Prelude

66 5 0
                                    

Prelude

"What if we make a deal?" Turan ng binata habang tinataas baba ang kilay.

Hindi naman ito inimik ng kausap at patuloy pa rin sa pagbabasa.

"Hey! Listen." Saka nito tinapik tapik ang kaliwang balikat ng dalaga.

"Tigilan mo ako, Mr. Park." Pagsusungit nito na palinga linga sa libro habang naglilipat ng mga pahina.

"Sungit." Saka ngumuso ang binata.

"What if I CAN get you to Harvard?" Pambawi ng binata habang tinuturo ang dibdib sa salitang 'I' at ini-stress ito kasama ang salitang 'CAN'

"I can get myself in without your help." Pambabasag nito sa kanya.

Tama nga naman ito. Sa angking talino ba naman ng dalaga at kaunting pera mula sa maliit na kompanyang pagmamay-ari ng ina nito.

"Na-ah. Alam kong nasa listahan pa rin sa mga nakapila para sa scholarship ang pangalan mo." Ngumisi pa ito para asarin ang kaharap.

Natigilan sa pagbabasa ang dalaga at tinignan siya ngunit sa huli ay inirapan lang siya nito.

"Kayang kaya kitang tulungan doon." Dugtong ng binata.

Tumingin ito ng madiin sa lalaki. "Tantanan mo nga ako. Ano ba sa tingin mo ang mapapala ko sayo?" Pasupladang tugon nito ngunit nandito pa rin ang composure nito sa sarili at nakakahangang poise na kinaiinggitan ng marami.

"Wag ka namang masyadong hot, hon. Natuturn on ako lalo eh." Panunuya nito habang nakatitig sa kanya ng makahulugan.

"Bastos ka talaga. Iwanan mo nga ako dito. Mabuti pa ay lumabas ka para lumanghap ng modo doon sa labas." Sinarado nito ang librong binabasa at tumayo na para ibalik ang mga libro nito.

"Teka! Can you please hear me first?" Pagpigil niya sa dalaga at pinaupo itong muli. Sinuklian naman siya nito ng matalim na titig.

"Spill."

"Ok hon, I want to play a game with you." Pahayag niya habang pinipigilang ngumisi upang hindi maasar ang kausap.

"Ano nanamang kalokohan ito? Pwede ba, wag ako." Tumayo na ito ng padabog saka naglakad palayo. Ang pagdabog nito ay napaka modest pa rin tignan kahit na pang barumbado ang galaw na iyon.

"Hon, naman!" Sinundan niya ito at pinigilan ang paglayo sa pamamagitan ng paghuli sa depinang braso nito.

Binato nanaman siya nito ng nakakamatay na tingin. Napabuntong hininga ito. Mukhang pinagbibigyan lang siya upang tigilan na niya ito.

"Simple lang naman eh."

"Ang tabil mo. Deretsuhin mo na. Sayang ang oras ko sa'yo." Saka ito umirap.

"So, simple lang. I want to play the game of chase." Nakawala na ang kanina pa pinipigilang ngiti ng lalaki.

Binalya ng dalaga ang kanina pang mahigpit na hawak niya sa braso nito at sinubukan nanamang umalis.

"Hep hep. Harvard?" Pang bubuska nito. Kaya naman sinupalpal nanaman siya nito ng pamosong irap ng dalaga.

"Me after your" hinagod niya ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Purity" saka lalong lumawak ang ngiti nito.

Ngunit ngumiti lamang ng patuya ang dalaga. Habang ang tiyan niya naman ay parang nagkaroon na ng breading season ng mga paru-paro dahil sa inasal ng dalaga.

"And you after this." Sabay turo nito sa dibdib.

"Yun lang?" Tanong ng dalaga.

"Bakit gusto mo dagdagan ko?"

"Kaya mo ba talagang padaliin ang pagpasok ko sa Harvard?"

"Parang sigurado kang ikaw ang mananalo ah? Haha." Saka tumaas ang kilay niya. "Oo naman. Isang pitik lang mangyayari na yon."

"The winner of a game is determined before the game starts." Sagot nito

"So the thing is, kapag nanalo ka, syempre matik na, na tutulungan kita makapasok sa Harvard. Pero pag ako ang nanalo..." saka siya ngumiti uli.

"Na hindi mangyayari." Dagdag ng dalaga.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Lulubayan na kita. Dahil nakuha ko na ang gusto ko. I assure you. You'll definitely love the player. While I'll love the game." At tinapos niya ang litanya sa pamamagitan ng isang ngisi.

"So ano? Deal?." Saka niya inangat ang kanang kamay.

"Deal." Tinanggap nito ang kanyang kamay.

Sinong mananalo? Ang dalaga ba ang makakakuha ng puso nito? O di kaya's makuha muna ng binata ang puri ng dalaga saka ito iwan?

The woman must capture his heart. And make him support her to achieve her dreams.

The man must steal her purity and leave her with nothing but a hole. In her heart and in her life.

Ngunit paano kung maging draw ang laban?

Maaangkin ng dalaga ang puso ng lalaki.

Kasabay ng pagnakaw ng lalaki sa kapurihan ng binibini.

--------

Lalala~ SPG-18 Restricted. Hahaha

READ AT YOUR OWN RISK.

Messing with a Fallorin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon