Simula

10 3 0
                                    

Simula

"GSU! BVI!"

"Pakiusog na lang!"

"May bakante pa! Sege sege! Pasok!"

Malalim akong napabuntong hininga.

Hindi pa naman nag-iisang buwan simula noong nagsimula ang pasukan ay pagod na pagod na ako. Ayoko na. Parang susuko na ang katawan ko kung araw-araw na mangyayari ito.

Bago lang ako sa siyudad dahil tiga-probinsiya naman talaga ako. Nagsiyudad lang ako ngayong senior highschool na ako para maging independent ako at maihanda ko na ang sarili ko kapag nag college na ako.

Hindi ko naman akalain na ang hirap pala maging city girl. Mukha naman kasing hindi nahihirapan ang mga pinsan ko.

Sa umaga, alas kuwatro pa lang ay gumigising na ako dahil pagpatak ng alas sais, dapat ay nasa bus station na ako at nakapila na sa bus papuntang GSU dahil ang haba ng pila palagi. Malalate ako kapag alas singko o alas sais na ako gumising.

Ngumiwi ako noong natapakan ang isang paa ko. Shet naman oh! Standing na nga, natapakan pa! Ang puti-puti ng medyas ko!

Napansin ko sa gilid ko na masyadong malapit na iyong katabi ko sa akin kaya umatras ako ng kaunti. Hinigpitan ko ang kapit ko sa hawakan noong umandar na ang bus.

30 minutes ang biyahe mula sa station hanggang sa GSU kaya 30 minutes akong standing, kung walang pasaherong bababa at makakaupo ako. Nasa harap lang ang tingin ko habang nasa biyahe.

I was never used in commuting. Palagi naman kasi akong hinahatid at sundo ng lolo ko dati noong elementary hanggang junior highschool. Ngayon na malayo na ako sakanila, I need to conquer my fear and shyness. Ang sabi nga ng tita ko, dito, kailangan madiskarte ka. Kailangan kaya mo magtiis. At kailangan alerto ka. Hindi 'to katulad ng probinsiya lang namin. City na 'to.

Bumaba ako sa kanto ng Real, dahil sa gate 2 ng GSU ako daraan. Alas otso pa kasi nila binubuksan ang gate 1 kaya sa gate 2 talaga madalas pumapasok ang mga tao.

I attended my class peacefully. Sa tuwing break at lunch ay nasa classroom lang ako. Pagkatapos naman ng klase sa hapon ay deretsong uwi na ako. Maghihintay lang ako ng jeep. Kahit sa pagsakay ng jeep ay agawan dahil ang daming sumasakay. Kaya dapat alerto ka. Kaya naman, kahit lunes pa lang, pagod na pagod na ako.

I still don't have any friends yet. Yes, may mga nakakausap naman ako sa mga kaklase ko, but wala pa talaga akong kaibigan. Maybe it is because of the way I stare. Aware naman kasi ako na grabe ang mga titig ko. Para raw akong palaging galit. But anyways, hindi naman ako nagrereklamo. It's good. I have peace.

Pagkarating ko ng bahay ay kaagad akong nagbihis at nagsaing na. Nang maisalang na ang rice cooker ay sinunod ko naman ang paghuhugas ng mga pinggan na pinagkainan namin kaninang umaga.

I am living with my aunt, kapatid ng mama ko. Nasa barko kasi ang asawa at wala naman silang ibang kasama, kaya dito na lang ako tumira. Kaysa naman maghanap ako ng boarding house na matutuluyan, dito libre pa.

Teacher si tita sa isang sports academy, at kami lang talagang dalawa kaya medyo hassle, lalo na't may dalawa pa siyang anak na nag-aaral. So, sa umaga, ako na ang bahalang magsaing at magluto ng ulam, tapos si tita na ang maghahatid sa mga pinsan ko sa eskwelahan nila since maaga rin akong umaalis. Pagkatapos nun, sa hapon naman, ako na ang maghahanda para pagdating ni tita ay ready na ang lahat dahil pagod din si tita mula sa trabaho.

Noong matapos akong maghugas ay nilabhan ko naman ang uniform ko. Isang pares pa lang kasi ang napatahi ko dahil kinulang sa tela. Sa sabado pakiramdam ko ay bibili na ako ng panibagong tela kasi madaling masisira o maluluma 'tong uniform ko kapag araw-araw ay nilalabhan.

It Doesn't MatterWhere stories live. Discover now