Chapter 21 - Foolish heart

320 18 2
                                    


"Pwede bang manghiram sayo ng ballpen"

Nang marinig ko yun ay napasinghap ako..

Sabi sayo Baekhyun wag kang assuming hoota..


Akala mo tatanungin niya kung pwede pa ba maging kayo ulit no?


Well no.. ikaw lang naman kasi nag-iisap nun..


"Ahh..oo naman..wait lang" dismayado kong sabi pero dko pinahalata

Kinuha ko na ang bag ko sabay kalkal ng ballpen...

Nakita ko namang napakamot siya ng ulo at magsasalita ulit

"A-akala ko dka na babalik"

Pwede bang dkita babalikan dito..sabi ko sa isip ko

Uggh baek tumigil ka na..may iba na siya..

Binigay ko na ang ballpen sa kanya at nginitian nalang..


Nagsimula na ulit akong magsulat nang masalita muli siya...


"Pwede rin bang maging magkaibigan ulit tayo?"

Ouch friendzone na ba ito??


Handa akong magpakatanga muli Chanyeol pero bakit friends lang?


Hahaha natatawa ako sa sarili ko..mashado na akong assuming sa mga bagay-bagay


"Bakit hindi ba talaga tayo magkaibigan?" Tanong ko sa kanya habang patuloy lang sa pagsusulat..


"I will take that as a yes" yun lang ang tangi niyang nasabi

At nang magdismiss na ay papaalis na sana ako nang may humawak bigla sa kamay ko...

"Hahatid na kita" sabi ni Chanyeol habang nakangiti sakin..

Nagulat ako sa kilos niya pero pinabayaan ko nalang...

Habang naglalakad kami ay nagsalita ako...

Nakakapagtaka kasi ehh..

"Chanyeol anong meron?" Ayokong isiping may mali pero nakakapagtaka lang..

Gusto ko tong mga nangyayari pero nakakapanibago lang

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil narin ako at napaharap sa kanya

"Baekhyun...alam kong alam mo ang lahat-lahat ng mga nangyari..kinwento sakin ni Jongin lahat...s-sabi pa nga niya malalagot siya kapag nalaman ko..pero I didnt mind him.." nagulat ako sa mga sinabi niya..

Loko tong si Jongin lagot sakin bukas nakooo nakooo



"Baek for fucks sake I know na hindi ka maniniwala ..I know na iisipin mo pusta na naman to dahil ang dami ko ng ginawang kagaguhan sayo..pero Baek I love you" nakita kong nanunubig ang mata niya at bakit ako nanlalambot??

Bakit nanunubig din ang mata ko?

"Im so sorry sa lahat ng nasabi ko..sa lahat ng masasakit na salitang nabitawan ko sayo.. I didnt mean it Baek... sadyang mataas lang talaga ang pride ko...I...Baek Im really sorry..."


Teka bakit ako naiiyak..


"Nung araw na paalis ka papuntang China hinabol kita but I saw you with Kris kaya nagback out ako..pero d ako nawalan ng pag-asa..alam ko naman kasing babalik ka pa.."


Dapat dka nagback out Chanyeol dapat hindii..


"P-pwede bang bumalik ka rin sakin??"


Sa mga pagkakataong yun lalo akong napaiyak at naramdaman ko nalang na niyakap na niya ako


nang matigil na ako sa kakaiyak ay tumingin na muli ako sa kanya

"C-chanyeol...ano na naman bang pakulo mo" sabi ko at naluha ulit


"Ayoko na talaga to Chanyeol eehh..." napayuko si Chanyeol





"Pero handa muli akong magpakatanga kasi mahal na mahal kita"




Nakita ko ang wide smile ni Chanyeol at mahigpit niya muli akong niyakap kaya napayakap narin ako sa kanya...



Hinatid na niya ako sa bahay at nang nasa tapat na kami ng gate ay napakamot siya ng ulo at nahihiyang lumapit sakin


Kaya ako na ang lumapit at kiniss siya sa cheeks "goodnight" mahina kong sabi with my wide smile at pumasok na nang tuluyan sa bahay...

Pagkahiga ko sa kama ay napatitig ako sa dingding habang nirereminisce yung mga kaganapan kanina..


Ang gaan ng pakiramdam ko..

Feel ko nga nakahiga ako sa cloud 9 ngayon sa sobrang saya ko...


Nang may maalala ako..


Yung kalandian ni Chanyeol na babae kanina sa canteen


Fuck Baek tanga ka nga talaga

[Baekyeol] Stupidly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon