Chapter 2

6K 159 3
                                    

Chapter 2

Damn it! Where on earth am I? Jusko! Sinabi ko sa taxi yung address ng bago kong school at nakarating naman ako dun. Gabi narin nung makarating ako at ang masama pa dun ay nakalimutan kong wala pala akong matitirhan.Kaya naman naglakad-lakad nalang ako. Pero mas lalo pa akong naligaw. Bakit ganito? Ang hirap naman ng walang driver! Di ko akalain na ganito pala kahirap kapag wala yung support nila Daddy.

Maybe I should come back.. NO WAY!! Nandito na ako bakit pa ako aatras? Ayan na oh, malapit ko na makamit ang kalayaan na matagal ko nang inaasam.

Pero gutom na ako. Napa-upo nalang tuloy ako sa gilid ng kalsada. Wala nang masyadong dumadaan na kotse dito. Siguro nasa isang private subdivision na ako kasi malalaki yung mga bahay eh at tsaka wala masyadong maingay sa mga kalye.

"Okay ka lang ba, Miss?" Tumingala naman ako para tignan kung sino yung kumausap sakin na walang common sense. Duh, naka-upo na ako at mukha na akong desperada dito tapos tatanungin pa ako kung okay lang ako.

Nagulat naman ako na isang babae lang pala. Siguro nasa mga 30-35 years old na siya. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko mukha naman kasing mabait 'tong si Ate.

"Tayo ka na diyan. Madumi diyan." Sabi niya habang inaalalayan niya akong makatayo.

"T-thank you po." Sabi ko habang pinapagpagan yung pwet ko.

"Anyway, bakit ka nga ba nakaupo diyan? Are you lost?" Tanong niya. Ako lang ba yun o parang aso yung tingin niya sa'kin?

"Ahh, opo. Kasi kakalipat ko lang ng school. I forgot na wala pala akong matitirhan kaya naghanap ako. Sa sobrang pagod ko ay nagpahinga nalang muna ako dito." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit parang malapit ko nang ikuwento sa kanya lahat ng mga naranasan ko ngayong araw.

"Perfect! May-ari ako ng isang boarding house. Gusto mo ba dun ka nalang sakin?" Tanong niya.

Boarding house? Ang alam ko kapag boarding house nasa iisang bahay lang kayo nakatira. Hmm, okay na ba yun? But, yun lang ang meron ngayon so may choice pa ba ako? And maybe this is a sign from God na tama nga ang ginagawa ko!

"I'll check." Sabi ko.

"I'm Mary by the way. You can call me Tita Mary. Malapit lang dito yung boarding house ko. And may isang nakatira dun pero bihira mo lang naman siya makikita." Sabi niya.

Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa boarding house na sinasabi niya. Kwento lang siya ng kwento na finally may babae narin na titira sa bahay niya. Kasi yung pamangkin lang daw niya na lalaki yung nakatira dun at boring daw kasama kaya matagal na niyang gustong magkaroon ng babae na boarder.

Tinanong ko naman siya kung bakit walang babae na boarder, ang sagot lang niya ay ayaw daw niya sa mga babae na gustong tumira dun kasi pinagnanasaan daw yung pamangkin niya. Pero sabi niya she'll make an exception for me kasi mukhang desperada na daw akong magkaroon ng matitirhan.

Hmm, ganun ba ka-gwapo yung pamangkin niya?

"Were here!!"

Woah! Ang laki ng bahay! Its a mansion!! Ang laki ng bahay niya pero bakit silang dalawa lang yung nakatira dito. It doesn't look a bit like a boarding house! Hindi nakisabay sa mga uso na disenyo ngayon ang bahay na 'to. It looks old but very sturdy. Kumbaga, parang lumang palasyo.

"Pasok ka na. Come here, come here." Sabi niya at hinila na ako papasok ng bahay.

As far as I remember, ang sabi ko sa kanya iche-check ko lang yung bahay. Bakit parang pinapatira na talaga niya ako dito? Pero sabagay, maganda nadin naman 'tong mansion.

"Magkano naman po dito per month?" Tanong ko.

"Dahil cute ka sige bibigyan nalang kita ng discount. And don't worry, ako naman yung nagluluto ng meals niyo for the day. So basically, parang ako yung nanay niyo dito." Sabi niya na may malaking ngiti sa mukha.

Ang swerte siguro ng magiging anak niya. Pero bakit nga ba wala siyang anak? Kasi kung bibigyan ako ng chance na magkaroon ulit ng nanay, gusto ko yung kagaya niya.

"Its almost 11 pm, you should go to your room na. I'll tour you around the house and the city tomorrow. Hindi ka naman agad papasok bukas di ba?" Tanong niya.

"Hindi po. Kasi I still have to buy my stuff. And yun nga I still have to be familiar with the place." Sagot ko.

"Well then, let's go to your room." Sabi niya at hinila na naman niya ako.

Dumeretso kami sa second floor at pumunta sa isang kwarto na white yung pinto. Katapat naman ng kwarto na yun ay isang kwarto na may brown na pinto.

"May nakatira po ba diyan?" Tanong ko.

"Ahh, diyan nakatira yung pamangkin ko. Siguro tulog na yan ngayon. Actually parehas kayo ng school. Madalang mo lang siguro siya makikita, unless sabay kayong papasok at uuwi from school." Sagot niya.

Tumango-tango naman ako. Siguro unsociable yung pamangkin niya.

Anyways, pumasok na ako sa kwarto ko daw. Well, its cute. Yung interior ay suitable para sa mga babae. Grabe, parang normal na bahay nga lang eh. I wonder if she's always like this, welcoming strangers into her boarding house na parang lahat ng stranger na makikilala niya ay mabait kagaya ko.

"Well then, I'll see you tomorrow. Good night!!" Sabi ni Tita Mary then she went outside.

Dumeretso naman ako sa kama ko at humiga. I am so tired. Ang swerte ko kasi nakahanap ako ng matitirhan na cute yung kwarto at mabait yung may-ari. Ipagmamayabang ko 'to kila Daddy pag-uwi ko. Gusto ko na ngang sabihin ngayon kaso syempre di ko sila pwedeng tawagan.

So tomorrow, I'll go around the city with Tita Mary kaya naman matutulog ako ng matutulog ngayon para may energy akong maglakad-lakad bukas. Mukhang maganda ang syudad nila dito so I can't wait to walk around. 

Devil Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon