Chapter Two

5 1 0
                                    

"Best!" rinig niyang sigaw ng matalik niyang kaibigan na si Megan Cruz, habang hinahabol siya nito sa hallway papuntang cafeteria ng paaralan na pinagtatrabahoan niya. 

Pangarap niya talagang maging isang guro noong bata pa siya. Isang principal ang mama niya sa isang public school sa lugar nila at isa namang high school teacher and papa, kaya naman sumunod siya sa yapak ng mga magulang niya. Tatlo silang magkakapatid, ang panganay nila na si Alvin ay isang IT personnel na nagtratrabaho sa ibang bansa, ikalawa sa kanila ay ang kuya niya na si Alwin ay isa naman magaling sa larangan ng architect.


Mas lalo lamang niyang binilisan ang lakad para hindi siya maabutan ng kaibigan. Sinadya niya talagang iwasan ito dahil alam na niya kung anong sadya nito sa kanya.

"Uy best!" Hinihingal nitong sabi sa kanya ng maabutan siya nito. "Pinagtataguan mo ba ako?" hinihingal parin sabi nito.

"Pinagsasabi mo?" pagsisinungaling niya rito. Sumasabay naman ito sa paglalakad niya. "Bakit ka andito?"

"Nakoooo best kilalang kilala kita kaya alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. Nag undertime ako sa work dahil masama pakiramdam ko, na miss rin kita kaya na pa daan lang hehe"

"Hindi mo rin ako mapapaniwala diyan. Kilalang kilala rin kita kaya alam ko kung ano ang dahilan kaya ka napasugod rito at alam ko ring tumakas ka lang sa trabaho mo ngayon" natatawang turan niya rito.

Isang Presidente ang kaibigan niya sa kompanya na pag aari ng pamilya nito. Napilitan lamang ito na tanggapin ang pagiging Presidente ng kompanya dahil walang itong choice dahil nag iisang anak lamang ito. 

"Wala kang mahihita sa akin dahil binasted ko na agad." 

"Bakit mo naman binasted agad? ang sabi ni tita boto pa naman daw sila dun" disappointed na sabi ng kaibigan niya sa kanya.

"Bakit ko naman papatagalin doon rin naman ang punta, tsaka alam mo namang may mahal na akong iba" sabi niya rito sabay upo sa bakanteng upuan na nakita nila sa cafeteria. Umupo naman sa bakanteng upuan na nasa harap niya ang  kaibigan.

"Oh my god Malia! Paano ka magkaka jowa niyan kung hanggang ngayon naghihintay ka pa rin diyan sa first love mong walang kasiguraduhan kung babalikan ka ba. Tagal tagal na nun 15 years old ka palang nung umalis yun, wala nga kayong contact nun at baka may pamilya na nga iyon." mahabang litanya nito sa kanya.

Tama naman ang kaibigan niya sobrang tagal na noong umalis ito. Pero hanggang ngayon ay umaasa parin siya na babalikan siya nito. Nangako ito sa kanya na liligawan siya nito at nangako naman siya rito na hihintayin niya itong bumalik, kaya hanggang ngayon wala pa rin siyang ini entertain na manliligaw, kapag may magtatangka na manligaw sa kanya ay binabusted niya kaagad. 

"Mag order kana dun ng kakainin mo dahil may baon akong lunch." pag iiba niya sa topic dahil nasasaktan parin siya kapag iyon ang pinag uusapan nila, mas lalo lamang niya itong namimiss.

"Oo nga, nagutom ako sa kakahabol sayo" tumayo rin naman kaagad ito para kumuha ng makakain.


Habang naghihintay siya kay Megan ay tumunog naman ang cellphone niya, na kung minsan makakalimutan pa niyang may cellphone pala siya dahil madalang lang naman ang may tatawag or txt. 


<<<Unknown Number Calling>>>

"Sino na naman kaya ito?" tanong niya sa sarili. 

"Hi love, I miss you."  yun kaagad ang narinig niya ng sagutin niya ang tawag.

