Bola

6 0 0
                                    

Sa unang tapak sa lupa
Para ba'ng ayoko na makakita sa magulong mundo
Pinilit pumikit pero ito'y nakakapit
Hindi pag-kakaila ng dalawang bola na hindi nakakapag-salita na ayaw ko na
Biglang napahinto sa busina
Aking nadama na may biglang bumulong
"Wag ka makikinig sa ingay nila."

Sambit ng ilan,
Sa mundong ito sarili lamang aakay sayo
Sa pagkadapa ikaw ang tatayo lamang
Sa sukdulan na sakit, pwedeng ipahinga ngunit hindi para umayaw.
Tumakbo ako ngunit saan ako papunta?
Ako'y nalito,
Ano nga ba ang aking papaniwalaan?
Hihinto ba o ipag-papatuloy ito?

Sa aking pag bangon,
Hawak ang bolang umiikot sa aking hintuturo.
Turo kung saan ako titigil
Babagsak ba o i-aangat?
Tila pinapaikot-ikot lamang ako ng problema.
At sa pagkakataon na ito,
Hindi na para hayaan ikutin ang nagulong utak.
Sapagka't natuto na sa pag-pasok ng bolang binobola niyo.

-Palaisipan
-Takipsilim
-Yeng 🤍

TAHIMIK NA LABANWhere stories live. Discover now