Chapter 5
Almost an hour na nung nagsimula yung pagtuturo ni Spade sakin. Haaay, ang gwapo niya habang sinasabi yung mga formula sakin. Maybe it was a bad idea na siya yung magturo sakin kasi hindi rin naman ako maka-concentrate.
"Subsitute mo lang yung value dito, tapos tsaka mo i-solve." Sabi niya habang nagsusulat sa papel.
Grabe ang gwapo niya. Di ko maiwasan na tumitig lang sa kanya. nakaka-touch naman kasi nage-effort talaga siya para turuan ako. Well, yung sinabi niya kanina na pagkatapos nito ay wag ko na daw siyang kausapin, wag natin pansinin yun.
"Naintindihan mo?" Napatigil naman ako sa pagde-day dream ko nung tanungin ako ni Spade kung gets ko daw ba.
"Yung ano?" Tanong ko naman.
"Don't tell me hindi ka nakinig sa lahat ng sinabi ko sa buong oras?" Nakasimangot na tanong niya sakin.Oh shiz, oo nga, hinid ako nakinig sa kanya kasi tinitigan ko lang yung gwapo niya na mukha.
"He-he." Tumawa tawa lang ako. He's right, hindi nga ako nakinig sa kanya. Oh noes, baka maturn off siya kapag pinasagutan niya sakin yung mga questions na ginawa niya.
"Seriously? Ugh, Whatever! Just answer this." Sabi niya at nilapag sa harap ko yung mga papel. "I spent an hour just to teach you tapos hindi ka manlang nakinig!"
"Sorry, I'll answer it, right away." Sabi ko at kinuha na yung mga papel.I think Spade's mad. Syempre, nag-effort siyang turuan ako tapos di ako nakinig. Aww, I'm so kilig.
"Whatever, naturuan na kita. I'm done here." Sabi niya at tumayo na para makaalis ng kwarto ko.What the hell? Ito na ba yun? Ang dali lang naman pala ng pinapagawa ni Spade eh. Akalako naman sobrang hirap. Natapos ko ang sandamakmak na quiz na binigay ni Spade sakin in just thirty minutes. I didn't know na ganito lang pala kadali yung subjects namin.
Haaay, its another day tomorrow. Another day with my future husband, YAY!
The next morning, sabay kaming nag breakfast ni Spade. Umaga palang buo na araw ko. Jusko, kung araw araw ba naman makikita ko sa umaga si Spade, never nang magkukulang araw ko. Busog na nga ako eh parang di ko na kailangan kumain ng breakfast?
"Kain ka na." Sabi ni Tita.
Tumango naman ako at tumabi kay Spade. Haaaaay, best morning ever. Imagine, gigising ka tapos yung una mong makikita is yung crush mo? How cool is that?
"Goodmorning, Spade! So sabay ba tayo papasok sa school?" Tanong ko sa kanya.Padabog naman siyang tumayo dala dala yung plato niya at dumeretso sa kusina. Ni hindi nga tumingin sakin eh."I guess that's a no." Sabi ko sa sarili ko.
Tinuloy ko nalang yung pagkain sa breakfast ko.
"Tita, alis na ako." Sabi ni Spade at nag-beso beso siya kay Tita. Haay, ang genes nga naman. Maganda din kasi si Tita Mary. Gusto ko tuloy makita yung parents ni Spade, siguro sobrang ganda at sobrang gwapo.
"Sige, ingat." Sabi ni Tita sa kanya. "How about you, Vicky? Hindi ka ba sasabay sa kanya?"
"Hindi na po. May dadaanan pa kasi ako sa convenience store." Sagot ko.
Kahit gustong gusto kong sumabay, hindi pwede dahil may bibilhin pa ako sa convenience store. Bibili ako ng gamot tsaka ng inumin kasi nahihilo ako. Siguro kasi sa pagiging busy ko these past few days. Pagkatapos kong bilhin yung gamot tsaka yung strawberry drink ay dumeretso na ako sa school. Habang papasok ng school ay iniinom ko yung strawberry drink.
"Umagang-umaga yan yung iniinom mo." Biglang sulpot ni Keonna.
