1st Mess

59 3 0
                                    

1st Mess: Le demoiselle

-------

Location: Collegio de San Franciso de Manila; National Library - September 2 (Monday) 8:00 hrs.

Sa gawing silangan ng ground floor ng may pitong palapag na establisyemento. Kung saan malimit puntahan ng mga estudyante. Naroroon ang isang dalagita. Nagbabasa nanaman ng isang medical book.

Kinulong nito ang mga takas na buhok sa kanyang tainga pagkatapos ay inadjust ang reading glasses sa pamamagitan ng gitnang daliri nito.

Humahalimuyak ang pagiging edukada at aristrokrata nito dahil sa pagdadala nito sa sarili. Idagdag mo pa ang suot nitong puting three-fourths at itim na skater skirt na pinarisan ng closed shoes na may 3 inches na takong.

Abala ito sa pagbabasa at akmang ililipat na ang pahina nang biglang tumunog ang telepono nito.

Bumungad sa kanya ang caller ID ng ama. Humigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa kanyang telepono. Napabuga ito ng kaunti at saka sinagot ang tawag.

"Good morning, Mr. Fallorin." Pambungad ng dalaga.

Oo. Yan ang tawag nito sa ama. Hindi Dad. Hindi Papa. At mas lalong hindi Popsy. Nasasabihan kasi siya nito nung kabataan niya na wala siyang breeding o class pag tinatawag niya ito bilang ama.

"Come to my office at noon time."

Yun lang at pinatay na ng ama ang tawag. Ganito naman talaga ang kanyang ama. Walang bati-bati. Walang kamu-kamusta. Straight to the point and pure business.

Malaki kasi ang halaga ng bawat segundo nito kaya't ayaw nito ng may sinasayang na oras. Dahil ang sayang na segundo ay sayang na business deal.

Tumayo na ang dalaga at chineck ang pocket watch nito. Pasado alas otso na kaya't tumungo na ito papunta sa kanilang building.

Naglalakad ito sa kahabaan ng corridor ng biglang may tumapik ng balikat niya mula sa likod.

Mukang nakilala ito kaagad ng dalaga dahil wala namang ibang gagawa noon kundi ang kaibigan niyang si Vera.

Kaya't hindi na ito nagulat nang pag harap niya rito ay tumigil ito sandali.

Habang naka pormang mang aapir.

"Eeeyyyy~" sabi nito bigla nang makabawi habang kinakaway kaway ang kamay at pinapaling paling ang ulo at kumekembot kembot pa.

Napa face palm na lang siya dahil sa ginawa ng lokaret na kaibigan. Maraming tao sa corridor kaya't nasaksihan ng mga ito ang kalokohan ng kaibigan.

Buti na lang wala pa sina Ella. Bulong ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Hindi nga niya halos maisip kung bakit sila nito naging magkaibigan. Makasat ito at sumpungin samantalang siya ay pinong pino kumilos at limitado ang bawat galaw. Kailangan perpekto ang lahat. Kaya't kung minsan ay aakalain mong nagkasabay lang silang maglakad kaya ito magkasama.

Siguro dahil na rin magkaklase na sila simula first year high school pa lamang. At dahil na rin sa kakulitan ng iba pa nyang mga kaibigan.

"Hi Ems!" Masiglang bati sa kanya nito.

"Hi." Tanging tugon nito at sumimpleng ngiti.

"How's your vacation? Grabe natengga lang ako buong summer!" Litanya nito.

"Para namang hindi ka chat ng chat at text ng text sa'kin. Tapos punta pa ng punta sa mansyon." Saka niya ito inirapan.

"Hehe. Sabi ko nga. Anong first subject mo?" Sabi ni Vera ng nakangiti sa kanya sabay angkla ng bisig nito sa kanya.

Messing with a Fallorin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon