C4D-1: NightMare

58 4 4
                                    

    


       AMBER's POV

                Napukaw ng isang napakagandang musika mula sa piano ang aking atensyon na nagmumula sa itim na pinto... Isang pamilyar na musika.. Dahan dahan kong binuksan ang pinto upang alamin kong sino ang lumikha nuon. Nang mabuksan ko na ito, isang babae na nakasuot ng puting bistida na nakaupo sa harap ng piano at tumutugtog.. Bahagyang tumingin ang kanyang mga mata direksyon papunta sa akin at tsaka nito itinigil ang pagtutog..

"Kanina pa kita inaantay... tara samahan mo ako" wika nito na may malamig na tuno.. wala parin talaga syang pinagbago .

Matapos ng kanyang mga sinabi ay unti unti syang humarap sa akin.. ngunit parang may iba.. nang pagpikit at pagmulat na aking mga mata wala na sya sa kanyang kinauupuan.. sumunod na nakita ko ay isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at maong na pantalon, na paulit-ulit na sinasaksak ang isang babae.. Hanna.. puro dugo ang buo nitong katawan at may na mumugto pang mga luha sa mga mata nito na diretsyo pang nakatingin sa akin.. Di ako makapaniwala sa aking nakita, ang katawan kong tuwid na nakatayo ay unti unting napaupo sa malamig na sahig dahil sa nasaksihan ng aking mga mata. Hanna. Ang kaibigan kong handa akong protektahan ay pinapatay sa akin ng harap harapan.. wala man lang akog magawa para tulongan sya..

"Hanna....Sorry"

"Hindi mo kailangang humingi ng sorry.. nangako tayo sa isa't isa diba? Sasama ka sa akin san' man ako mapunta at sasama naman ako sa iyo saan ka man mapunta!!" Wika ng boses na nasa aking likuran. Nakakakilabot..

Dahan dahan kong nilingon ang pinagmulan ng boses. Ngunit laking gulat ko ng makita ko ang isang babae na puno ng saksak ang buong katawan at diretsong nakatitig sa akin ang mga namumula nitong mga mata.. nakakakilabot.. ngunit ang mas lalo kong kinagulat ay ang mga estudyante na nakabigti sa aking harapan at mga wala ng buhay.. isang bagay naman ang kapansin pansin na nakaukit sa kanilang pisnge.. Isang letra..

Minulat Ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga estudyanteng nag-tatawanan at ang guro namin na naka-pamewang, lahat sila ay nakatingin sa akin....Isang panaginip...mali....isang masamang panaginip...

"Hindi ko na ito papalagpasin pa Ms. Rivera, paulit-ulit na lang sa klase ko....In lunch time i want you to go in my faculty Room...."nanggagalaiti nitong sabi sa akin. tama sya.. lagi na lang ganito.. paulit-ulit na lang ano bang nagawa kong masama Hanna?

"Ano bang nangyayari sayo Amber lagi ka na lang ganyan." Tanong ni Jeddeah habang nakatakip ang hawak nitong libro sa kanyang mukha upang di makita na aming guro..

"Wala" maikli kong sagot sa kanyang tanong, at inilihis ng landas ang aking paningin at itinungo ito sa labas ng bintana. Naalala ko pa yung mga araw na mag kasama kami, sabay kaming kumakain, umuuwi, at pag tuwing wala kaming Home Work tinatakasan namin ang teacher namin.. napakasaya ng mga ganung pangyayari. Pero ngayun wala na.. wala na sya.. si Hanna

Muli ko nanamang naalala ang mga sinabi sa akin ni Hanna. Sasama ka naman sa akin saan man ako mapunta.. paulit ulit halos di mabura sa isipan ko.. Nakakakilabot.. Naalala ko ung araw na binitiwan namin yung mga salitang iyon sa isa't-isa Yung araw na naging mag kaibigan kami at yung araw na ipinagtatanggol nya ako sa lahat ng mga taong nang aapi sa akin...Hanna...

_______________

Lumipas ang ilang oras at lunch time na..Halos lahat ng estudyante ay nasa labas, pwera lang sa aming dalawa ni Jeddeah..

Class 4-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon