22.

87 3 0
                                    

trigger warning: violence

Days and weeks passed by so fast. Naging abala si Kobi sa trabaho niya. Hindi ko na rin nagawang sabihin ang sagot ko pero, one of these days before he leave, sasabihin ko sa kaniya at gaya ng sabi ko, hihintayin ko siya.

Nagpatuloy ako sa pagtulong kay Nanay Lucy at Ben sa pagtitinda at sa delivery. Ang tatlong libong nawala ay nabawi ko at sinigurado kong nasa akin 'yon. Hindi ko inilagay sa dating lalagyan dahil, ayokong maulit ang nangyari.

Kapag umuuwi ako sa bahay, tahimik lang pero, ipinagtataka ko ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ng kapatid ko tuwing magkakasalubong kami. Hindi ko maintindihan.

Tahimik akong gumagawa ng gawaing bahay. Naging malamig ang pakikitungo sa akin ni mama at hindi ko rin alam kung bakit. Although, sanay naman ako sa gano'n pero, ipinagtaka ko kung bakit masama lagi ang tingin sa akin ng kapatid ko. Para bang may napakalaki akong kasalanan sa kaniya.

Dumiretso ako sa kwarto matapos maglinis ng bahay. Naupo ako at tiningnan ang cellphone ko. May chat doon si Kobi kaninang umaga pero, nagpaalam siya na baka maging abala siya ngayong araw sa trabaho kaya hinayaan ko na. Malapit na rin kasi ang alis niya, sa isang linggo na.

Gusto kong makita siya para sabihin na ang sagot ko pero, ayoko namang abalahin siya sa trabaho. Mas lalong ayokong sa chat sabihin.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakaupo doon hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Napaangat ako ng tingin at nakitang pumasok ang kapatid ko. Masamang tingin agad ang ipinukol niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko, nagtataka sa masamang tingin niya.

"Didn't know you're like that," aniya at lumapit sa akin.

Napatayo naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating.

"Ano? Bakit?" tanong ko sa kaniya pero, nagulat ako nang sampalin niya ako. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya na halos maiyak na.

"Anong ginawa ko?" mahinang tanong ko.

Aira pushed me until I fell on the floor. Sinampal niya akong muli at dahil sa gulat ay hindi ko nagawang lumaban. Patuloy siya sa pagsampal sa akin at nang matauhan ay sumubok akong lumaban.

"Ano ba! Anong ginawa ko?!" sigaw ko pero, sinabunutan niya ako. Para siyang galit na tigre kung umatake. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya.

"Napakalandi mo!" sigaw niya sa akin at muli akong sinampal. Nang mapuno ay naitulak ko siya kasabay ng muling pagbukas ng pintuan ng kwarto.

"Valkyrie Lein!" Dumagundong ang malakas ng sigaw ni mama. Nang lingunin ko siya ay isang nagbagagang tingin ang ipinukol niya sa akin.

Bumalik ang tingin ko kay Aira at nakitang umiiyak siya. Nagmistulang kawawang tupa siya nang makita si mama pero, kanina ay halos patayin ako sa mga atake niya.

Napatawa ako nang mahina. Ano na naman ito? Ako na naman ang may kasalanan?

"Anong ginagawa mo sa kapatid mo, ha?!" galit na tanong ni mama at lumapit kay Aira. Inalalayan niya ito patayo at inayos ang magulong buhok niya bago bumaling sa akin.

"Sumagot ka!"

Nanginginig akong bumuntonghininga. "Ma... hindi..." Umiling ako para ipagtanggol ang sarili ko. "Hindi ako ang nauna..." sabi ko pero, nagsalita ang kapatid ko.

"Sinungaling ka! I-ikaw ang unang nanakit! Pumunta... pumunta lang namana ko dito sa kwarto mo para... para humingi ng tawad pero, sinaktan mo ako!" aniya kaya gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko.

Behind Every Smiles (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon