Baek'sNatawa ako nung makita ko si Chanyeol sa baba na may dalang 3 black eyeliners
Tinupad nga niya ang sinabi ko kagabi
Nakangiti siya habang pinapakita yung mga eyeliners sa akin
"Talagang tinototoo mo yung sinabi ko" sabi ko sa kanya habang natatawa at kinuha na ang 5 sticks of eyeliner sa kanya and then I hug him
"Anything for you" bulong niya at naramdaman ko yung ilong niya sa may buhok ko
Napatingala ako sa kanya at ngumiti "I love you"
"Ewwwwww ang corny mo Byun!" Sigaw ni chanyeol na kinagulat ko tsaka sha tumawa at lumayo sa akin
Siraulo to mas corny nga sha eeehh.
-
No one's POV
Masayang naglalakad sila Chanyeol papasok sa school..
Nagtatawanan kasi sila nang dahil sa sinubukan nilang dalawa pumasok ng naka eyeliner..
Oo silang dalawa..papasok ng nakaeyeliner
Pagkarating nila Baekhyun sa classroom ay muling nasulyapan na naman nito ang kaibigan niya sa kabilang row na malungkot na nakatingin sa cellphone na mukhang may inaantay na text
Kaya napatigil siya bigla sa pagtawa at iniwan muna saglit si Chanyeol sa row nila
nagpaalam siya na pupuntahan lang si Kyungsoo sa kabilang row
Namumutla si Kyungsoo at mukhang d natulog dahil halata ang eyebags nito habang nakatitig sa kanyang cellphone
Hinawakan ni Baekhyun sa balikat ang kaibigan niya at nagulat naman si Kyungsoo sa touch at napatingin kay Baek
"O baek nanjan na pala kayo" matamlay niyang sinabi sa kaibigan niya at ngumiti ng matipid...
Nung makita niya ang itsura ni Kyungsoo ay naalala niya bigla si Jongin with that girl...
Nanaig ulit yung galit niya kay Jongin gusto na niyang puntahan ito pero wala pa siyang isang evidence na nakita..
Hindi ba sabi niya last ay pagbibigyan niya si Jongin ng another chance...
Pero hindi pa niya ito ulit nahuhuli
At saka dpa niya alam ang rason kung bakit matamlay si Kyungsoo
"Kyung..may problema ba?? Ang tamlay mo yata" tanong ni Baekhyun habang hinihipo ang leeg nito tinitignan kung may lagnat
"W-wala...si Jongin kasi hindi na nagpaparamdam...last text niya sakin is yung pupunta daw siya dito sa room pero hindi naman siya pumunta nun" sabi niya habang nakatitig ulit siya sa phone niya
"Ang tagal na nun ah?" Pagtatakang tanong ni Baek sabay sabing "nakoo wag mo ng pag-aksayahan ng panahon yang mga walang kwentang tao na yan..marami pa jan Kyung...wag na si Jongin" derechang sinabi ni Baek kasi naiinis sha kay Jongin dahil hindi siya worth it para sa kaibigan niya kaya dapat maghiwalay nalang
"Wag mong sabihin yan Baek..Mahal ko siya.." matamlay na sabi ni Kyung habang nakatitig parin sa phone niya
Napasigh si Baekhyun habang hinahagod ang likod ni Kyung...
'Inlove na nga talaga si Kyung...sa mali pang tao' sabi niya sa isip niya
Nakaisip naman ng paraan si Baek para makalimutan kahit itong day lang ni Kyungsoo si Jongin pero hindi niya alam kung mapapasang-ayon ba niya si Kyungsoo dito..
"Kyung..amusement tayo mamaya gusto mo??"
"Ayoko"
"Bakit?" Nawalan bigla ng pag-asa si Baek na pasayahin ang kaibigan niya
"Kasi wala akong pera" natawa naman si Baek nung marinig yun
"Libre ko dont worry"
"Ayoko parin" napakunot naman si Baek
"Bakit na naman...ang arte naman nitong kwagong to" asar na sabi ni Baek at nagroll eyes
"Malamang kasama si Chanyeol ehh tapos magiging chaperon niyo lang ako..kaya wag na okay..d bagay sa beauty ko ang maging chaperon niyo"
"Ang arte nito...fyi..may sinabi ho ba akong kasama si Chanyeol"
Nangislap bigla ang mata ni Kyung kaya napangiti na si Baek "really baek ...so tayong dalawa lang?? Ehh dnga kayo mapaghiwalay ni Chanyeol ehh" pagrereklamo ni Kyungsoo
Kasi naman nga hindi na nakakasama si Baekhyun sa lunch ng barkada dahil mas gusto ni Chanyeol na silang dalawa lang kasi daw they need privacy
"Oo nga Kyung...tayong dalawa lang promise" sabi niya sa kaibigan niya at ngumiti
"Kaya ayokong kasama si Chanyeol kasi marami akong sasabihin sayo Baek"
Tumango naman si Baekhyun sa kanya at bumalik na muli sa upuan niya dahil dumating na ang teacher...
At habang nagtuturo ang teacher at si Baek naman ay kakatapos lang magtake down notes ay bumulong siya kay Chanyeol
"Chan..wag mo muna ako ihatid mamayang uwian sa bahay..."
Nakatitig parin si Yeol sa teacher na kunwaring nakikinig at nagtanong kay Baek "Why?"
"Sasamahan ko lang si Kyungsoo sa amusement park"
"Then Ill go with you"
"D pwede sabi ni Kyungsoo ako lang daw...he doesnt want you to come"
"Then Ill be waiti----"
"Chanyeol kaya kong mag-isang umuwi"
"Maraming mga loko-loko ngayon sa daan lalo na sa g---"
"For the last time Chan..no"
"Pero"
"yon ang ikalawang utos ko sayo ngayon Chanyeol"
Napasigh naman si Chanyeol "fine" mahina niyang sabi
Nagbigay naman ng quiz ang teacher nila at maraming nasagot si Baek...si Chanyeol naman mangongopya sana kay Baek kaso biglang nagsalita ito..
"For your third mission...please lang Chanyeol...mag-aral ka"
Napasigh ulit si Chanyeol ng mahina kaya natawa si Baekhyun..
Naalala niya pa yung kamakailan na kung makapagsabi si Chanyeol na mag-aral ng mabuti sabi ni tita...pero siya pala itong hindi nag-aaral..
"Okay babe..Ill study hard na for our future" sabi ni Chanyeol at kinindatan si Baek
"Pero pakopya naman na dito babe plss..last na to"
BINABASA MO ANG
[Baekyeol] Stupidly inlove
FanfictionAnong gagawin mo kapag nalaman mo na yung mahal mo ay shinota ka lang pala dahil sa putangnang crossfire na yan