Chapter 35:

24.4K 692 292
                                    

I'm currently cooking a food para sa picnic date namin ni El ngayon. Balak ko siyang dalhin sa safe haven ko.

Bicol Express ang niluluto kong ulam ngayon, I know that El will like this lalo na't maanghang, mahilig sa maanghang yon eh.

Syempre di ko rin makakalimutang dalhin ang tatlong garapon ng stick-o niya. Nagdala narin ako ng mga prutas at deserts, like graham cake at cupcakes.

At syempre nakapag saing narin ako, baka kase magustuhan rin ni El na ipartner sa kanin yung ulam na niluto ko. I also brought a wine and soft drinks at syempre tubig.

Pagkatapos kong magluto ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago maligo, minessage ko din muna si El na maghanda na.

Halos 30minuto akong naligo, syempre para fresh diba. Nagsuot lang ako ng pants at polo, dahil nga diba picnic alangan namang dress ako tas panlalaki pa naman ako umupo edi nakita na kayamanan ko non.

Hindi narin ako nag make up dahil ayaw din ni El na nagmamake up ako.

Ilang minuto lang akong naghanda bago napagdesisyonang umalis ng condo. Sumakay lang ako ng tricycle papunta sa mansion ng parents niya, doon daw siya natulog eh.

Ilang minuto lang din ang byahe dahil hindi naman masyadong kalayuan, tinext ko narin si El na malapit na ako.

Pagdating ko sa labas ng subdivision ay agad naman akong pinasok ng guard, Kilala naman na din kase ako ng mga ito.

Agad namang may sumalubong sakin na kotse, nagsabi narin sakin si El na ipapasundo niya ako dito kaya sigurado akong ito na yon.

Huminto ang kotse at lumabas ang driver, nagulat pa ako ng si Kuya Justine ang lumabas.

"Good Afternoon, Sev! Naks naman date date kayo ah. Sakay na." Pang aasar niya at tinulungan ako sa mga dala ko na ipasok sa loob ng sasakyan.

Pagpasok namin ay agad niyang ipinaandar.

"San kayo pupunta?"

"Sa safe haven lang kuya, magpipicnic date lang kami. Wala naman kase akong sapat na pera para dalhin siya sa mamahaling restaurant eh." Nahihiya kong tugon sa kanya na ikinangiti niya.

"Alam mo bilib din ako sayo eh, you know ang laki ng pinagbago ni Quiel simula nung dumating ka sa buhay niya. She always smile na, na dati ay minsan lang sa isang buwan kung ngumiti. Masaya siya kapag kinukwento ka niya samin, sobrang laki pa nga ng ngiti eh. Kaya ingatan mo kapatid ko ah, prinsesa ko yon kahit na pareho kami ng ano hahaha." Pareho kaming napatawa sa ibig niyang sabihin sa huli.

Di namin namalayan na nakarating na kami sa mansion. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto, kaya kinuha ko naman agad ang mga dala ko.

Balak ko din kaseng bigyan sila Tita Anastasia ng dala kong bicol Express, graham cake at yung binake kong cupcake.

Madami naman akong nagawa eh, sinadya ko talagang damihan para sa kanila din.

Agad naman akong tinulungan ni kuya Justine paglabas ko.

"Andami mo namang dala, paniguradong tataba si Quiel nito hahahaha." Natatawa niyang saad kaya napatawa narin ako.

"hahahaha mas mabuti yon kuya para wala akong kaagaw. Dami pa namang kabute sa gilid gilid." Pagbibiro ko pa na ikinahalhak niya ng tawa.

Pagpasok namin sa loob ng mansion ay pareho parin kaming nakangiti at tawang tawa sa mga pinag uusapan namin.

Napatigil lang kami ng may biglang tumikhim sa harap namin.

Shh, Professor! [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon