1 - The Prodigal Son

295 16 0
                                    

Maverick's POV

After a 16-hour flight, I spent a week straight shaking hands and greeting people even though most of them were strangers to me.

Di ko alam kung tanggap ko na ba, o sadyang hindi na ako nagkaroon ng oras para mag grieve dahil mag isa nalang akong nag aasikaso ng lahat. From mom's wake, the internment, and everything else in between, ako lahat.

I'm not complaining though. Kasi kulang pa 'to.

"Hello, Maverick." Biglang sabi ng isang babae sa likod ko kaya napalingon ako.

"Tita Carina." Pagbati ko with a little nod. She's one of mom's friends.

"So, the prodigal son returns."

Her son, Angelo, who happens to be my friend, held her arm. "Ma, stop."

"It's alright bro." Sabi ko to assure him na di niya na kailangan pagsabihan ang mama niya.

I didn't feel offended because of two things: First, dahil sanay na ako. And second, where's the lie? Totoo naman. I'm like the prodigal son in the bible— irresponsible, spoiled, at grabe pa mag waldas ng pera. Like him, I spent all my money on liquor, friends and women too.

"You know..." Ayan na. Magsisimula na. Wala pa akong maayos na tulog kaya wala ako sa mood masermonan ng wala namang ambag sa buhay ko, so I immediately cut her off.

"Whatever you're gonna say, I'm sure I've already heard it from everyone else." I gave her a smile and walked away. Pumunta ako sa balcony at nag sindi ng sigarilyo.

Totoo naman, alam ko na sasabihin niya. At alam ko narinig ko na yun sa mga iba pang bumisita dito sa burol.

Some of them say it to my face, while some say it behind my back pero naririnig ko mga bulong nila. Yung iba naman, puro parinig.

"Oo na, ma. Ang malas mo sakin. Ang malas mo na di ka nag anak ng isa pa. Ang malas mo na walang kwenta yung kaisa isang anak mo." Sabi ko sa sarili ko before putting the cigarette between my lips and inhaling to draw smoke into my lungs.

I looked up as if I'm blowing out the smoke into the sky.

I know my mom would have welcomed me like how the prodigal son in the bible was welcomed back, pero wala eh, I was too late. Yun yung pinagkaiba namin.

Yung prodigal son sa bible, bumalik at nakahingi ng tawad.

Ako hindi.

Bumalik ako kung kelan wala nang babalikan. And I was never able to tell my mom I'm sorry for all the things I've done.

Inscrutable InheritanceWhere stories live. Discover now