"Wrong number po kayo sir. Hindi Love ang pangalan ko." ani niya, dahil talaga namang wrong number ito. Nakarinig naman siya ng maliit na tawa sa kabilang linya.

"Silly love, I know that Love is not your name, but that's my endearment to you, Malia."  

"Akihiro?" paninigurado niyang tanong sa kabilang linya. 

"Akala ko nakalimutan mo na ako and I love the way you say my fullname nakakawala ng stress. Can you repeat say my name, irerecord ko lang."  bigla kaagad nag init ang ulo niya sa narinig mula rito.

"How did you get my number?" galit niyang tanong rito. Hindi niya alam kung bakit kumukulo ang dugo niya kay Akihiro.

"Its lunch time now love, kumain ka na ba or kakain pa lang?" tanong nito sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya kaya mas lalong nag init ang ulo niya. 

Pinatayan niya ito ng tawag, ayaw niyang masira ang araw niya dahil lang sa gagong yun.


"Oh anong nangyari sa'yo at nakabusangot ka diyan?" tanong ng kaibigan ng makabalik ito sa mesa nila. Hindi niya ito napansin na nakabalik na pala ito dahil nanggigil siya sa mga mensaheng pinapadala ni Akihiro. 

From: 0915*******

Love, bakit mo naman ako pinatayan?

From: 0915*******

Love, hindi mo ba gusto yung endeament?

pwede naman palitan.

From: 0915*******

Babe? para naman tayong mga baboy niyan.

From: 0915*******

Mhine?

From: 0915*******

Honey?

From: 0915*******

Ah, alam ko na I call you Wifey, and you call me Hubby :)


Mas lalong siyang nabwibwisit sa mga nababasa niya sa message ni Akihiro. Agad siyang nag tipa ng reply.

To: 0915*******

Stop texting me and don't call me ever again!!!

message sent.....


"Sinong ka text mo?" tanong sa kanya ni Megan, na busy rin sa pagkain. "parang mababasag iyang screen ng cellphone mo kung makapag type ka?" Inilapag niya sa mesa ang cellphone niya.

"Akihiro." maikling sagot niya sa kaibigan at nagsimula ng kumain. 

"Akihiro who?"

"Iyong lalaki kahapon na nagpunta sa bahay." walang gana niyang sabi sa kaibigan.

"Ohhh, so Akihiro pala name." may pilyong ngiti ito habang nakatingin sa kanya "Pangalan palang.. ulam na" Ini snoban niya ito.

"Akala ko ba binasted mo, eh bakit may palitan na ng message mmm?" tukso nito sa kanya.

"Siya lang nag m-message sa akin, hindi ko siya ni r-replyan." malapit na siyang mapikon sa panunukso ng kaibigan 

"Hindi daw ni r-replyan pero kanina muntik na mabasag yung screen ng cellphone habang nagt-type" 

"Isan beses ko lang siya ni replyan PERIOD." pagtatapos niya sa usapan.

1 message received

Sabay sila ni Megan na napatingin ng mag vibrate ang cellphone niya. Akmang kukunin na sana niya ang cellphone niya pero naunahan siya ng kaibigan.

Agad naman nitong nabuksan ang cellphone niya dahil alam naman nito ang pincode niya.

Nagulat siya ng paimpit itong tumili habang binabasa ang messages ni Akihiro.

"Best ang sweet namn ni Akihiro mo." kinikilig nitong sabi sa kanya. "lalo na dito sa huling message niya" Kinikikig pa rin ito. "Maganda rin yung love na endearment best, pero mas bagay sa inyo itong wifey/hubby."Hindi niya pinansin ang kaibigan at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Kakatapos lang niyang kumain ng ibalik ni Megan ang cellphone niya. Isinilid naman niya kaagad ito sa bag. 

"Hindi mo ba titignan muna yung message ni Akihiro mo?" 

"Hindi na, mauuna na ako best may klase pa ako eh." nilapitan niya ang kaibigan at nag beso beso muna sila bago naghiwalay.



Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon