Pagod kong tinignan si Phoebian. Pareho kaming stress na dalawa— hindi lang pala kaming dalawa. Pagpunta namin dito sa mansyon ni Lola Gracia ay pumarito din ang parents ni Phoebian. Hindi ako makatingin ng diretso sa nanay ni Phoebian dahil pakiramdam ko ay kapag tumingin ako sa kanya malulusaw ako dahil pagdating nila ay tinalakan agad si Phoebian.
Isang baso ng malamig na tubig ang linagay sa harap ko. Nag-angat ako kay Aling Lupe bago ko siya nginitian at nagpasalamat. Nasa kusina ako. Iniwan niya muna ako para makapaghanda siya sa hapunan. Nahihiya nga ako na dito ako maghahaponan sa mansyon dahil nandito ang mga magulang ni Phoebian.
"Ayos lang yan 'neng. Hindi naman galit sayo ang mommy ni Phoebian. Sa anak niya yun galit dahil pumatol sa anak ni ma'am Hilga."
Tinapik ni Aling Lupe ang balikat ko. Kinuha ko ang baso. Nanuot sa kamay ko ang lamig ng tubig. May yelo kasing laman kaya mas lumamig.
"Hindi naman po niligawan ni Phoebian si Valentine." Pagdepensa ko. Hindi naman talaga niligawan ni Phoebian si Valentine.
"Ay hindi ba? Pasensya na 'ija. Subagay dahil wala pa naman akong nabalitaan na naging nobya nitong si Phoebian. Ikaw palang." Aniya.
Napakamot ako sa aking buhok. Nahihiya akong nagbaba ng tingin. Syempre dahil sa akin lang naglakas-loob si Phoebian na ligawan ako. At yun nga... naibigay ko din ang sarili ko sa kanya dahil kakaiba din ang taong yun.
"Opo." Sagot ko.
Naiwan ako ni Aling Lupe dahil may inaabala din siya. Pagpasok ni Phoebian sa kusina ay tipid ko siyang nginitian. Hindi na maayos ang kanyang buhok. Nagulo man ang bangs niya pero makintab parin ito. Siguro ay may nilagay siyang hair gel sa kanyang buhok kaya hindi dry.
"Hindi ka okay?" Alam ko na weird ang tanong ko na yun pero hindi siya okay. Kaysa tanungin ko siya na okay lang ba siya pero hindi pala.
"No I'm not. Mom is so mad at me."
"Paano yan? Nagpaliwanag ka ba ng maayos?"
Napahilamos siya ng mukha. "I already did but she's as stubborn as me."
Hindi na ako magtataka kung kanino siya nagmana. Sa nanay niya na hindi marunong makinig sa kanya. Dapat makonsenti niya ang Mommy niya na hindi niya nagustuhan manlang si Valentine.
"At least hindi ka guilty diba? Dahil hindi mo naman naging girlfriend si Valentine."
Tumango siya at saka tipid din akong nginitian. Pareho kami ng sitwasyon ngayon dahil lang kay Valentine. Kung hindi lang sana siya nanggulo edi walang issue. May video kasi na nakunan kaya nakarating yun sa parents ni Phoebian. Syempre magrereact sila dahil alam ng mundo na ako ang girlfriend ni Phoebian at may eskandalo pang lumabas— at nandon pa ako. Iisipin ng mga viewers nun na inagaw ko si Phoebian kay Valentine. Yung ibang tao pa naman, mahilig manghusga agad.
"They're still there inside the library. I got out because I wanted to check on you." Mahinahon niyang saad.
"Okay lang naman dito. Pero nababagot ako. Sana pala sa apartment nalang tayo dumiritso."
"Okay. After here sa apartment tayo."
Naghintay lang kami sa may kitchen. Minsan ay kinakausap kami ni Aling Lupe kung okay lang ba kami. Hindi na kami pumasok sa library dahil nandun pa ang parents niya.
Nang makaalis sila at umakyat saka kami lumabas. Pumasok din si Aling Lupe para tanungin kami. Nagtataka kasi siya na aalis na kami.
"Hindi ba kayo dito maghahaponan?" Tanong ni Aling Lupe.
Umiling si Phoebian. "Sa apartment na po kami kakain. We're not going to stay up late. May pasok din kami bukas sa trabaho."
"Oh siya. Mag-ingat kayo. Ako na ang magsasabi sa Abuela mo."
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...