sa pagtitipong iyon.. ang lahat ng masalubong niya ay binabati siya.. at ang mga teacher na nasasalubong niya ay pinupuri siya, madaming humanga sa katatagan ng loob niya dahil ang karamihan naman ay alam ang mga pinagdadaanan niyang hirap sa buhay, at alam din nila ang problema na kinakaharap ngayon ni Fatima at ang karamihan din sa mga teacher ay nagbigay tulong sa kaniya para sa pagpapagamot ng nanay niya, at maraming ding estudyante ang tumulong sa kanya.. kapalit din naman ng serbisyo niya na paggawa niya ng mga projects ng mga ito.. at sa pagtu-tutor niya sa ibang esdudyante..kaya siya ay popular sa kanilang eskwelahan dahil sa siya ay isang magandang ehemplo ng mga estudyante na may pangarap sa buhay..nanginginig ang mga tuhod ni Fatima habang umaakyat ng entablado mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Marita, at ramdam ni Marita na nanlalamig ang mga kamay ni Fatima.. dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ni Fatima sa mga sandaling iyon.. saya dahil sa nakamit na niya ang pinapangarap ang pinapangarap nilang mag-ama.. at lungkot dahil wla ang mga importanteng tao sa buhay niya.. ang nanay niya at lalo na ang tatay niya.. pinipigilan niya ang mga luha nakabadya sa kanyang mga mata.. hindi na nga niya namamalayan na isinasabit na pala ni nay Marita niya ang kanyang medalya ng nakamit.. nakatayo ang lahat ng mga tao at pinapalakpakan siya, at hindi na nga niya napigilan ang mga luha na umagos sa kanyang mga pisngi.. dahil sa emosyon nadarama natutuwa siya dhil sa mga palakpak ng mga tao sa kanya habang isinasabit ang medalya sa kanya,, at lalong bumuhos ang luha ng maisip niya ang mga magulang, na parang nakikita niya ang mga mukha ng ama at ina niya na nakangiti ito at masayang masaya para sa kanya..nahawa din ng iyak si nay Marita niya dahil Saksi si Marita sa hirap ng pinagdaanan ni Fatima makamit lamang ang pinapangarap ng tatay ni Fatima na maging valedictorian ang anak.. at hanggang sa lalong bumuhos ang emosyon ni Fatima ng siya ay magsasalita na.. halos hindi siya makapagsalita..parang hinihiwa ang puso ni Marita habang pinagmamasdan niya si Fatima na umiiyak..dahil alam niya kung gaano kabigat ang kalooban ng dalaga.. at ganun din ang mga teacher na nakakaalam ng pinagdadaanan ni Fatima, parang hinihiwa ang kanilang mga puso nahahawa na din sila sa iyak ni Fatima, at ng makakalma na si Fatima ay saka siya nagsalita, pinasalamatan niya ang lahat ng dapat pasalamatan. sa lahat ng guro na tumulong sa kanya, sa mga kaibigan at kapwa niya mag-aaral.. at bumuhos nanaman ang luha ni Fatima ng pumasok na naman sa isip niya na wala na tatay niya at pati ang nanay niya ay pumasok na sa isip niya..na kahit ano mang siksik sa isip niya na naroon lang ang mga ito na nanunuod sa kanya, kaya napatingin na lang si Fatima sa nay Marita niya, at pinasalamatan din niya ito sa mga malaking naitulong sa kanya.. na tumayo bilang magulang niya habang siya ay lumalaki, katulong niya na nag-aalaga sa nanay niya na nawala sa katinuan. ng pag-iisip buhat ng mamatay ang tatay niya na dahilan ng pagkawala sa katinuan ng pag-iisip ng kanyang ina....Fatima : nay Marita maraming salamat din po sa inyo na kahit hindi niyo po ako kadugo kahit hindi nio kami kamag-anak ng nanay ko.. nandiyan po kayo na laging handang tumulong samin.. lalo na po sa akin, salamat nay Marita sa pag-gabay mo sakin sa pagtulong mo sa napakaraming bagay.. at sa'yo naman po tatay kung saan ka po naroon ngayon.. para iyo po itong karangalan na ito..(tumulo na naman ang luha)...para po sa inyo ni nanay itong medalya na ito, itong karangalang pilit kong inabot dahil ito po ang pangarap natin noon..kayo po ang naging inspirasyon ko sa pagkamit ng mga pangarap ko.. tatay miss na miss ko na po kayo.. miss na miss ko na po kayo ni nanay, tatay..sana lang po nandito pa kayo na kasama ko, sana po kasama ko po kayo ni nanay ngayon..tatay mahal na mahal ko po kayo.....Hilam na hilam ang mga mata ni Fatima sa mga luha dahil sa bigat ng dibdib na nadarama..kahit na matagal na panahon na ng mamatay ang ama ay hindi pa din niya natatanggap, nilalakasan na lang niya ang loob para sa ina, dahil sa isip niya na kung pati din siya ay panghihinaan ng loob paano na lang silang mag-ina..Please Paki Like & Follow ang Page natin mga Bebe Ko Thanks

Gagawin Ko Ang Lahat Para SayoWhere stories live. Discover now