Chapter One

4 1 0
                                    

"Lia! Andito nanaman yung mangliligaw mong insik!" Bungad sa kanya ng kapitbahay nilang lasinggero pero mabait naman ito.

"Ho?" Nalilitong tanong niya rito. Dahil wala naman siyang kilalang insik at isa pa wala siyang mangliligaw.

"Sabi ko yung mangliligaw mo andito nanaman! Ilang araw na yan pabalik balik rito eh, wala ka naman"

"Mang Greg, wala ho akong mangliligaw. Baka nagkakamali ho kayo ng inaakala. Wala naman po kasing sinasabi sa akin si nanay." Sabi niya rito.

"Hindi ako nagkakamali Lia, manliligaw mo talaga iyon. Magandang lalaki rin iyon, bagay kayo nun, may maganda ring sasakyan. Iyang kulay pula na Auto sa kanya yan" napatingin naman siya sa tinuro ni Mang Greg. Kulay pula na ferarri "Atsaka ikaw lang naman kasi ang maganda rito kaya alam ko ikaw ipinunta nun rito." Napatawa siya sa sinabi nito. Hindi na bago sa kanya iyong pinupuri siya ni Mang Greg.

"Hahaha! Kayo ho talaga Mang Greg! Napadaan lang siguro ho iyon dito."

"Hindi iyon napadaan lang Lia, nasa bahay niyo kasi iyong binata. Napadaan kasi ako sa inyo nakita kung kausap ni Marieta" Sabat naman ni Aling Pasing yung may ari ng tindahan na tinatambayan ng mga lasenggero sa lugar nila sa pinaguusapan nila ni Mang Greg.

"Sige ho Aling Pasing. Mang Greg una na ho ako sa inyo, huwag na ho kayong uminom ngayon at nakakasira ho sa atay!" Tugon niya kay Mang Greg. Tumalikod agad siya.

Tanaw na niya ang kanilang bahay ng may makita siyang lalaki na naka tayo lamang sa tapat, habang matiim itong nakatitig sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng kilabot sa mga titig nito parang kasing may plano itong hindi maganda sa kanya. Pero kahit na ganun ay hindi niya maitanggi na gwapo ang lalaki. Medyo pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. 

"I've finally found you!" Nakangiting sabi nito sa kanya ng makalapit siya rito. 

"Huh?" naguguluhang tugon niya rito dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. 

"For 3 years I've been searching for you, dito lang  pala kita sa pilipinas mahahanap." sabay lahad ng kamay sa harap niya. "I'm Akihiro but you can call me Aki" pakilala nito sa sarili. "And you are?"

Napatitig nalang siya sa magandang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi nito dahil hanggang ngayon wala siyang maintindihan, ang tanging naintindihan niya lang ay nahanap siya nito.

Hindi niya napansin na nakatulala pala siya rito, naramdaman nalang niya humaplos ang hinlalaking kamay sa ibabang labi niya. 

Agad siyang napalayo rito "A-anong ginagawa mo?" Yun lang ang nasabi niya rito sa gulat.

"I was just wiping your lips, dahil tulo laway ka." natatawang saad naman nito sa kanya. 

"A-anong tulo laway pinagsasabi mo?" napapahiyang saad niya rito. 

"Ayan oh!" pinunasan nanaman nito ang sa may ibabang labi niya. "Pahalata ka masyadong na g-gwapohan ka sa akin. Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig, tulo laway pa." 

Hindi niya mapigilan magalit sa sinabi nito "Sinong gwapo, ikaw? san banda?" Kumukulo ang dugo niya sa damuhong ito.

 "Ako, tayo lang naman dalawa ang nandito. May iba ka bang nakikita na hindi ko nakikita?"

"Aba't tarantado ka ah. Sino ka ba, bakit nandito ka sa bahay ko?" Pagalit niyang sabi rito.

"Look, I don't want a fight. I'm Akihiro and like I said earlier I was searching for you for the last 3 years and now I'm so happy that I finally found you."

"Bakit mo naman ako hinahanap? hindi rin ako mahilig mangutang kaya, hindi ako iyang hinahanap mo kaya makakaalis kana!" Sabay talikod niya rito.

"Wait!" Napatigil siya sa pagpasok sa loob ng bahay at pagalit niyang nilingon ito.

"Ano naman! sinabi ko na di ba wala akong matandaan na pinagkakautangan kaya hindi ako iyang hinahanap mo" Nangigigil niyang turan rito.

"Please hear me out first." Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita ulit. "I know this may sound crazy to you but 4 years ago I saw your profile on a dating app, you can call it cheesy but when I saw your picture on that dating app I immediately fell in love with you at first sight."

"Aba't! naka shabu ka ata ah." Asik niya rito.

"I know it really sounds crazy, but that's what I feel the moment I saw your picture. I did message you gazillion times but you didn't reply to any of my messages. So I decided to forget you or to move on, I always told myself that you're not real. After a year  and when I think that I finally succeeded to forget you, bigla ka nalang nagpakita sa akin ng araw na iyon sa kasal ng kapatid ng bestfriend ko wearing that white dress fits perfectly on you and you're beautifully breathtaking on it. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan at kausapin ka that night na sana hindi ko ginawa dahil pagkatapos ng araw na iyon ay hindi nauli kita nakita. I searched for you, I hired a P.I. but no luck dahil kahit isa sa mga bisitang dumalo sa kasal ng araw na iyon ay wala man lang kahit isa na nakakilala sa iyo. Now after 3 long years here you are." madamdaming sabi nito.

"Nakatakas ka ba sa mental?" natatawang sabi ko. Hindi naman ito sumagot sa kanya, kung kanina ay nakapaskil ang pilyong ngiti nito, ngayon napakaseryoso nitong tignan hindi niya rin mapangalanan ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito.

"Alam mo pwede kana maging author, ang galing mo kasi gumawa ng storya."

"Hindi naman kita pipilitin na maniwala sa ngayon. My reason why I came all the way here to your house is to ask for permission to court you." Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "I already ask your family about it"

Hindi agad siya naka imik dahil nag p-process pa sa utak niya lahat ng mga sinasabi nito. 

"So Malia Rei Reyes, can I court you? "






Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon