Chapter 4
What a glorious day! Biruin mo nga naman, classmate ko pa si love of my life. Spade Pacifico, that's the name of my future husband. I also found out na he's one of the top students. He's also sporty. Almost perfect na nga daw. Kaya wala daw nagiging girlfriend kasi nai-insecure daw yung mga nagkakagustong babae sa kanya.Ang swerte pala niya eh. Kasi ako, I will never be insecure. Duh, confident ako sa sarili ko no!
Baka ganun din yung mga lalaki sa'kin? Insecure sila kaya di nila magawang magkagusto sa'kin? Pero bakit naman sila mai-insecure, I'm just a normal school girl.
"Vicky, that was something." Sabi ni uhm.. Keonna, I think. Narinig ko kasi yung pangalan niya from the professor kaya siguro naalala ko. Nasa cafeteria ako ngayon at mag-isang kumakain.
Siguro naweirduhan yung ibang classmates ko sakin kaya ayaw nila akong makasabay sa lunch. Whatever, sinabi ko lang naman nararamdaman kong pagmamahal kay Spade ah.
"What was something?" Tanong ko.
"Your proposal to Spade. Grabe, it was my first time seeing a girl like that. At kay Spade pa. He's famous for being a devil you know. Sa sobrang sungit pa daw naman niya." Sabi niya at tumabi siya sakin. "By the way, is Spade your reason kung bakit ka lumipat sa school namin?"
"Nope. Actually, ngayon ko lang din siya nakilala. I guess it was love at first sight!"
"Seriously? You're really one of a kind." Sabi niya. "Anyway, what school are you from?"
"Don't bother knowing. Hindi mo rin siguro alam yung dati kong school." Sagot ko. Ayoko ngang sabihin na galing ako sa all girls school. Baka sabihin niya wala akong social life no! At tsaka as much as possible, I'd like to keep my profile low. Ayoko ma-bring up yung totoong buhay ko before.
Keonna toured me around the school. Kapag nakikita ko naman si Spade my love, umiiwas siya. Tss, I know na. He's shy. Don't worry my dear Spade, you don't need to be shy dahil ako ang lalapit sayo!
And finally, its dismissal time!! Naglakad nalang ako pauwi since nalaman ko kaninang umaga na malapit lang pala yung school sa bahay. Kung san san lang talaga ako napadpad kanina kaya nagmukhang malayo.
Habang naglalakad na parang si little red riding hood ay biglang natanggal yung shoes ko.
"Miss, yung sapatos mo." Napalingon naman ako sa aking prince charming. Nagulat naman ako nung si Spade pala yun. Tignan mo nga naman ang destiny. I'm telling you, this is FATE!
"Spade my love!" Nang makita naman ako ni Spade ay binitawan niya agad yung sapatos ko. Lumapit naman ako sa kanya para kunin yung sapatos ko na nasa harap niya. "Geez, are you that speechless na pinagtagpo tayo ng destiny?"
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Sus, hindi niya ako madadaan sa ganyan. Alam ko na yan! Kunwari sa una mataray, tapos yun pala may gusto na siya dun sa babae. Pero dahil yun ang trip ni Spade para makuha ako, sige fine, makiki-ride nalang ako.
"Well then, I'll go ahead na. See you tomorrow!" Sabi ko at nag-flying kiss ako sa kanya. Umiwas naman siya dun sa kiss ko. Tss, pa hard to get pa siya. But don't you worry, that's what I like about you.
Naglakad-lakad lang ako nang mapansin ko na sinusundan ako ni Spade. OMG, don't tell me hinahatid niya na ako sa bahay to make sure na safe akong maka-uwi? geez, edi sana sinabi na niya di ba para sabay na kaming naglakad.
"Spade, sabi ko na nga ba may gusto ka sakin eh. But don't you worry, my love, you can go home now. Don't worry about me. Kaya ko nang umuwi mag-isa."
Ayoko namang i-trouble si Spade sa paghahatid sakin di ba. Pero nagulat ako nung nilagpasan niya lang ako. Hmm, is that a sign na itutuloy niya ang paghahatid sakin? Tss, fine! If you insist.
Kaya naman ngayon ako na yung nasa likod niya at sumusunod sa kanya. Ni hindi nga lumilingon dito eh. Alam ko kung bakit di niya ako tinitignan, nagba-blush siguro yan. Aww, how cute.
Nung nasa tapat na kami ng bahay ay nagulat ako nung dere-deretsong pumasok si Spade sa loob. Don't tell me aakyat na siya ng ligaw? But too bad, hindi dito nakatira ang parents ko!
Sinundan ko naman siya sa loob. Nakita kong kinakausap niya si Tita. Ohmygod, akala siguro niya si Tita yung nanay ko. Pero sorry Spade dahil wala na sa mundong ito ang aking ina. Mahal kong nanay na nasa langit na, nakikita niyo po ba ang future son-in-law niyo? Gwapo di ba?
Lumapit naman ako sa kanila.
"Spade, aakyat ka na agad ng ligaw? Ang bilis mo naman. Hindi manlang ako nakapag-prepare. I should've known na gagawin mo 'to para nasabi ko sayo ang tunay na address kung nasan ang aking pinakamamahal na itay at kapatid." Sabi ko at kumapit ako sa braso niya.
"What the hell? Why did you come in here? Bakit mo ako sinundan hanggang sa bahay? Are you insane?!" Tanong niya habang tinataboy taboy ako.
"Wag ka na ngang pakipot diyan." Sabi ko naman.
"You already know each other?" Tanong ni Tita saming dalawa.
"What?" Sabay naming tanong ni Spade.
"Well then, lets have a proper introduction. Vicky, meet Spade, the one and only boarder here and my nephew." Tumingin naman siya kay Spade. "Spade, meet Vicky. Your new housemate."
"WHAAAAAAAAAAAAAAT?" Sabay ulit namin na sigaw ni Spade. Meant to be kami eh. But wait, ano sabi ni Tita? Si Spade yung housemate ko?Living together? Living together? TOGETHER? TOGETHER!!
"What a fantastic turn of events. Kita mo nga naman! We're meant for each other." Sabi ko at kumapit ulit ako sa braso ni Spade.
"Get off!" Sabi niya at humiwalay ulit siya.
"Shy type, eh?" Sabi ko sa kanya ay siniko siko siya.
"God!" Sigaw niya at dumeretso na sa second floor. If I know, he's just embarrassed.
"Anong ginawa mo dun?" Tanong ni Tita sakin.
"Well, I told him that he'll be my husband. And I know it Tita. He's the shy type of guy. Alam ko na yung mga ganun. Pabebe lang yun." Sabi ko kay Tita.
"Ahh, Vicky. I don't think he's the shy type." Sabi ni Tita na parang natatakot.
"Don't worry, Tita. I'll take care of your nephew. I'll adjust for him." Sabi ko at nag-little red riding hood ulit ako paakyat sa second floor at papunta sa kwarto ko. This is so fun! Best day ever! Biruin mo, ang love of my life ko nakatira pala sa same house with me. Yes yup, this is my chance. I'll make him mine. Okay that sounds creepy. But yes, mapapasakin din siya! I will call him the devil next door!
After kong magbihis ay bumaba na ako para kumain ng dinner with my one and only future husband.
"Spade, my love!" Sabi ko tapos tumabi ako sa kanya.
He just rolled his eyes. Si Tita naman parang nagwo-worry.
"Its so nice! Having my love of my life here? I couldn't ask for more." Sabi ko habang kumakain kami. Ganito ako magmahal, okay? All-out.
"Anyway, Vicky. How's your first day?" Tanong ni Tita.
"It was fun. Kahit nahirapan akong mag-cope up sa ibang subjects. Iba kasi ata yung way ng pagtuturo sa dati kong school sa ngayon." Sagot ko.Medyo nahirapan akong umintindi. Siguro kasi hindi pa namin napagaaralan yung dinidiscuss ngayon kaya hindi ko maintindihan."But don't worry, maiintindihan ko din yun." Its kinda weird pero mabilis akong makaintindi. Kaya hindi ko alam kung bakit sinasabihan ako ng idiot ng mga tao eh.
"Spade, baka gusto mong ituro kay Vicky yung mga napagaralan niyo. Exams niyo na next week di ba?" Suggestion ni Tita.Nabilaukan naman si Spade. Ha ha! Nahihiya siya!
"That's a great idea, Tita." I looked at Spade and said, " Well then, we have to hurry. Marami pa tayong gagawin."
Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko para ayusin yung mga libro and notebooks. Yay! Tuturuan ako ni Spade. But actually, I can study it myself pero dahil maganda yung idea, fine, magpapaturo nalang ako kay Spade. Kumatok naman na si Spade sa pinto ko at pinapasok ko siya.
"Spade! Pasok ka, dali! Welcome to my room!" Sabi ko at pina-upo siya sa isang chair.
"First things first, after this, don't talk to me anymore." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Psh, bibigay ka din sooner or later.
BINABASA MO ANG
Devil Next Door
RomanceVictoria is pretty and intelligent, but a bit ignorant. Strikto kasi ang tatay niya sa kanya. So she never really experienced anything outside her comfort zone and falling in love was a foreign thought to her. Handsome and sporty, 'yan naman si Spad...