Favorite ko kasi yung strawberries, basta lahat ng berries favorite ko. Sabi nga nila nakakasawa daw yung strawberry kasi masyadong common pero para sakin, sobrang sarap.
"Morning!" Bati ko sa kanya.
"Its finally the first term exams the day after tomorrow. Kaya mo bang i-take yun? Hindi ka ba mahihirapan?" Tanong niya sakin. Dito kasi sa school namin tri-sem kaya tatlong beses yung finals namin per year.
"Kaya ko yun! Nagsimula narin naman akong mag-aral sa bahay so.." Sagot ko. Well, if I have Spade my love by my side, kahit ano kaya kong ipasa! Kahit anong pagsubok kaya kong lagpasan. Okay, medyo OA na pero yun nga kaya kong ipasa yung exams.
"Haaay, for sure first na naman si Spade sa buong batch."
"First?!" Gulat na tanong ko. Oo alam ko na matalino si Spade pero wow, first? Siya na! Haaay, parang bumababa tuloy confidence ko. Kaya rin siguro nakaka-intimidate siya, kasi yun nga, top 1 sa buong school.
"Yep, ever since siya na lagi yung first. Grabe, I still can't believe that such a person exists." Sabi ni Keonna.
"Ang galing ko talaga pumili ng asawa." Sabi ko naman.
"Well, with what you did to him yesterday, I don't think na may pagasa ka sa kanya." Sabi ni Keonna tapos tumawa siya.
"You'll see, magiging asawa ko din siya!!" Sabi ko kaya tinawanan lang ulit niya ako.
Days passed and finally exam day na. Hmm, I'm not confident though. Syempre di ko naman alam yung flow ng tests dito eh. Whatever, basta gamitin ko lang yung tinuro ni Spade then makakapasa ako.
Habang nagte-take ng exam ay tinignan ko si Spade na nakaupo diagonally from my seat. Halata sa kanya na nadadalian lang siya sa exam. Ang gwapo niyang tignan habang nagsasagot. Alright! I have to answer this test seriously para mapansin ako ni Spade!
Ding dong. Yada yada. Beep beep. Arf arf. Meow meow.
After a week, pinost narin nila sa bulletin board yung results ng exam. Sabi kasi ni Keonna pinopost daw ng teachers yung top 5 ng buong batch. Sabi nga niya nakakakuha daw ng special treatment yung top 5.
Sakto naman na padaan kami ni Keonna sa bulletin board at grabe naman, parang nanunuod ng concert yung mga estudyante dun dahil nagsisiksikan silang tignan yung top 5.
"Bakit ba sila nageeffort na tignan yung bulletin board eh never naman silang makakasama diyan?" Sabi ni Keonna habang nakatingin dun sa mga estudyante.
"Congrats, Spade. You're still number one." Sabi ng lalaking katabi ni Spade. I think that's his bestfriend. Adrian ata pangalan nun eh.
"Whatever, tara na." Sabi ni Spade. Mukhang napadaan lang sila dito at wala talagang balak tignan yung board. Syempre, expected naman na siguro ni Spade na siya pa din ang first.
"What?!" Sigaw ni Adrian.
"Anong problema mo?" Tanong naman sa kanya ni Spade.
"Nawala si Belle sa top 5!!" Sabi ni Adrian. Sino naman yang Belle na yan?
Nagbulong-bulungan naman yung mga estudyante. Siguro big deal kapag nawala ka sa top 5.
"Woah, first time mabago yung rankings. Tara tignan natin!" Sabi ni Keonna at hinila na niya ako papunta dun sa board. Mas lalo tuloy dumami yung estudyante dahil sa balitang nagbago ang rankings.
Parehas kaming nagulat nung nakita namin yung top 5.
1. Sebastian Pacifico
2. Claudius Vedano
3. Adrian Diaz
4. Ross Cortez
5. Victoria Fiorello
5. VICTORIA FIORELLO
Oh my god, I'M IN!
BINABASA MO ANG
Devil Next Door
RomanceVictoria is pretty and intelligent, but a bit ignorant. Strikto kasi ang tatay niya sa kanya. So she never really experienced anything outside her comfort zone and falling in love was a foreign thought to her. Handsome and sporty, 'yan naman si Spad...