MALAYA KA NA
Heto na naman ako
Binabalikan bawat ala-ala mo
Wala namang bago
Lagi nalang akong taloSa Araw-araw na bangayan
Simpleng bagay na pinagaawayan
Minsan nauuwi na sa sakitan
Pasensya na sa aking kakulitanPaumanhin kung nagkulang ako
Nag kulang ako sa tungkulin ko sayo
Sa pinapangarap mong mundo
Dahil kailan man hindi tayo magkasundoSabi mo mahal mo ko diba?
Pero paano kung pagod ka na?
Nais kong sumaya ka
Ngunit sa aking pamamaraan mukang malabo naHindi ako manhid para hindi makita
Nakikita ko yun sa iyong mga mata
Na ayaw mo na talaga
Ayokong ipag sa walang bahalaBatid mo kung gaano ka kahalaga sa akin
Pero ano ang aking gagawin?
Nasasaktan at nasasakal ka sakin
Masakit man sa damdaminAng makitang ipinipilit mo pa
Kahit alam mong na ayaw ko na
Huwag ka nang magpaka hangal
Tama na mahalTanggap ko na ang katotohanan
Na hanggang dito nalang ating pag mamahalan
Di ko nais na ika'y masaktan pa
Siguro nararapat na tapusin naMahal kita pero MALAYA KA NA!

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ПоэзияThis work is all about poerty only in Tagalog and English..