Chapter 4 - When you're gone

14 0 0
                                    

Ansakit sa part ko na nawala ako ng isang kaibigan na katulad niya. Siya yung tipo ng kaibigan na handang mag-advice sa lahat ng oras. Lagi kong karamay sa ups and downs ko. Siya ang lagi kong pinagsasabihan ng secrets ko. Siya yung tipo ng kaibigan na pag alam niyang malungkot ako, handa siyang maging clown ko para pasayahin lang ako. Sa twing nagkakatampuhan kami, lagi niya akong dinadala sa Luneta at pinagluluto ng paborito kong carbonara. Hindi ako nauubusan ng tawa at hindi ako napapagod ngumiti kapag kasama siya. Feeling ko, napaka-laki ng nawala sa akin.

"Good Morning ate Leah ! May sundo ka :)) " bungad ng cute kong kapatid.

"Ha ? Sino ?"

"Hindi ko alam. Nandyan siya sa Dining room, inaya na ni mama kumaen ng breakfast"

"Sige, susunod na ako."

Hindi kaya si Vin yon ? Ang ibigsabihin ba nito ? Bati na ulit kami ? O baka naman, nandito siya para awayin ako. Para ipaalam sa  parents ko ang nangyari kahapon. Nako Leah ! Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ganoong tao si Vin, alam mo yan.

"Vin, anong ginagawa........"

"Leah, have a sit. Inaya na ako ng mommy mo na mag-breakfast."

"Ah, ikaw pala Ethan. Sige, kaen ka lang. Ano nga palang meron ? Wala naman tayong klase ngayon ?"

"Aayain lang sana kita na magpunta sa Luneta."

"ha ? "

Luneta. Doon ang place namin ni Vin kapag lumalabas kami. Memories. Hayyy . Buhay nga naman.  Leah ! Tumigil ka na please ?

"Ayaw mo ba sa Luneta ? Sige, uhm sa Mall nalang ?"

"Ah, hindi, sige. Kahit saan, ayos lang"

Sa Luneta ang tuloy namin. Nag-ikot-ikot kami. First Time daw ni Ethan na makapunta sa Luneta. Hindi ko alam kung sang lupalop ba siya ng maynila nakatira at bakit First Time lang niya makapunta sa Luneta. Kaya pala dito niya ako dinala. 

Masakit pala, naaalala ko yung mga panahon na dito ako dinadala ni Vin kapag nagkaka-tampuhan kami. Kumakaen tapos maglalaro na. Naaalala ko pa noon, daig pa namin ang mga bata kung mag-habulan. 

"Muka namang hindi ka nag-enjoy. May gusto ka pa bang puntahan ?" 

"Ha ? Nag-enjoy naman ako ah."

"Panong nag-enjoy ka ? Eh buong araw kang nakatulala."

Iniisip ko lang si Vin. Siguro masaya ako kung kasama ko siya. Siguro buong-buo ang araw ko ngayon. Bakit na nangyari pa to ? bakit ba nalaman pa niya ang lahat. Kasalanan ko to. Kasalanan ko.

"Hoooooy Leah ! Tulala ka nanaman ! Ano bang nangyayare?"

"Vin. Vin !"

"Leah, si Ethan to."

"Hindi Ethan. Nakita ko si Vin. Sandali lang."

"Leah !"

Tumakbo ako papalapit kay Vin. Hindi niya kasama si Anna. Siya lang mag-isa. Hindi ko alam kung bakit siya nagpunta ng mag-isa dito. Sa pagkaka-alam ko, ayaw niyang pumupunta ng amusement  park kapag mag-isa lang siya. Naaalala niya kase nung bata siya. Nawala siya sa National Museum. 

"Vin"

"Sorry Miss, hindi ako yung Vin na tinutukoy mo. Ako nga pala si Karl."

"Wala akong pake sayo kung sino ka man."

"Ang sungit naman nito.!"

Ang tanga ko talaga. Alam ko namang hindi magpupunta si Vin dito. Napahiya pa tuloy ako. Leah, stop thinking about him. Kung magkakaayos man kayo ni Vin, bahala na ang tadhana na gumawa non. Ginagawa mo lang tanga ang sarili mo kung tuluyan ka paring aasa na magkakaayos kayo ni Vin.

"Nakita mo ba si Vin?"

"Hindi. Iba pala yung nakita ko."

"Okay ka lang? Gusto mo bang umuwi na para makapag-pahinga ka na?"

"Pano ka ? First time mo pa naman dito tapos hindi naman tayo magtatagal."

"Ayos lang ako. May susunod pa naman. Hindi pa naman siguro to ang huling pagpunta ko dito sa Luneta. Ang mahalaga ay ikaw. Ihahatid na kita."

"Salamat Ethan." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon