CHAPTER 10

12 4 2
                                    

LAST MESSAGE

"So, ano na? Kayo na ba? Yieeee"

Tumango ako sabay takip sa mukha gamit ang unan dahil hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

"Ay bakla. Na ol. Nagwagi ang 8 years na paghihintay."

"Stay strong. Pag-umiyak o kahit isang butil lang ng luha ang lumabas dyan sa mga mata mo kakatayin ko yung lalaking yun kahit mahal mo pa." banta ni Dane sakin habang kumukuha ng pizza.

"Brutal mo."

Nagbonding lang kaming apat. Kumain at nanood. Nagsleep over rin kami.

Inayos ko ang kalat naming ng marinig ko ang pagvibrate ng phone ko.

Sumilip ko yung tatlo kung tulog na bago ko siangot ang tawag. Lumabas ako para pumunta sa balkonahe.

"Hello."

"I miss you."

Tumawa naman ako ng mahina dahil sa unang salitang bumungad sakin.

"I miss you, too."

"How's your day, love?"

Umupo ako sa bangko na nandito at sinandal ang ulo ko sa headrest. Tumingin muna ako sa langit bago sya sinagot.

"Nagbonding lang kami maghapon. Ikaw ba? Kamusta studies mo?

Bakasyon ako ngayon samantalanh sya ay may klase pa.

"Tired. But hearing your voice, I feel like I have enough energy to do push ups right now."

Nagpatuloy lang ang usapan namin nang sya na ang pumutol nito.

"Love, do to sleep na. It's already late. I'll call you tomorrow. I love you."

"You too. Don't worn out yourself. I love you."

Pagkapatay ng tawag ay pumasok na ako sa kwarto at inihanda ang sarili para matulog.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock.
Wala ang tatlo kong kaibigan sa kama. Tamad akong tumayo.

Kinuha ko ang phone mo ko at nakitang wala pang tawag si Jc. Busy siguro.

Tinignan ko ang orasan and it's already 9:18 am. Nagbihis ako saka bumaba.

Nasa hagdan pa lang ako ng marinig ko ang tawanan sa living room.

Nagulat ako dahil nandon ang mga barkada ko at si Kuya Carlo.

Lumabas naman sa kusina ang lalaking kagabi lang ay kausap ko. Nakaapron ito at may hawak ng sulyaw. Kasunod nito ay si manang.

"Gising ka na pala, Iya. Halina kayo at kakain na."

Mabilis akong lumapit sa pwesto ni Jc at mahigpit na niyakap ito.

"Love, masasakal mo na ako." agad naman akong bumitaw sa kanya at hinampas sya.

"You said next week ka pa uuwi."

"Well, surprise love."

"Heh."

Tinawanan nya lang ako bago hainan ng pagkain. He kiss my forehead and murmur the word I love you.

Inaya nya akong lumabas para mag-date kaya naman eto ako ngayon nagbibihis. Sinuot ko lang ay isang floral dress at sandals. Pagp-picnic kami.

"Let's go."

Ngumiti sya sakin saka lumapit para halikan ang noo ko.

"You're so beautiful."

SENT YOU A MESSAGE - COMPLETED (UNDER REVISION - UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now