Chapter 2
Alicia's POV
May sabi-sabi na kapag binwisit mo ang isang bakla, humanda ka na. Mainly because pauulanin ka niya ng sampal, sabunot, suntok, tadyak, etcetera and etcetera. Eh paano naman kung si bakla ay nabwisit at nang dahil sa sobrang galit, kung umasta ay para ng lalaki. End of the world na kaya?
"Allan. Allan! What the hell are you doing?!"
Che cazzo! This gay is going to be imprisoned with what he's doing. A baseball bat?! Doesn't he know about our country's law? At saang lupalop ba ng kotse niya nanggaling yan? Naiimagine ko tuloy yung mga bagay na PWEDE niyang magawa without us even knowing about it. Pero right now, I know one thing, ipanghahampas niya yan. Kanino? May hula na ako.
"Let go of me, Kees. I want to teach that guy a lesson." Galit niyang sabi sakin while trying to shake off my grasp.
Inalis niya ang kamay ko sa may braso niya at mabilis na lumabas ng kotse with his baseball bat. Dali-dali ko rin siyang sinundan at hinawakan siya sa kanyang beywang. And we look like a couple who just split up. He being the guy who will leave and I being the desperate girl in the relationship.
"Bitiwan mo yan, Allan. Bakla, ano ba!" sigaw ko sa kanya habang pilit na kinukuha yung baseball bat na inilalayo naman niya sakin.
"Let me go! Tatadyakan kita kapag hindi mo ako binitawan."
"Subukan mo!" Ako, "Ano ba Allan. This is not the way to fix anything."
"Shut up! This is my way of fixing it."
"Kapag ginawa mo to mas lalo kang magmumukha na lalaki. Pinagkamalan ka na nga niya na isa, gagampanan mo pa. Ano ba?!"
And thank goodness he stopped struggling! Kaya I took it as a chance to snatch the baseball bat away. Grabe naubos ang energy ko kakapigil lang sa kanya.
I took two steps backward and then sighed.
"Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at naisip mong magdala ng ganito?" sabi ko sa kanya sabay wagayway nung bat.
He scoffed and cross his arms, "He'd done something bad with Isay so I just want to teach him a lesson."
"Oh yeah, teach him a lesson. For Pete's sake, Allan. Anong sasabihin ni Ysabelle satin kapag nakita niya ang groom-to-be niya na bugbog sarado at may black eye sa mata, hah? Gusto mo bang ikasal si Isay sa may loob ng hospital?"
He averted his eyes from me at saka tumingin sa may kotse niya. I sighed, deeply.
"Okay, ganito nalang. Ibalik natin tong baseball bat mo at saka MAHINAHON natin siyang kakausapin hah? For Ysabelle's sake, please I beg you."
Narinig ko siyang mag-tch kaya I smiled. Binalik ko sa loob ng kotse niya yung baseball bat at saka naglakad papunta dun sa may tapat ng gate. I stared at the house first bago pindutin yung doorbell. The house was big, and it looked modern. I admire the whole thing. Siguro kung magiging magkaibigan kami nung Suarez na yun, itatanong ko sa kanya kung sino ang nagdesign ng bahay nila.
After kong pindutin yung doorbell, a few seconds after, may lumabas na maid.
"Ano po yun?" tanong niya.
"Is Tristan Dustin E. Suarez here?" tanong ko dun sa maid habang nakangiti.
Tumingin siya sakin tapos kay Allan at saka tumango, "Opo, pasok po kayo."
Hinintay niya kaming pumasok bago niya ulit sinarado yung gate. Sinundan namin siya papaloob hanggang sa dinala niya kami sa sala at pinaupo sa may sofa. I stared around the place and I dare say, ang ganda nung bahay. Yung sakin kasi, parang pinamamahayan lang ng kwago. Malaki pero onti lang yung laman. Heto naman, malaki pero warm yung setting tapos may mafifeel kang coziness pagkapasok mo palang.
BINABASA MO ANG
Wedding Nightmares
HumorIt's not always about the happy ending, sometimes, it's about the story. © All Rights Reserved