Di ko na tanda yung huling beses akong nagsulat. Simula highschool, ang dami ko naisusulat at lahat ng nararamdaman ko nilalathala ko. Ang dami ng nagbago. Kahit yung nararamdaman ko nagbago na rin.
Habang natagal, narerealize ko na nagiging normal na ang lahat. Yung pagtingin ko sa mga taong dating special, ngayon ay tila wala na. Ganun ba talaga? O sadyang natuto na lang ako sa buhay. Ang dami kong pinagdaanan na nagpawasak at nagpatibay sa pagkatao ko. Na kung iisipin, di ko naman talaga deserve pero yun yung binigay sakin. Kung anong dahilan? Walang nakakaalam.
Minsan naguguluhan pa rin ako sa sarili ko. Masaya ba ko? o nagpapanggap lang na masaya. Okay ba ko? o kinakaya ko lang para mag survive. Wala akong masisi sa lahat ng nangyari kahit meron naman dapat akong sisihin. Pero ganun talaga e. Kahit ikaw yung nahihirapan, nasasaktan. Di naman titigil ang mundo para sayo. Kailangan lahat magpatuloy, kahit pa mapag iwanan ka. Magpapatuloy pa rin ang ikot ng mundo. Dumiretso ka man o maligaw tulad ng ginagawa ko ngayon na di ko alam san papunta tong sinusulat ko, pero minsan kailangan mo lang rin talaga ilabas lahat para maging okay ka.
Yung mga taong parte ng buhay mo noon, wala na sila ngayon. Yung mga parte ng buhay mo ngayon, pwedeng mawala sa hinaharap. Pero kung sino man yung mga nanatili, isa lang sigurado, sila yung mga totoo.
Ang daming gumugulo sa isip mo. Ang daming tao gusto mo tanungin na, "bat ganun?" Pero di ba wala ka namang matinong sagot na makukuha? Wala naman silang pake at wala silang magiging pake kahit pa marinig nila yung saloobin mo. Ang dami daming tanong sa isip mo na walang kasagutan mula sa kanya o sa kanila. Sana lang patahimikin na lang nila yung buhay ko kasi di ko naman na gustong gumulo pa.
Siguro kung makakaharap kita. Marami rin ako sasabihin e. Pero sana pag dumating yung panahon na yun, na di ko alam kung iaadya pa ba ng kalawakan. Sana magawa ko pang ngumiti.
Sa ngayon, sinira mo lang yung tingin ko sa mga tao at patuloy mong sinisira sa twing nakikita kita. At ang isa pang masakit, yung mga dating special sa buhay natin... Ngayon parang normal na tao na lang sakin.
Piliin nawa nating maging masaya, kasi dapat maging masaya tayo. Mawawalan ng saysay yung sakit at pagkadurog na naranasan ko. Kung magiging miserable lang buhay mo.
Di ko alam pano tatapusin to. Pero bahala na. Hinayaan ko lang naman mag type tong mga daliri ko kahit di ko alam kung nagana pa ba ang utak ko. Ang gulo di ba? Ganito talaga simula nung nawasak ako.
Okay naman talaga ako. Pero sa twing magbe breakdown ako. Gusto ko na lang kwestyunin lahat. Pero matatapos rin naman to e. Sadyang may mga moments lang na need ko namnamin yung nararamdaman ko. Mabuti na rin to atleast may nararamdaman ako. Dahil madalas na wala na kong maramdaman at wala na kong gana sa buhay.
Sige, masyado naman ng magulo to. Di ko na need irevise kasi ewan ko .. basta. Gusto ko lang talaga magsulat ngayon.
~ 08.30.22
2:43am
BINABASA MO ANG
Nagbago Ba Ang Lahat?
RandomSa paglipas ng panahon, parang nag iiba yung tingin natin sa mga bagay bagay. Nagiging normal na lang ang dating special.