"You are making the biggest mistake of your life Zephra! Letting that demon live will be the end of our kind as immortals!" Ang tunog ng kidlat at palyahaw ng batang sanggol ay humahalo sa ingay ng buong lugar.
Kaliwa't kanan ang usok, dugo at patuloy na pagbilang ng mga buhay na nagwawakas. Hindi alam ni Zephra ang unang pakikinggan, maliban sa naagaw ang atensyon niya ng anak na sanggol ay hindi rin siya mapakali sa patuloy na napagmamasdan.
Kahit saang parte niya ibaling ang ulo ay panibagong paghandusay ng mga kasamahan ang kaniyang nasasaksihan. Umaagos na ang mga luha sa kaniyang pisnge, bagama't napupuno ang puso niya ng sakit at konsensya, tuwing nakikita naman niya ang inosenteng pagtingin ng kaniyang sanggol ay ang siyang nagpapaalala na wala siyang dapat na pagsisihan. Pagkat iyon ang nakita niyang nakatakdang mangyari."Hindi Khalia, nagkakamali ka. Ang anak ko ay hindi katulad ng iniisip mo, o kahit anong paniniwala ng ibang nasa Dinastiya, dahil isa lamang siyang ordinaryong sanggol, isang sanggol na magiging pag-asa sa ating lahat pagdating ng araw." Puno ng pag-asa ang mga mata ni Zephra na tumingin sa malapit na kaibigan. Pilit na kinukumbinsing paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi pagkat 'yon ay katotohanan lamang.
Nakaawang ang labi ng kaibigan na tumitig sa kaniya, ang bibig ay bahagyang nakabukas ngunit hindi magawang makapagsalita. Imbes na titigan si Zephra ay inilibot ni Khalia ng paningin sa paligid. Naroon sila sa mas malaking bundok, ngunit kahit sa layo ng pagitan nila sa sentro ng Dinastiya ay kitang-kita nila ang kaganapanan mula sa ibaba. Hindi matapos-tapos na labanan sa pagitan ng mga taga Dinastiya at Vania Emperyo ng Kastilyo. Matataas na klase ng bampira sa buong Dinastiya kung saan sila nagmula laban sa hari ng buong Kastilyo na siyang dati nilang pinaglilingkuran.
Masakit para sa kanilang dalawa na makita ang dating nagkakaisang Kaharian na ngayon ay nagkakasiraan na, hindi nila lubos maisip na darating ang araw na sila mismo ang magwawakas ng buhay ng isa't isa na minsan rin nilang inakalang magpahanggan na.
"Pag-asa?" Do'n lang ata nagawang makapagsalita ni Khalia. Garalgal na ang tinig at nagtitimping muling binalingan si Zephra.
"Nabulag na ba ng propesiyang sinasabi mo ang mga mata mo Zephra? Tingnan mo ang buong Castle Vania! Sariling laman at kauri natin ang nagpapatayan! Dahil sa sanggol mong kailangang protektahan! Kung hindi natin maiibsan ang ganitong gulo ngayon hindi na natin kailangang hintayin ang dalawampo't isang taon para maipagpatuloy ang pagkabuhay natin! Kung haharap ka sa Hari at iaalay ang batang 'yan matatapos ang gulong ito kaya pakiusap! 'wag mo nang pairalin ang emosiyon mo dahil hindi 'yan gawain ng isang bampirang katulad natin!" Mahabang pangungumbinsi niya sa kaibigan.
Mas lalong humigpit ang pagkakaka hawak ni Zephra sa anak, ang matatalis na ngipin sa kaniyang bibig ay unti-unting lumalabas. Alam niyang dala ng galit at kaunting emosiyon pa ay magagawa na niyang makapanakit, at ayaw niyang mangyari iyon sa malapit na kaibigan.
"Hindi makikinig ang hari Khalia...dahil ayaw niyang maagaw ang pamumuno mula sa kaniya." Labag man sa kalooban ni Zephra na bitawan ang mga salita kailangan niya paring sabihin iyon para magawang unawain ng kaibigan ang sitwasyon niya.
Kunot ang noo at puno ng pagkalito ang buong ekspresyon ni Khalia. Naiinis, naiinip at nagtataka sa mga sinasabi niya.
Tinitignan niya ulit ang sanggol sa kaniyang braso bago sinagot ang nagtatanong na tingin ng kaibigan.
"Kung isusuko ko man ngayon ang sarili 'kong anak hindi n'yon mababago ang sitwasyon. Ang nangyayari ngayon ay kagustuhan na ng Hari, simula nang makita niya na mas lumalakas ang impluwensiya ng Punong Dinastiya kaysa sa loob ng Kastilyo ay naisip na niyang gumawa ng paraan para magawa niya tayong wakasan. Ang nangyayari ngayon ay bagama't hindi niya plinano, iyon ay naayon naman sa kaniyang gusto. Kaya kumbinsihin man natin siya ngayon, hindi na niya magagawang palagpasin ang ganitong pagkakataon. Sa ngayon, ang mga nangyayari at mangyayari ay papabor sa kaniyang kahilingan. Nakakatakot man ay ngayon magwawakas ang ating lahi Khalia, at ang pinaka mabisang paraan lamang para maibalik tayo ay ang maprotektahan ang nakatakdang propesiya." Nagtatalo ang lakas ng loob at lungkot sa boses ni Zephra.
Habang takot at matinding pangamba naman ang sumasakop sa buong isipan ni Khalia. Hindi niya matanggap ang kahihinatnan nila.
"Dahil ang batang ito ay hindi lang ang nakatakda sa propesiya, kun'di siya rin ang magiging huling bampira ng ating lahi, 'yon ang nakakatakot na magaganap sa sandaling hayaan ko siyang manatili rito." Pagdurugtong niya sa sinasabi.
Pareho nilang naluluhang nilingon ang halos hindi na matanaw na kaharian ng Dinastiya. Sa sobrang kapal ng usok dala ng matinding lagablab ng apoy na tumutupok sa buong lugar. Alam nilang malabo nang mabuhay ang ibang kasamahan na naroon. Ngunit alam ni Zephra na hindi maaring masayang ang sakripisyo ng mga naniniwala sa kaniya, kailangan niyang tuparin ang usapan at ilayo ang sanggol habang mas maaga pa.
"Patawarin mo ko Khalia...patawarin mo ko kung hanggang dito nalang muna... Sana sa susunod nating pagkikita, mahanap na natin ang tunay na kalayaan at kasiyahan sa mga tulad nating bampira..."
To be continued...
© 𝘼 𝙕 𝙐 𝙈 𝙄 𝙆 𝙊 𝙊 𝙊
author
BINABASA MO ANG
Castle Vania Dynasty #10: The Last Vamp In The Prophecy
FantasyCastle Vania Dynasty Series #10 A Fantasy collaboration Series with 10 Amazing Authors. Many years ago, Castle Vania Dynasty, was the world of Vampires and immortality. Where essence of life is not valued as they believed in living forever. Until on...