KATHANG-ISIP LAMANG

59 22 18
                                    

Nais kitang makapiling
Makita sa gabi't paggising
Nawa'y sa langit ay dinggin
Ang aking nag-iisang panalangin

Paano ba kita mahahawakan
Kung ikaw nama'y wala sa lupang inaapakan
Kahit ang anino mo'y aking kinasasabikan
Sana'y ika'y makita, makasama't mahagkan

Alam kong malabo ang lahat ng ito
Dahil isa kang kathang-isip  at hindi totoo
Nababasa sa mga nobela at mga kwento
At hindi tayo magkapariho ng mundo


Ngunit hindi ko mapigil ang bugso  ng aking damdamin
Na ika'y aking ibigin
Sa kabila ng katotohanang ika'y malabong maging akin
Ikaw at ikaw pa rin ang patuloy kong pipiliin


Kaya nais kong magpasalamat sa iyo
Kahit ika'y hindi totoong tao
Nabubuhay lamang sa loob ng libro
Pero iyong nabihag ang puso kong matagal ng naging bato


Minahal kita kahit isa kang kathang-isip lamang
Ipinaramdam at ipinakita ang katangiang walang makakalamang
At may katangiang paibigin nimo man
Isa ka sa hinahangad ng karamihan



-Maraming salamat sa pagbasa mga ginoo/binibini♡




KATHANG-ISIP LAMANGWhere stories live. Discover now