Prologue

32 1 0
                                    

"Leah !" Sigaw ni Nanay. "Kumain ka na rito at baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Oho nay ! Pababa na."

"Ate Leah ! Si kuya Vin, andyan na, sinusundo ka !" Sabat naman ng cute na bunso kong kapatid na si Celyn.

"Ha ? Eh hindi pa kumakaen si Leah, iho, gusto mo, dito ka nalang din kumain" pag-aalok ni nanay.

"mano po nay, ah, sige po. Tutal, maaga pa naman po" magalang na pag-sagot ng gwapo kong bestfriend :">

Pagtapos namin kumain, agad na kaming bumiyahe dahil mahirap na kung ma-late kami sa una naming klase. Hindi kase nagpapa-pasok yung professor namin kapag late ka. 

Let me describe my ideal man, siyempre, matangkad, gentleman, cute, ayoko sa mayabang, pero kung may ipagyayabang naman, ok lang din, pero ayoko naman nung super yabang like a BITCH. Magaling mag-gitara at mag-basketball, matigas ang katawan sa pag-sayaw, magalang sa parents ko, humble, at siyempre, madasalin :)) At ayang lahat ang katangian ni Marvin Liam RIvera. Secretly Inlove ako sa kanya, ayokong sabihin dahil baka lumayo siya sa akin. Baka masira yung friendship naming binuo sa 2 taon. Wala akong balak na mag-confess sa kanya. Isa pa, may girlfriend na siya at malapit na ang engagement nila. Di hamak naman na mas matagal na silang magkakilala at alam kong masisira ang lahat ng iyon pag nag-confess ako ng feelings ko para sa kanya. Alam kong hanggang bestfriend lang kaming dalawa.

(FLASH BACK)

Nagkakilala kami sa Luneta, that time eh, kakapunta ko palang sa Manila. Sa Pangasinan ako lumaki at nagkaisip, pumunta lang ako sa Manila, dahil dito ako pag-aaralin ng ate ko. May binili lang si ate saglit at may lalaking umupo sa tabi ko, sabay sabing "parehas pala tayo ng wrist watch, hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng kaparehas nito". Hindi ko alam kung anong ibigsabihin niya, pero nairita ako sa sinabe niyang yon.

"This will be the first and last na makikita ko yang mukha mo, Mr. Yabang." 

"Excuse Me, walang Yabang sa name ko, I'm Marvin Liam Rivera."

"So ? Tinatanong ko ba ? HIndi di ba ?"

"Alam mo miss, ang sungit mo, nakikipag-kaibigan lang naman."

"Hindi pakikipag-kaibigan ang tawag don Mr. Yabang. Ano bang akala mo sa akin? Mahirap at hindi makakabili ng ganitong klase ng wrist watch ? F.Y.I.  kahit papano, may kaya naman kami, at please lang, pakitanggal yang kayabangan mo, for sure, wala ka pang girlfriend, or else, walang nagtatagal sayo dahil sa kayabangan mo ! "

"Talaga lang huh ?"

"Eto talaga ! Ang yabang mo ! "

Palapit sa amin si Anna, classmate ko sa Pangasinan. Lumuwas na din pala siya ng Maynila. Agad ko siyang sinalubong.

"Hello Anna, nandito ka na rin pala."

"Ah, Oo. Remember, 2nd Yr. Highschool palang ako, kinuha na ako ng parents ko at dito na ako pinag-aral. Ah, nga pala, Meet my boyfriend, Marvin Liam Rivera. Babe, 3 years na kami. Babe, this is Leah Marie Agoncillo, classmate ko before sa Pangasinan."

"Hi, Miss Leah Marie Agoncillo. Nice to meet you" pang-aasar na sagot niya, na parang walang nangyare.

"Nice to meet you too."

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon