Chapter 26:

27.5K 755 345
                                    

It's 3am in the morning now, at ngayon ang plano namin na swimming.

And it's already December 18.

Alas 4 kami magkikita kita sa university at yung Van nila Ivan ang gagamitin.

Si Ethan at Allen naman ay susunod nalang dahil di daw nila keri gumising ng madaling araw.

Kasama din namin si Athena na hanggang ngayon ay nasa Cr parin. Kanina pa siya don di parin tapos, Ganon ba kadami libag nya?

"Tenten, bilisan mo na jan!" Sigaw ko sa kanya sa banyo.

"Oo malapit nako." Sigaw niya naman pabalik.

"Malapit na din ako, malapit nakong mainis dahil kanina ka pa jan kala mo ikaw magbabayad ng bill ng tubig ko ha?" Di na siya sumagot at lumabas na ng cr.

Ako naman ay ngiti ngiting tinignan siya at sumandal sa headboard ng kama.

"Fck you."

"Ayaw ko sayo di tayo talo." Nakangisi kong pang aasar.

Ilang minuto pa ang pag aayos namin bago kami tuluyang umalis ng unit.

Pagdating sa university ay agad ko namang nakita sila Joan, Joy, Ivan, Scarlet, Ma'am Celine, Ma'am Janella, Xelly at Gurang.

Asan ang misis ko?

"Good morning gays, Good morning Professors." Pagbati ko sa kanila.

Binati naman ako ng mga kaibigan ko at tinanguan lang ako ng tatlong Profs.

Pumasok na kami sa Van para at doon nalang hihintayin ang Misis kong ubod ng pula na pinaglihi pa ata sa yelo na sinigang mix.

Sa pinaka dulo ako nakapwesto ngayon at nakatingin lang ako sa bintana, ilang sandali pa ay may nakita na akong sasakyan na paparating.

Paghinto ng sasakyan ay sya namang pagbaba ng isang Diyosa.

Naks, ganto ba ako kainlove sa professor na to?

Kasama niya ang di ko inaasahang makakasama niya.

Si Octopus girl.

Shvta wag mo sabihing sasama siya? Tngina ako nagplano neto oh!

Kita ko kung paano ngumiti si Ma'am pag kausap niya si Elyse.

Sana ako nalang siya.

Sana ako nalang si Elyse na mahal niya.

Kita ko din kung paano halikan ni Ma'am sa pisnge si Elyse at umalis na sa harap neto.

So di siya kasama? Buti naman.

Pagpasok niya sa loob ng Van ay inilibot niya ang tingin dito na para bang may hinahanap, nagtama ang aming mga tingin at lumapit sa pwesto ko.

Hala ka teh may bakante pa naman sa unahan eh.

Pag upo niya ay nag iwas ako ng tingin.

"Good morning." Mahina niyang bati parang sapat lang ata para kaming dalawa lang ang makarinig pero di ko siya pinansin.

Nagsimula na ding umandar ang Van paalis.

Napansin niya atang di ako sumagot kaya tumikhim siya.

Papansin lang teh?

"I said good morning, are you deaf?" Morning mo mukha mo.

Anong maganda sa morning kung yung ganong eksena makikita ko umagang umaga.

Shh, Professor! [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon