Chapter Nine

27 2 0
                                    

Saphire's POV

"Hey.." pumasok si Heaven sa kwarto na gagamitin ko this night. I didn't want to go home. Hindi naman alam nila daddy na hindi ako umuwi kasi nasa ibang bansa ulit siya kasama si mommy.

I smiled at her and she sighed. "May problema ba?" I asked worriedly. Alam kong iniisip parin niya yung tungkol sa totoong nanay ko. Hindi ko masabing wag na niyang isipin yun kasi kahit ako, iniisip parin yun. Kumbaga, big deal samin yun.

"I want to tell you something." I nodded. She sat on the bed and so do I.

"9 years old ako nung magumpisa lahat. Dad had a mistress. Binubugbog niya si mommy at kung minsan, pati ako."

Di ako makapagsalita. Ngayon lang siya nagopen ng ganyan. Yung seryosong part ng buhay niya. Oo, sinabi niya sa nakapatay siya noon at ang tatay niya ang nakulong pero hanggang dun lang yun. Wala ng ibang info.

"Mom was pregnant that time kaya minabuti niya na umalis. Sabi niya babalikan niya ko at ilalayo sa tatay ko pero hindi niya yun ginawa. She just left me." Yumuko siya at pinunasan yung mukha niya. Alam kong may tumulong tubig sa mga mata niya.

"Three years had passed. Binubugbog parin ako ni daddy. Wala akong magawa. Then one night, umuwi siya kasama ang isang babae." She looked at me and looked away again.

"That was the woman I killed."

I blinked twice. That was my mom.

Hindi ko nakilala ang tunay kong ina. Hindi ko siya nakita o kahit narinig. Wala akong idea kung ano ang itsura niya o yung ugali niya.

As her daughter, I should miss her right? But I just can't. I know deep inside me, I love her. Ofcourse, I do. She was my mother. Pero hindi ko kayang ma-miss siya. Wala akong nararamdaman na ganun.

"She has a dark brown eyes like yours. Mahaba at kulot sa baba yung buhok niya. I thought she was bad as my father. Pero hindi eh. Kahit isang beses ko palang siyang nakita, alam kong mabait siya. Ang bright ng ngiti niya." Tumingin siya sakin at ngumiti. "Parang sayo."

"That night, nagising ako dahil may nagsisigawan. Si daddy at yung babae. Lumapit ako sakanila para awatin sila pero iba ang nangyari. Sinampal ako ni daddy kaya bumagsak ako sa sahig. I saw a knife. Biglang lumabo yung paningin ko. Pumikit ako and saw my mom. Binubugbog siya ni daddy. Then I saw myself. Binubugbog din yun ni daddy. I held the knife and stood up."

She paused because we heard something. "Sa labas ata." Sabi niya.

Tumayo kami at pumunta sa gilid ng bintana. Tumingin kami sa labas at nakitang may mga taong naka-itim na nasa labas ng bahay. Sino sila?

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Katie.

"Let's get out of here."

Pagkasabi niya nun, kinuha ko ang baril ko at bumaba na agad kami. Naabutan namin si Nathan at Jace na nakabantay sa pintuan habang may hawak na baril.

"Emergency exit." Jace mumbled and then Katie pulled. Anong emergency exit? Saan yun?

"Anong nangyayari?" I asked while we were running.

"Nahanap na nila si Heaven." Kumunot ang noo ko. Sinong sila?

Inalis niya yung carpet sa sahig dito sa kusina at hinila yung handle ng parang pinto. Di ko alam na meron palang ganto dito.

Bumaba kami doon at sinara ni Katie yung pinto. We ran again.

"S-sinong nakahanap kay Heaven"

Tumigil si Katie sa pagtakbo kaya tumigil din kami ni Heaven.

"Your parents, Saphire."

M-my parents? Anong kailangan ng parents ko kay Heaven? Ang pagkakaalam ko nasa ibang bansa sila ah?

"What do you mean?" Tanong ko ulit. Di ko maintindihan ang mga nangyayari.

First, I knew dad was angry to Heaven because she murdered my biological mom pero parang ang weird diba? I mean, ganun ba kababaw yung galit ni daddy para magalit kay Heaven ng dahil lang dun?

Kaano-ano ba ni daddy ang tunay kong ina?

That is the question I need dad to answer. Tinanong ko na sakanya yun pero di niya ako sinagot.

Second, bakit nila ipapahanap si Heaven? May kailangan ba sila sakanya? Anong gagawin nila sakanya?

"Ewan. Basta Nathan told us that we need to keep Heaven away from your family."

Napayuko ako. Heaven needs to stay away from my family...from me. Napaisip tuloy ako kung pano siya nahanap ng parents ko or kung sino man yung nagpadala ng mga tao sa labas ng bahay. What if nahanap si Heaven kasi pumunta ako dito? Sa tinagal-tagal nilang nakatira dito, ngayon lang sila nagkaron ng problema na ganto. Pano kung kasalanan ko nga ang nangyayari ngayon? Pano kung mapahamak sila? This is all my fault. I feel like I hate myself.

Heaven squeezes my hand and pulled me. We stopped at the end of the tunnel. Umakyat si Katie sa hagdan at binuksan palabas yung parang pintuan. Lumabas kami. Lumingon-lingon ako. Puro damo yung nasa paligid.

"Where are we?" Tanong ko.

Tinuro ni Katie yung wall na mataas. "Yan yung likod ng bahay ng tapat na bahay ng bahay na nasa likuran ng bahay namin." Natatawang sagot niya.

Napailing nalang ako habang nakangiti. Actually, di ko siya naintindihan.

"Baka naintindihan." Natatawang sabi ni Heaven.

Naglakad kami papunta sa kalye.

"Nanjan pala kayo." Napalingon kami sa nagsalita.

Lalaki na nasa 40's na. May balbas siya pero hindi masyadong madami. Malaki yung katawan niya at all black yung suot niya. Nakita ko ring may baril siya sa kaliwang kamay.

"No..."

Napalingon ako kay Heaven. Nanginginig siya na parang takot na takot siya. Yung mga mata niya parang maiiyak siya. Anong nangyayari?


Tumawa yung lalaki kaya napatingin kami sakanya.


"Did you miss me, my daughter?"


XXXXXXX

-FairyWoman

Memories in the Past [H I A T U S]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon