Kabanata 1
09-04-22
11:53 A.M"Stand up!"
Tahimik ang buong klase nang sakupin ng tinis ng boses ni Mr. Panon ang bawat sulok ng silid. Ang mga tawanan ng mga kaklase kanina ay unti-unti nang humihina, ang kasiyahan kanina ay nauwi na sa matinding kaba. Ngunit, ang kalooban ni Sloane sa mga sandaling iyon ay nanatiling kalmado, dahil hindi niya maitago ang ngiti sa labi nang tuluyang tumayo ang lalaking kanina pa niya pinagmamasdan.
"I am writing hundreds of words in this chalkboard, and multiple explanation for this lesson yet you're gonna tell me you didn't know any of this things?ha!" Sinundan iyon ng malaking kalabog nang biglang hampasin ni Mr. Panon ang chalk board sa likuran.
Dahilan para maibaling na naman ni Sloane ang paningin sa Propesor bago ulit tiningnan ang lalaki. Ni hindi ito natinag sa matinding kalabog na sa iba niyang kaklase nagpagulat.
Mas lalo pang umawang ang labi niya nang magkamot lang ito ng ulo saka ngumiwi, halatang hindi apektado sa paghuhurumintado nang nasa harapan.
"Hindi ko talaga alam Sir Panot, hays!kung alam ko lang na ganito kahirap intindihin ang mga anatomy na 'yan ede sana hindi na'ko nagenroll." Gaano man kaliit ang boses nito sa huling sinabi ay narinig parin ni Sloane iyon. At hindi niya alam kung ano ang unang magiging reaksyon. Kung matatawa siya dahil sa munting pagrereklamo nito o mag-aalala dahil sa unang sinabi nito.
Nag-aalala niyang nilingon ang kaniyang propesor na noon ay halos umusok na ang ilong. Nanlalaki ang mata at namumula ang buong mukha dahil sa pagkapahiya.
"SA DETENTION!!!" Malakas nitong sigaw habang nakaturo sa labas ng pinto. Pagalit nitong kinuha ang mga libro at gamit bago padabog na isinara ang pinto ng silid.
Napabuntong-hininga siya nang maibalik ulit niya ang paningin sa lalaki na hindi manlang niya alam ang pangalan. Last week lang niya ito nakitang unang pumasok, kailanman ay hindi pa niya ito nakita sa buong university sa tatlong-taon niyang pag-aaral roon. Kaya naisip niyang isa itong transferee. 'Yon ngalang, kahit kailan ay hindi pa niya ito nagawang makausap, hindi pa niya ito narinig na banggitin ang pangalan o magpakilala kahit alin sa mga kaklase niya. Lagi itong mag-isa pero kahit gano'n ay lagi namang mukhang masaya, bagay na mas lalong nagpapabuhay ng interes niya.
"Grabe! Galit na galit si Sir Panon, siraulong lalaki 'yan, hahaha sino ba kasi 'yan? Hindi ko namalayan, kaklase pala natin?"
Nagsimulang magbulungan ang iba niyang kaklase nang sundan iyon ng tunog ng bell. Nagsimulang magsitayuan ang mga kaklase niya, ang iba naman ay nagpapaunahan pa sa paglabas ng pintuan. Ang tanging natitira na lamang ay silang dalawa. Dahil ang lalaki kanina ay tila wala pang balak na tumayo, abala ito sa pagsuyod ng tingin sa mga kapwa kaklase na nagsisilabasan, wari'y inaalam kung bakit ito nagsisialisan.
Nagtataka man ay bumuntong-hininga si Sloane na tumayo. Hindi maitago ang ngiti niya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, hindi na siya ang huling lalabas ng silid na iyon.
"Hindi ka pa ba aalis?" May pag-aalinlangan man ay sinadya niyang lakasan ang loob para kausapin ito. Hindi tulad ng dati tuwing nakakaharap siya ng mga bagong kakilala ay talagang nahihiya siya, hindi niya ugaling makipagkilala o magbukas ng usapan sa bagong tao na nakakasalamuha niya. Pero ang pakiramdam niya sa lalaking ito ay kakaiba. Wala siyang nararamdaman na kahit anong kaba bagama't naroon ang kakaunting pag-aalinlangan at hiya.
"Aalis na," sagot nito. Awtomatiko itong tumayo at ngumiti sa kaniya. Nakaawang ang labi niya nang tuluyan siya nitong lampasan kaya hindi na niya namalayan ang sariling hinahabol ito bagama't mabagal.
"Saan ka pupunta?" Sa dinami-dami nang puwede niyang ipang lusot dahil sa paghabol na ginawa niya ay talagang ang totoong gusto pa niyang malaman ang naitanong niya.
BINABASA MO ANG
Castle Vania Dynasty #10: The Last Vamp In The Prophecy
FantasyCastle Vania Dynasty Series #10 A Fantasy collaboration Series with 10 Amazing Authors. Many years ago, Castle Vania Dynasty, was the world of Vampires and immortality. Where essence of life is not valued as they believed in living forever. Until on...