Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pagtunog ng sliding door ng convenience store na pinagtatrabahuhan ko.
" Good evening, ma'am." magalang na pagbati ko sa kakapasok lang na ginang.
Chineck ko ang relo ko at 10:39 na ng gabi kaya pala ramdam kona ang pagod sa buong katawan ko, bahagyan akong nagmasahe ng balikat at leeg ko dahil sa pananakit nito.
Umayos ako ng tayo at ngumiti sa ginang na nasa tapat ko at inasikaso ang kaniyang mga pinamili.
" May card po kayo?" nakangiting tanong ko rito kaagad naman itong umiling." 1, 879 pesos po lahat."
Inilagay ko sa isang plastic ang mga pinamili nito at maingat na iniabot. Naglabas ito ng dalawang blue bill at iniabot saakin nakangiti ko naman itong tinanggap at kumuha ng panukli.
" Thank you, ma'am"
°°°
Napahigpit ang pagkakapit ko sa aking bag ng maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin saakin. Mabuti nalang at nakapagdala ako ng sweater kaya kahit papaano ay hindi ako lalamigin sa aking paglalakad pauwi.
Sobrang dilim at talagang madalang nalang ang nakakasalubong o nakakasabay ko sa paglalakad dahil sa malalim na ang gabi at karamihan ay natutulog na.
Habang naglalakad sa madilim na kalsada ay hindi ko maiwasan na makaramdam na para bang may nakasunod saakin pero siguro dala narin ng pagod kaya kung ano nalang naiisip ko.
" hayyst ang lamig."
" Brzzzt...." Kaagad kong kinapa sa bulsa ko ang cellphone ko ng mag vibrate ito.
( You have 2 messages )
Ate Aira:
Nasan kana?Ate Aira:
Malalim na ang gabi, umuwi kanaSi ate pala, ngayon lang kase ako ginabi ng ganito sa trabaho pinag overtime kase ako ni boss dahil male-late yung papalit saakin na pang 12am dahil na-ospital ang anak nito.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad malapit sa isang abandunadong bahay ng may marinig ako ng pagkalabog na para bang may natumbang kung ano. Napatigil ako at dahan dahang lumingon sa kinaruruonan noong ingay.
Para akong tinakasan ng kamalayan ng para akong may na aninag na may nakatayo doong tao at nakatingin saakin, para akong biglang hiningal at hindi mapakali lalo na nung magsimula itong lumakad palapit sa kinatatayuan ko.
" Putangina!"
Bigla kong nabitaan ang hawak ko dahilan para gumulong ang mga laman nito balak ko pa sanang simutin pero mas bumilis ang ginagawang pag hakbang nung bulto ng taong yun kaya naman wala na akong nagawa kundi iwanan ito at kumaripas ng takbo.
Nanlalabo ang paningin na walang tigil ako sa pagtakbo at paulit ulit na nagmumura sa utak ko.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay lumingon mona ako sa paligid ako ng masigurong walang nakasunod ay pumasok ako at kinandado ito habang nanginginig ang buong katawanan at nanlalamig ang mga palad.
Pagkapasok sa bahay ay patay na ang mga ilaw kaya naman umakyat na ako sa taas para magtungo sa kwarto.
" Ano kaya yun? imahinasyon ko lang ba o talagang meron akong nakita?"
Nakatulugan ko ang pag-iisip sa aking nakita.
°°°°
" Dwayne."
" hmmm...."
" Dwayne gising na, may trabaho pa ako at ikaw na muna bahala sa mga pamangkin mo."
BUMABA na ako para mag almusal at doon nga ay naabutan ko si ate na naga paalam na sa mga anak niya. Bumaling ito saakin at tinaasan ako ng kilay.
" Anong oras ka umuwi kagabi?" mataray na tanong nito.
Tinaasan ko ang kamay ko at pinakita ang dalawa kong daliri, nagsalubong ang kilay nito.
" Bakit masyadong late? akala koba hanggang 10pm lang ang duty mo?"
" May sakit yung anak nung papalit sakin kaya pinag overtime ako."
" O siya sige, ikaw na bahala diyan sa mga anak ko at baka gabihin ako ngayon." Aniya na tinanguan ko lang.
Papunta na ako sa kusina ng humirit pa ito. " Nga pala may package na pinadala para sayo nandiyan sa tabi ng tv."
" Ha? Kanino daw galing?"
" Ewan ko." Kibit balikat na sagot nito at lumabas na ng pinto.
Napatingin naman ako sa gilid ng tv namin at nandun nga yung package na sinasabi niya.
^°^°^°^°^
:)

YOU ARE READING
Signs Of The Past
Fiksi UmumDwayne is being stalked by a mysterious stranger. He thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. And that mysterious man keep following him until that day came and he was being kidnapped by the mysterious stranger, Magnus Lyerry Cigaral. Book...