Tulong!

6 0 0
                                    

Nandito ako sa loob ng apat na sulok ng kwarto
Kadiliman at Katahimikan ang tanging kasama
Hindi ko mawari,
Sobrang sakit ng nararamdaman
Tila ba hindi na sisikatan ng araw

Nandito ako sa loob ng apat na sulok ng kwarto
Madilim at Tahimik walang makaririnig sa tuwing ako ay may daing
Nakaka-praning,
Bakit ba paborito ako bigyan ng ganitong damdamin? Napaka daling mag tanim.
Sigaw ng isip, tulong!
Ngunit ako'y nakulong sa madilim na nakaraan at patuloy na hinahanap ang liwanag ng kahapon

Sa loob ng apat na sulok ng kwarto
Sa isang sulok, tanaw ang paboritong ako
Sa pangalawang sulok, alam na walang kasiguraduhan
Sa pangatlong sulok, umaasa sa malabong mundo
Sa pang-apat na sulok, bukas sasabayan muli ang araw, ngingiti at ikukubli sa bawat sikat nito.

-Takipsilim
-Palaisipan
-Yeng 🤍

TAHIMIK NA LABANWhere stories live. Discover now