Chapter 14

772 10 0
                                    

Helen woke up with a throbbing head and aching wound. She didn’t sleep that much because every damn time, her wounds was in pain.

Ang pag-uusap nila ni Alexander kagabi ay halos mamutla na ang kaniyang labi nang maalala ito. Marahas siyang bumuntong-hininga.

Paano niya nalaman? Is he investigating me? She asked herself. Nanganganib ang buhay ko sa bahay na ito kaya kinakailangan ko nang kumilos at mag-ingat.

 

Bumangon siya sa kama, nagtungo sa bathroom para maligo dahil nanlalagkit ang katawan niya. Pagkatapos niyang magbihis, lumabas siya sa kaniyang silid at nagtungo sa kusina.

Naabutan niya ang mayordoma ng mansyon, nagluluto ng agahan niya. Pansin niyang wala si Alexander kaya naglakas loob itong magtanong.

“Manang, umalis si Alexander?” tanong niya.

Nilingon siya ng matanda. “Kanina pa umalis, hindi nga nag-agahan.” Sagot nito.

“Anong oras daw babalik?” muli siyang nagtanong.

Napailing ang matanda. “Hindi ko alam, may dala kasing maleta kaya siguro baka sa ibang bansa na naman ang lakad niya.” Nagkibit-balikat ito. “Nagbilin pala siya,” agap na dugtong nito.

“Ano po ang bilin niya?”

“Kung may gusto ka raw ba na ipabili sa kaniya, sabihin mo lang raw sa akin at ako ang magsasabi sa kaniya.”

Kumunot ang noo ni Helen. “Wala. Wala akong ipapabili. Manang, baka nagdududa ka sa akin. I mean, wala po kaming relasyon ng amo natin. Katulong rin po ako.” Nakangiwing usal ko. “At saka, hindi ko papatulan ang griyegong ‘yong, masyadong maangas. Hindi pasok sa standard ko.” Iginaya pa niya ang daliri na tila minamaliit ang amo.

Natawan naman ang matanda. “Ano ka ba, hija? Huwag ka namang praning riyan.” Sabi pa nito sabay palo sa kaniyang braso.

Naningkit ang mata ni Helen. “Siya lang itong parang timang at praning, Manang,” napairap pa siya. “At isa pa po, pakibilin po sa kaniya na huwag siyang atat umuwi, kung kailangan pa niyang manatili roon sa loob ng isang taon o higit pa, puwede naman.” Dugtong niya.

Lalong natawa ang matanda. “Ikaw talaga, para ka tuloy asawa ni Sir Adamos na iniwan sa trip papuntang ibang bansa.” Halakhak ng matanda sa kaniya.

“Kakain na ako, manang. Pakihanda na lang po at marami pa akong gagawin,” sabi ni Helen na agad namang tumalima ang matanda para ihain ang pagkain niya.

Nang matapos siyang kumain ay nagtungo siya sa harap ng mansyon, naupo sa maliit na hagdan na tila naghihintay.

She heard a car honk, meaning to say, her boss is probably home. Helen stand up, crossed her arms over her chest.

“You look like my wife, waiting for me to come home from work,” Alexander teased.

Helen raised a brow at him and stand up. “Good thing, I’m not your wife.” She smiled, bitterly. “…and obviously, this is your house.” Helen added, nonchalantly.

“Oh, right! This is my house…” he trailed off, raising his brow. “And you’re exactly my maid not a wife.” Sambit niya at tumango-tango pa bago tuluyang pumasok sa loob.

Lustful December (Calendar Girls Series #12)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon