Chapter 2

5 2 0
                                    

Chapter 2

"Sino crush mo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wala!"

Sumimsim ako sa kapeng iniinom ko at umiwas ng tingin mula kay Nianne.

Ayoko talagang tinatanong ako nang ganitong mga tanong kasi nakakatense. Wala naman sana akong crush pero nakakatense pa rin.

Suddenly, the image of the guy na nakatabi ko sa bus noong nakaraan flash across my mind. Kaagad akong pumikit at umiling, pilit na inaalis sa isipan ang imaheng iyon.

Bakit ko ba iyon naiisip? It was what? 1 week na! Grabe! Hindi makalimutan, Bella?

"Weh?" pinaningkitan niya ako ng mata. "Sinungaling!"

Tinakpan ko ang mukha niya gamit ang palad ko. Inis naman niya iyong tinanggal at sinamaan ako ng tingin.

"So, sino nga?" pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Wala nga!" umiwas ako ng tingin.

Ang dami talagang tao kapag ganitong alas singko na ng hapon. Rush hour na kasi.

Nandito kami ngayon si City ni Nianne at nagkakape. Hindi ko alam kung paano niya ako nahila sa tig-150 na cup ng kape kung may libreng kape naman sa bahay.

"Or hindi ka pa nakakamove on kay Fin?"

Nanlaki ang mga mata ko. Eksaherada ko siyang binalingan ng tingin na parang may mali siyang sinabi. Well, may mali talaga siyang sinabi!

"Hoy! Bunganga mo!" tinuro ko siya.

Ngumisi siya sa akin. Sumimsim siya sa kape niya. "So, hindi ka pa nakakamove on."

It was not a question but rather a statement.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Nagtindigan ang mga buhok ko sa batok.

"Kilabutan ka nga! 2 years na akong nakamove on hoy!"

Fin, for your information, is my first crush for like 7 and a half years. Tagal 'no? Ang tagal kong nagpakatanga. Crush lang 'yun pero umabot ng pito at kalahating taon.

But syempre, between those years, hindi lang siya ang naging crush ko. I secretly admired the korean group EXO. Humanga din ako sa isa sa mga naging kaklase ko noong grade 5 atsaka noong grade 8 ako. Pero noong grade 8 ako, 'yung crush ko nun, my admiration for him only lasted for 1 week? Kasi girlfriend niya na pala nung mga panahon na iyon 'yung kaibigan ko. Secretly dating kasi sila. Imagine my horror noong nalaman kong sila na pala. Ano? Nilandi ko jowa ng kaibigan ko? Nakakaiyak na nakakahiya!

Then noong mga grade 9 na yata kami when I finally admitted na hindi ko na talaga crush si Fin kasi nagkagusto ako nun sa kalase namin. It was a secret that we had something. Hindi ko 'yun o niya, pinagsabi sa mga kaibigan namin. It was just between us.

Pero, he was my first heartbreak. Really.

"Eh, sino nga ang crush mo?!" naiinis na siya.

"Bakit mo ba kasi gustong malaman? Wala nga akong crush. Aren't you happy?"

Umiling siya. "This is not you."

Umirap ako.

"Dai, 'yung kilala kong Bella, lumalandi! What happened?"

"People change." I shrugged.

"Ulol."

Umuling ulit ako.

Yes, lumalandi rin ako. Nasa loob talaga ang kulo. But, it was only during summer kasi bored ako at walang magawa. Pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam paano lumandi. My definition of kalandian is exchanging casual conversations like hi, hello, okay lang ako, kumusta ka? It was more like friendly conversations lang 'yung mga nangyayari, pero sige, para naman my achievement ang isang introvert na katulad ko, lumalandi talaga ako tuwing summer.

It Doesn't MatterWhere stories live. Discover now