Chapter 3 - Gone. Gone. Gone

23 0 1
                                    

Gooooood Morning ! Ang ganda ng gising ko. Siguro dahil yun sa nangyari kagabi. Hindi parin ako makapaniwala. Ansarap talaga sa pakiramdam. Feeling ko, ako yung mga princess sa mga fairytales at si Vin ang prince charming / knight in shining armor ko. Ambisosya. Ayan ka nanaman Leah Marie Agoncillo ! 

"Ethan, anong gagawin ko? Kahapon, lumabas kami ni Vin. Yung feeling ko, ansaya-saya ko. Feeling kom ibang-iba. Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Feeling ko, pag tinuloy-tuloy namin yung paglabas gaya nung ganito, mas lalong made-develop yung feelings ko para sa kanya."

Pagtapos ng sinabi kong yon, may humablot sa buhok ko. Si Anna. Nako, patay kang bata ka. Narinig niya lahat. Pakamatay ka na Leah !

"Sinasabi ko na nga ba, inaahas mo ang boyfriend ko ! I thought mag-bestfriend lang kayo, ayun pala, pinagpapantasyahan  mo na siya. Well, sorry ka, hindi igi-give up ni Vin ang 4 years relationship namin compare sa 2 years na pagiging mag-bestfriend niyo. I thought mabait ka, nagkamali pala ako. Ano pa nga bang aasahan ko  sa isang katulad mo?"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Anna, pero kahit na pinagpapantasyahan ko ang boyfriend mo na bestfriend ko, never kong inagaw sayo si Vin. Alam ko naman ang limitasyon ng pagiging mag-bestfriend namin. Yes, may feelings ako para sa kanya, pero hindi ko siya inaagaw sayo."

"Distance ! D-I-S-T-A-N-C-E ! Layuan mo ang boyfriend ko Leah kung ayaw mong magkaroon ng World War III. At kung ayaw mong pasabugin ko yang mukha mo !"

Sa di kalayuan, narinig ko ang boses ni Vin, papalapit na siya. Alam na niya ang nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Vin. Natatakot akong mawala yung friendship namin ni Vin. Ayoko. Ayokong mawala.

"Anong nangyayari dito Anna, Leah ?"

"Yang magaling mong bestfriend, inaagaw ka sakin. Narinig kong sinabi niya kay Ethan ang lahat. May gusto siya sayo. Sisirain niya ang relationship natin Vin. Sisirain niyang babae na yan !"

"Leah ? Tama ba ang lahat ng mga narinig ko? I thought mag-bestfriend lang tayo.."

"Vin, Let me explain." 

"Hindi na kailangan Leah. Layuan mo nalang muna ako. Ayoko ng marinig ang lahat. Tara na Anna"

"Vin ! Ganon na lang ba kadali yon ?"

"Ang alin ? Leah, ikaw ang sumira. Hindi ako. Kaya wag mo akong sisihin."

"Pakinggan mo muna ako."

"Shut Up Leah ! Tama na ! "

Heto na ang kinakakatakutan ko. Nalaman na niya ang lahat. Ang sakit pala pag sa kanya nanggagaling na layuan ko na siya. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong umiyak. Bakit ba to nangyayari sa akin? Nawala sa akin ang bestfriend ko. Hindi ko kakayanin.

"Leah, tara na. Ihahatid na kita para makapagpahinga ka na." pag-aaya ni Ethan.

"Bakit ganon Ethan? Kahapon lang, ang saya pa namin. Kumain at naglaro sa Luneta. Tapos ngayon, anong nangyari? Kung ikaw ba si Vin at nalaman mong may gusto ako sayo, lalayo ka din ba ? Ganito din ba ang gagawin mo ? Sasaktan mo din ba ako ?"

"Leah, alam mo ang sagot dyan. Siyempre hindi."

Mahirap ba akong intindihin ? Bakit ganon ? Alam kong kilala ako ni Vin, pero bakit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makapag-paliwanag. Alam niyang hindi ako ganoong tao. Hindi ako naninira ng relasyon. Masakit. Masakit isipin na nawala si Vin bilang kaibigan ko ng ganong kabilis lamang.

"Huwag ka mag-alala Leah, kahit na nawala si Vin sayo, nandito parin naman ako. Hinding hindi ko gagawin yung ginawa sayo ni Vin." pagpapakalma niya sa akin.

Si Ethan ang kasama ko nung umiiyak ako. Siya yung nagtiyaga sa akin na mag-alaga. Siya yung bago kong kasama ngayon. Pero kahit na ganon, hindi parin mapapalitan si Vin. 

"Alam mo Ethan, sobra akong nagpapasalamat sayo. Lubog na Lubog na ako nung nasaktan ako sa mga sinabi ni Vin, pero pilit mo akong inaangat. Pinapakita mo sa akin na kaya kong mabuhay kahit wala siya. Sayo ko nasasabi ang lahat. Nakikinig ka sa mga pagdadrama ko. Sa bandang huli pala, ikaw yung makakasama ko sa lahat ng to."

"Don't worry leah, kakausapin ko si Vin na ayusin niyo to. Alam ko naman na hindi mo magagawa yung iniisip niya eh. Nadala lang siguro siya sa galit."

"Salamat Ethan"

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon