19.

80 3 0
                                    

"Saan susunod?" tanong ni Ben sa akin habang nagmamaneho ng pick up. Sumama ako sa kaniya sa delivery ngayon dahil gusto kong magpahangin muna at kahit papaano ay makalayo sa bahay.

Tiningnan ko ang listahan na naglalaman ng delivery details. Sinabi ko sa kaniya ang lugar na susunod naming pupuntahan.

"Nako, mabuti at dumating na ito. Kailangang kailangan na sa tindahan namin at marami ang naghahanap," ani ng tindera nang kunin ang order.

"Opo, matapos po kasing gawin, inaayos agad ni lola para mabilis na po ang delivery. Salamat po," ani Ben.

Ilang lugar pa ang pinuntahan namin. Ngayon kasi ay maraming tindahan ang nag-oorder ng mga tinitinda ni Nanay Lucy. Ang balak daw nila ay magpatayo na ng kahit maliit na pagawaan para mabilis. Si Nanay Lucy at ilang empleyado lang kasi ang gumagawa ng mga idine-deliver.

Marami rin ang gusto ng mga gawa ni Nanay Lucy kaya maraming tindahan ang umo-order. Sa edad ni Nanay Lucy at sa dami ng dapat gawin, dapat ngang gawan na ng kahit maliit na pagawaan nang sa gano'n ay hindi na mahirapan si Nanay Lucy.

"Boyfriend mo ba 'yong lalaking kasama mo noon?" tanong ni Ben kaya napalingon ako. Ngayon ay nagpahinga muna kami sa isang tindahan.

"Bakit?" tanong ko at sumipsip ng softdrinks na hawak ko.

Sumandal siya sa sandalan at nilingon ako. "Ilang araw ko kasing nakikita sa tindahan, pabalik-balik. Hindi mo rin kinakausap at nilalabas doon kaya naisip ko na baka may LQ kayo." Tumawa pa siya kaya napairap ako.

"Hindi ko boyfriend 'yon," sagot ko.

"Weh? Bakit gano'n ka-persistent para makausap ka?" tanong niya sa akin at itinapon ang walang laman na plastic ng softdrinks sa basurahan.

Inabot ko sa kaniya ang plastic na wala na ring laman. "Patapon nga," sabi ko na agad niya namang tinugon. Pareho kaming natahimik matapos 'yon.

"Hindi ko boyfriend 'yon..." ulit ko at bumuntonghininga. "Pero, gusto ko siya," mahinang dagdag ko.

Ben looks at me. "Oh, bakit hindi mo pinapansin? Gusto mo pala eh, anong masama?" tanong niya sa akin. Umiling ako at bahagyang ngumiti.

"Anong masama? Marami," sabi ko at sumandal na rin. Magsasalita sana ako pero, pinigilan ako ni Ben. Nagulat ako nang ilabas niya ang phone niya at may pinindot.

"Oh? Tuloy mo na. Nag-vibrate lang 'yong phone ko, may message. Sige, ituloy mo na," aniya habang nagpipindot sa cellphone niya.

Hindi ko nalang pinansin ang ginawa niya at muling bumuntonghininga. "Gusto ko si Kobi pero, maraming hadlang..." panimula ko. He nodded and urged me to continue.

"Ang daming nagkakagusto kay Kobi na mas lamang kaysa sa akin, anong laban ko sa kanila? Wala akong maipagmamalaki sa kaniya. May binubuo siyang pangalan, kilala siya ng lahat tapos ako, wala lang. Parang tambay lang." Natawa ako nang bahagya.

"Isa pa, my sister likes Kobi..." sabi ko. Nakita kong nagulat siya pero, nabawi din agad.

"Eh, ano naman kung gusto niya 'yung lalaki? Hindi naman siya kilala no'n," aniya.

Nagkibit balikat ako. "Gusto siya ni Aira. Hindi mo ba pansin? Mas maganda sa akin si Aira, mas matalino, mas may ipagmamalaki... anong laban ko?"

Ben sighed. "Wala naman sa itsura 'yan, Lein. Bakit nag-iisip ka ng ganiyan? Bakit mo pinapangunahan si Kobi?"

Natawa ako at nilingon siya. "Kung makapagsalita ka naman, parang may chance ako kay Kobi ah," sabi ko. Tumatawa pa ako na parang may birong binitawan si Ben pero, deep inside, humihiling ako.

Behind Every Smiles (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon