Chapter Four

5 0 0
                                    


"Magandang umaga Ma'am Lia" bati ng kasamahang guro ng makita siyang pumasok dito sa faculty room kung saan doon nagtatambay ang mga kasama niyang guro.

"Magandang umaga rin po Ma'am Jen" mas matanda lang ng dalawang taon si Ma'am Jen sa kanya pero wala pa rin itong asawa. Sila palang dalawa ang nasa faculty room dahil maaga nga siyang nagising kanina.

"Maaga ka ata ngayon Ma'am Lia" tanong nito sa kanya ng makaupo na siya sa. Magkatapat lang ang pwesto nila ni Ma'am Jen. Close naman niya lahat ng kasamahang guro dahil mababait naman ang mga ito.

"Maaga kasi akong nagising kanina Ma'am kaya inagahan ko nalang pag punta rito since medyo marami naman akong gagawin ngayon, dahil alam munang dalawang klase ang hawak ko" mahabang sabi niya rito.

"Wag kang mag alala, darating naman daw ngayong araw ang bagong substitute ni Ma'am Angel" napatingin siya agad rito ng marinig niya ang sinabi nito. Wala siyang alam na may kinuha palang substitute teacher.

"Talaga?"  na eexcite niyang tanong.

"Yun ang pagkakaalam ko, tsaka dapat lang talaga na magkuha ng substitute teacher noh hindi kaya biro ang maghandle ng dalawang klase" 

Agree siya sa sinabi ni Ma'am Jen talagang hindi biro ang maghandle ng dalawang klase.

Napalingon siya ng marinig niyang bumukas ang pinto sa faculty room.

"Good Morning, Ma'am Jen at Ma'am Lia" masayang bati sa kanila ng kasamahang guro na si Ma'am Audrey, mas bata ito sa kanya ng dalawang taon.

"Good morning too Ma'am Audrey" magkasabay nilang bati rin dito. 

Dali dali naman itong lumapit sa pwesto ni Ma'am Jen "Ma'am Jen, nabalitaan mo naba yung nangyari kay Mr. Nakamura?" hindi nalang niya pinansin ang mga ito at inilabas nalang ang lesson plan para sa klase mamaya. 

"Oo, nakakalungkot nga eh kasi biglaan daw yung pagkamatay ni Mr. Nakamura" rinig niyang tugon ni Ma'am Jen.

"Kaya nga ma'am pero mas naaawa ako kay Aki" napaangat siya ng tingin ng marinig ang pangalan na binanggit.

"Ako rin naaawa ako dun kay Aki kasi lolo nalang niya ang natirang pamilya niya tapos ngayon ay wala na rin ito " 

"Sinong namatay?" hindi niya mapigilang sabat sa mga ito, na cu-curious siya sa mga pinag uusapan ng dalawa.

"Si Mr. Hiroshi Nakamura ma'am Lia" Sagot ni ma'am Audrey sa kanya. Hindi niya kilala ang pangalang binanggit.

"Yung sikat na pinakamayamang businessman na nasa Japan pero marami ring hawak na negosyo sa iba't ibang lugar pati na rito sa pilipinas" Napatango siya sa sinabi ng kasamahan. "Nagluluksa ang buong japan ngayon dahil sa nangyari kay Mr. Nakamura" 

"Bakit naman siya namatay?" nakuha na ng mga ito ang atensyon niya.

"Pinagbabaril raw kasi kagabi ang sinasakyan ni Mr. Nakamura. Lima raw sa mga bodyguard nito ang namatay, ang driver ng sasakyan at si Mr. Nakamura" malungkot na sabi ni ma'am Audrey sa kanya. Pati rin siya ay nalulungkot sa mga narinig.

"Ang sabi pa sa balita ay kasama raw ang bugtong apo at swerte itong nakaligtas sa nangyari. Niyakap kasi ni Mr. Nakamura si Aki para protektahan."

"Aki?" tanong niya ulit sa mga ito. Malakas ang kutob niya na iisang tao lang ang Aki na binabanggit ng mga kasamahan at ang Akihiro na kilala niya.

"Oo, si Akihiro Nakamura na mas kilala sa palayaw na Aki ang nag iisang apo ni Mr. Nakamura. Ayaw na Ayaw ni Aki na tinatawag siya sa buo nitong pangalan" sagot naman sa kanya ni Ma'am Jen

Tama nga ang hinala niya na iisa lang ang mga ito. Hindi niya akalain na mayaman pala ito kaya mas lalo siyang nagtataka na habol ito ng habol sa kanya.

"Katulad din ng lolo niya ay magaling rin sa negosyo kaya mas lalo pang lumago ang businesses nila pero palagi namang sakit ng ulo ng matanda. Dahil mahilig raw itong gumimik at kahit sino sinong babae raw ang pinapatulan nito palibhasa kasi gwapo at mayaman na spoiled sa lolo" Napangiwi siya sa sinabi ni ma'am Jen. 

Base palang sa nalaman niya kay ma'am Jen ay sigurado na siya kung ano ang pakay sa kanya ng binata, hindi siya naniniwala rito na mahal siya nito dahil hindi naman ka pani paniwala ang mga sinabi nito sa kanya.


Nagsidatingan na rin sa faculty room ang ibang kasamahan niyang guro kaya natahimik nalang siya at pinagpatuloy nalang niya ang ginagawa. Pinag uusapan pa rin ang nangyari kay Mr. Nakamura ng mga kapwa niya guro. Ng mag ring ang bell ng school palatandaan na magsisimula na ang klase ay kaagad siyang lumabas ng faculty room para pumunta sa unang klase niya





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon