"Uy bes ! Kita tayo mamaya sa canteen. Sabay tayo kumaen" pag-aalok ko sakanya.
"Ah, sorry bes, next time nalang, may date kasi kami ni Anna. Bukas ? Your treat ! Hahaha ."
"My treat talaga ? Eh ikaw na nga tong tumanggi sa alok ko ngayon."
"Sige na nga, My treat na bes." paglalambing niya.
Alam ko ang limitasyon naming dalawa. Hanggang mag-bestfriend lang talaga kaming dalawa. At wala nang mas hihigit pa doon. Nagseselos ako sa tuwing ipagpapaliban niya yung paglabas naming dalawa para lang makasama si Anna. Nga naman, siya ang girlfriend at bestfriend lang ako. Hayyy ! Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. It must be Love !
Paglabas ko sa last subject ko, nagpasama nalang ako kay Ethan. Siya yung second bestfriend ko sa campus. Sa kanya ko nasasabi ang lahat ng nararamdaman ko para kay Vin. Sa kanya ako humihingi ng advice sa tuwing naguguluhan na ako sa nangyayari. Sabi niya, mahal ko na daw talaga si VIn, pero hindi pwedeng mangyari yon. Alam kong sa bandang huli, masasaktan lang ako. Hindi ako pipiliin ni Vin. Hindi niya ipagpapalit ang 2 years na pagkakaibigan namin sa 4 years nilang relasyon ni Anna. Hinding hindi.
"Ethan"
"Bakit Leah?"
"Thank You ha ?"
"Para saan ?"
"Kase lagi kang nandyan para sa akin pag wala si Vin. Kahit na second bestfriend kita, nandyan ka pa din sa akin. Never mo akong iniwan."
"Wala yun. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin eh. Mahal kaya kita"
"Nako Ethan ! Ayan ka nanaman eh. Hindi ka lang chickboy, mangbobola ka pa."
"Gumagabi na Leah, ihahatid na kita."
Katulad nang kay Vin, magaan din ang pakiramdam ko kay Ethan. Alam kong hindi niya ako iiwan. Halos magkapatid na nga ang turingan namin sa isa't-isa. Ang sarap sa pakiramdam na may bestfriend kang hindi ka iiwan. Minsan sinabi niya sa akin, hindi daw muna siya mag-girlfriend hangga't wala akong boyfriend. Ayaw daw kase niyang mag-isa akong lumalabas, kumakain sa canteen. Pag wala si Vin, lagi siyang nandyan para sa akin.
"Maraming salamat Ethan sa paghatid, ingat ka :)) "
"Sige. Good Night Leah."
BINABASA MO ANG
That Should Be Me
RomanceSa panahon ngayon, uso na ang boy-girl na mag-bestfriend. At sa panahon din natin ngayon, uso na din ang ma-inlove sa bestfriend mo. What If may girlfriend na siya, Will you fight for your feelings at kaya mo bang i-sakripisyo ang pagkakaibigan niyo...