Kahit hindi na ako
Naa-alala ko ang mga araw na kasama kita
Kasabay na tumawa sa mga kwetong walang kwenta
Sa kung paapano mo akong titigan
Tila ba sinasabi mong hindi mo na ako kaya pang pakawalan
Pero,Mahal bakit may nabubuong pag dududa?
Kasi kung mahal mo ako wala naman to diba?
Ako lang ba?O sadyang may iba na talaga?!
Dahil nakita kitang masaya na hawak ang mga kamay niya
Mahal wala ito sa plano
Akala ko ba ako lang ang mahal mo?
Tila sa iba na imiikot ang mundo mo
Dahil nandyan na siya at wala na ako
Ipaliwanag mo naman
Nang sa gayon hindi ako nasasaktan at nag daramdam
Ano bang ginawa kong mali?
Bakit hindi mo ako mapili-pili?
Kasi kahit hindi na ako
Kahit hindi na ako mag papaubaya ako
Kung saan ka sasaya
Hindi na ako hahadlang pa
Bibitaw na kahit masakit
Sa mga pangakong ako nalang ang nakakapit
Hindi ko na ipipilit
Nakakapagod na rin namang mangulit
Tatalikod,at lihim na pupunasan ang mga luhang taksil
Taksil na tumatakas sa aking mga mata nang walang tigil
Kasi kahit hindi na ako
Kahit hindi na ako mag papaubaya ako
Kahit hindi na ako,okay lang.

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ПоэзияThis work is all about poerty only in Tagalog and English..