Chapter 17 - I like you too but...

671 44 13
                                    

baka sabihin niyo lagi nalang akong nagsosorry :(

feb. pa ata last update ko,sana mapatawad niyo ko... eto pambawi ko sa inyo sana magustuhan niyo :)


-

Baeks:


Nagising ako sa kalabog na malakas sa kabilang kwarto, i dont know if kay kris or kay tita na kwarto yun kaya umupo ako sa kama para intayin ulit kung may kakalabog pa



Pero 5 mins ng nakalipas napapapikit na ulit yung mata ko pero wala ng kumakalabog kaya humiga na ulit ako at natulog..




Nagulat naman ulit ako nang may marinig akong basag kaya tumayo na ako at hinawakan na ang door knob pero nakaramdam ako ng kaba..




Ano ba yun? Pano kung may multo pala dito or something..hala



Bubuksan ko ba yung pinto o hindi? Shet kinakabahan talaga ako..


Lumingon ako saglit sa kama at nag-isip.. matutulog na ba ako o pupuntahan ko yung kalabog something ..


pero nang makita ko yung eyeliner ko sa gilid ay napangiti ako sa bright idea


kinuha ko yung eyeliner saka lumabas na ng kwarto,protection ko to if ever na may multo nga or magnanakaw.


Naglakad ako papuntang kwarto ni tita at dinikit ang tenga sa pintuan niya pero wala..ganun din naman kay kris..


Kaya dahan dahan akong bumaba habang hawak ko yung eyeliner ng gigil na gigil,


Lalo akong kinabahan habang papalapit ako ng papalapit sa sala at nakakarinig ako ng footsteps


Shet pinagpapawisan na ako sa kaba,naisip ko bigla na anong silbi ng eyeliner ko niyan dito kung magnanakaw nga tong nasa loob ng bahay..


Nagtago ako sa gilid at tumingin mula sa sala


nakita ko si kris..masayang nanonood habang kumakain ng ice cream..



"kris? Anong ginagawa mo jan?"



"nanonood" napafacepalm ako bigla.. oo nga naman baek nanonood siya


"I mean..bakit dka pa natutulog ?" tinignan ko yung relos ko "3:30 am palang kris" patuloy ko pero nagkibit balikat lang siya habang patuloy paring kumain



Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya,nagkunwaring nanood ng pinapanood niya pero really wala akong interes sa action movies na puro nalang barilan ang ginawa -__- parang yung crossfire na nilalaro ni chan—did I just... ugggh baekhyun >____< tumigil ka na nga sa kakabanggit sa kanya!

[Baekyeol] Stupidly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon