Chapter 7: I love you

31.1K 1K 315
                                    

Pagpasok sa unit ay naupo agad ako sa sofa. Ano ba gagawin dito ni ma'am?

"May gusto ka po bang kainin o inumin, Prof?" Umiling lang siya sakin. Tumayo nako upang magbihis.

"Ahm, upo ka po muna magbibihis lang po ako saglit." Tumango lang siya kaya pumasok nako sa kwarto.

Sando at cycling lang ang suot ko, komportable ako dito e bat ba. Paglabas ko ay naabutan ko si ma'am na mukhang malalim ang iniisip. Tumikhim ako para makuha ko atensyon niya.

"A-ah Prof ano po ba sadya mo bakit po sumama ka dito?" Alam kong bastos pakinggan pero di ko maiwasang itanong eh.

"You have a fever because of me, so I'm the one who take care of you." Eh? Pinasadahan niyako ng tingin. Nakita kong bahagya pa siyang napalunok at namula at nag iwas ng tingin. "Bakit ganyan ang suot mo? Di ka ba nilalamig?" Wow himala? Tagalog yarn?

"Ahm okay lang po ako kaya ko po sarili ko, gagaling din naman po ako kaagad eh. Tsaka mas komportable po ako pag eto po suot ko pag may sakit ako." Tumango naman siya at tumayo.

"No buts. Do you want to something to eat? I'll cook." Tanong niya.

"Ah hindi na po ma'am, gusto ko pong matulog sana muna. I-ikaw po? Gusto mo po ba magbihis muna?"

"Yeah, can I borrow your clothes?"

"Ahm okay po, pili ka nalang po sa closet ko sa kwarto ko. Halika po." Sumunod naman siya papunta ng kwarto ko. "Meron din pong unused na undergarments jan if want mo maligo." Tumango lang siya at kumuha na ng damit. Akmang papasok na siya sa Cr nang magsalita ulit ako. "ahm pagtapos mo po pede ka pong matulog muna or ikaw na po bahala kung anong gusto mong gawin. Tulog na po ako." Yon lang at nahiga nako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nakatulog din naman ako agad, dahil narin siguro sa sama ng pakiramdam ko at sa pagod.

Naramdaman kong may humahaplos sa pisnge ko papunta sa labi ko pero di ko maidilat mata ko. Sinong pontio pilatong pinagnanasaan ako huh? Charot. Ilang sandali pa'y may malambot na bagay ang dumikit saking labi. Sarap. May kung anong pumasok sa loob ng bibig ko kaya kinagat ko. May narinig pakong mahinang halinghing, ano ba yon?

Gusto kong gumalaw at idilat ang mata ko kaso di ko magawa. Wala narin ang malambot na bagay sa aking labi. Hays sayang sarap pa naman non, lasang strawberry. Di ko namalayang nakatulog na ulit ako.

Nagising ako dahil sa gutom na naramdaman ko. Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo. Pagtapos maligo ay panty lamang ang suot ko at isang manipis na oversized t-shirt na puti wala narin akong suot na bra.

Paglabas ko ng kwarto ay narinig kong may mahinang kaluskos na galing sa kusina kaya naging alerto ako. Kinuha ko agad ang baseball bat ko, binili ko talaga to Incase of emergency.

Dahan dahan akong lumapit sa kusina. Akmang hahampasin ko na sana ang pontio pilatong pumasok sakin—i mean pumasok sa condo ko nang biglang lumitaw si Prof. Kaya nabitay sa ere ang baseball bat.

"What do you think your doin?" Di ba halatang papaluin ka sana ma'am?

"A-ah ma'am akala ko po kasi may nakapasok na ibang tao. Andito ka pa po pala, sorry po." Ibinaba ko na ang baseball bat dahil baka ako ang mahampas ni Miss-maam neto.

Napansin kong pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko at nahinto sa may parte ng dibdib ko—wait! Pvta wala nga pala akong bra.

Tumikhim siya at nag iwas tingin pero di parin nakaligtas sakin ang pamumula ng pisnge niya, bat ba to palaging namumula?

Shh, Professor! [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon