Sa bawat gabi na lumilipas
Ang malabo mong larawan sa isip ay hindi kumukupas
Maging ang boses mo'y sa aking tenga'y pumagaspas
At patuloy kang iniisip na parang wala'ng bukasKahit nanglalabo ang mga mata
Patuloy pa rin sa pagbabasa
Upang masubaybayan ang iyong estorya
Na nagpapakompleto ng araw ko kahit ang ulo'y sumasakit naMinsan naitanong ni mama 'may nobyo kana ba?'
Dahil sa ngiti kong hindi mabura-bura
Kapag hawak ang telepono habang nagbabasa
Pero ang tanging sagot ko sa kaniya 'Mayroon na akong asawa ma'Kahit sa paaralan ay naghahanap ng lalaking umiigting ang panga
Ngunit ni isa ay wala akong makita
Kahit halughugin ko man ang buong planeta
Ika'y walang katulad at nag iisaIkaw ang dahilan ng aking pagtawa sa hating-gabi
Sa aking pag-iyak gabi-gabi
Dahil sa estorya mong naghahalong saya at pagdadalamhati
Pero sa bandang huli masasabi kong ika'y nakakabighaniMaraming nagsasabi na wala akong makukuha sa pagbabasa
Hindi nila alam na ito ang pinagkuhanan ko ng saya
Hindi ko pinansin ang mga paninira nila
Dahil sa pagbabasa ko nakilala ang lalaking hinahangad kong makasama-patuloy magbasa hanggang sa malagotan ng hininga! Charot