NC G!

15 1 0
                                    

Sa mga panahong malabo
Masayang nakatagpo mula sa mga taong nakilala.
Halakhak dito, halakhak doon
Hindi man ako paborito ng mundo
Ako'y naging paborito nilang kalaro

Ilang araw at sandali na lamang
Tayo ay makikipag-laro na sa totoong buhay
Masaklap na kabilang parte sa reyalidad

Oo, kalaro ko lamang kayo
Ngunit, kayo rin ang nagturo paano makipag-laro sa hamon ng buhay.
Sa maraming pagkakataon, sinubok ako
Isa kayo sa mga hindi nawala sa tabi.
Malayo man tayo sa isa't - isa, ngunit ang puso niyo ay lumilinya sa aking puso

Ako ay pina-upo niyo at pinag-pahinga
Sabay sambit na,
"Magiging maayos din ang lahat"
Literal na WELL PLAYED!

Salamat!
Dahil nanatili at mananatili ka pa
Lalo sa pagkakataong kailangan ko ng kasama, ng makikinig at mag papatahan.
NICE GAME GUYS!

-Yeng 🤍

TAHIMIK NA LABANWhere stories live. Discover now